Animo'y isang lantang gulay na dumating si Jane sa kanilang bahay. Kulang nalang ay sumayad ang dalawa niyang kamay sa lupa. Wala pa din ang kaniyang pamilya kaya naman malaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya ng walang naririnig na sermon sa kaniyang Kuya at Inay.
Napaupo nalang si Jane sa isang upuan na gawa sa kahoy. "Paano kung ako ang dahilan ng paglayas niya? Paano kung ako ang may kasalanan?" nagsimula na siyang bumuo ng mga negatibong ideya sa kaniyang utak.
Siguro nga, nalason na siya ng kaniyang isipan. Pakiramdam niya'y sa mga oras na ito ay nadagdagan na naman ang sakit sa kanyang puso.
Una ay noong iniwan siya ng kanilang ama. Halos gumuho ang lahat ng mayroon ang pamilya niya dahil sa pag-iwan sa kaniyang inay. Ni anino ng kaniyang ama ay ipinagkait pa ng panginoong Diyos.
Sa pagmumuni-muni niya sa labas ng kanilang bahay ay nakarinig siya ng malakas na kalampang. Natuon ang kaniyang atensiyon kung saan nagmula ang ingay na iyon. Tila sa bahay nila galing iyon.
Napalitan ng kaba ang malungkot niyang puso. Paano kung isang baliw na kawatan ang pumasok sa kanilang tahanan upang nakawin lahat ng mga bagay? Paano kung may mga adik na nakapasok sa kanilang bahay at magtangkang gahasain siya?
Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Tila nasa ulap pa din ang kaniyang utak. Bigla nalang bumalik sa katinuan ang kaniyang utak matapos siyang makarinig ng isang tangis. Sa mga oras na iyon ay pursigido siyang tuklasin kong sino ang nasa loob ng kanilang bahay.
Dumaan siya sa gilid ng kanilang bahay kung saan ang daanang papuntang kusina ay malapit lang doon. Mahina ngunit planstado niyang ikinilos ang dalawa niyang paa papunta sa isa sa sulok ng kanilang kusina. Dahan-dahan siyang kumaha ng kutsilyo para kung may magtugma sa kaniyang mga hinala ay makalaban siya.
Ipinihit niya ang bilugang korte sa isa sa mga kwuarto sa bahay nila. Pakiramdam niya'y sasabog na ang kaniyang puso dahil sa walang humpay nitong pagtibok. Namumuo na din ang mga pawis sa kaniyang katawan.
Pagkabukas nito ay wala siyang nakita kundi ang maskarang iniregalo ng kaniyang Kuya Carlo sa kaniyang kapatid na si Alice. Aalis na sana siya ng makarinig siya muli ng tinig.
"Suotin mo ako.... Suotin mo ako." Sa pagkakataong ito ay malapit na ang pinagmumulan ng boses. Napaawang ang kaniyang bunganga matapos niyang matuklasan na ang maskara ang kusang gumagawa ng tunog.
Animo'y may sariling pagiisip ang dalawang kamay niya upang hawakan ito. Hindi niya alam sa mga oras na iyon ay nakakaramdam siya ng hipnotismo. Sinimulan niya ng isuot ito at laking gulat niya ng may makita siyang isang babae, pamilyar ang mukha nito sa kaniya. Halata ang pagod ng babae dahil sa pagtakbo ng mabilis. Mukhang may tinatakasan siya na panganib?
Lumilinaw na ang istura ng babae. Parang kamukha ng kaniyang kaaway na si Lucy? Agad naman naman itong naihagis ni Jane sa kama dahil sa takot.
Nilapitan niya ang maskara. Pakiramdam niya'y babaliktad ang kaniyang sikmura matapos niyang masaksihan ang pagpalit anyo ng maskara. Isa na itong duguang mukha na halatang wala ng mga mata dahil sa kulay nitong itim.
Napaatras nalang si Jane matapos niyang masaksihan ang pagsasalita ng maskara. "Lumayas kana dito. Papatayin ka nila!" sa bawat pagbigkas nito ng mga salita ay onti-onting naglalabas ito ng isang pulang likido.
Kinusot-kusot ni Jane ang kaniyang mga mata. At laking pasasalamat niya ng bumalik sa dati ang maskarang nasa harapan niya. Pero malakas ang kutob niya na hindi lang ito isang ordinaryong maskara. May nakakubling lihim sa maskarang kaniyang hawak.
Halos mahulog ang puso ni Jane matapos may biglang yumakap sa kaniya.
"Jane, nagalala kami sa iyo saan ka pumunta?" tanong ng kaniyang kuya.
Kakarating lamang ng kaniyang pamilya. Bakas pa rin kay Jane ang kuryosidad kaya naman ay tinanong niya sa kaniyang kuya kung saan niya binili ang maskarang ineregalo sa kaniyang kapatid.
"Kuya, pwede po bang magtanong?" tanong niya habang hinihimas niya ang kanang braso niya.
"Oo, naman. Ano 'yon, Jane?" tugon ng kaniyang kuya habang abala naman ito sa pagaayos ng mga pinamili ng kaniyang inay.
"Saan mo po ba binili ang maskarang ito?" kinuha niya ang maskara at iniharap sa kaniyang kuya.
Huminto bigla ang kaniyang kuya. "Gusto mo ba talagang malaman?" nakaharap siya kay Jane habang nagtatanong.
Tumango nalang si Jane bilang tugon.
Nagpunta sila sa isa sa mga tindahan ng mga maskara. Kapansin-pansin ang iba't-ibang uri ng maskara. Nagpasya si Jane upang tanungin ang lahat sa naglalako. Lahat naman ay nasagot nito. Masaya si Jane na hindi tama ang hinala niya. Kaya nama'y umuwi na siya sa kanilang bahay.
Nagkatinginan ng makahulugan si Carlo at ang naglalako.
BINABASA MO ANG
Maskara (Completed)
HorrorAng maskara ang nagsisilbing instrumento upang panakot sa mga tao. Ngunit, papaano kung isang araw. Ang maskara na ito ang magbubukas ng lahat ng misteryo sa iyong buhay? Nanaisin mo bang suotin ito? Copyright © by timmyme All rights reserved.This b...