LUCY'S P.O.V
Hindi ko alam pero may namumuong kulo ng dugo sa aking ulo. Alam kong siya ang may kagagawan nang lahat na iyon. Siya ang dahilan kung bakit kami napatalsik sa eskwelahan na aming pinapasukan.
Ako lang ang nagiisang anak ng aking Mommy na walang ibang gawin kundi gumasta ng pera. Si Papa naman ayon nagpapakasasa lang siya sa walang modo niyang kabit. Hindi ko masisisi si Mama kung bakit ganoon nalang siya aktibo sa mga ganoong bagay.
Ano kayang gagawin mo kung mangyari din sa iyo ang nangyari sa aking Mama? Magpapatiwakal ka ba? Papatayin mo ang sarili mo sa gutom? O 'di kaya'y maghahanap ka ng ibang tutumbas ng pagmamahal na ibinigay niya kay Papa?
Malapit na din ang sumapit ang pasko. Kailangan ko nang pumunta sa bahay ni Jane upang humingi ng dispensa sa kasalanan aking ginawa. Hindi ko din alam kong bakit ganoon nalang umiba ang ugali ko. Siguro nga dahil sa mga nakikita ko sa aking mga magulang. Sabihin niyo, napalaki ba nila akong maayos?
Habang inaasikaso ko ang mga gamit na aking dadalhin sa pagbisita kay Jane na magmula ngayon ay sisiguraduhin kong magiging matalik ko ng kaibigan hindi kaaway. Ay nakarinig ako ng pamilyar na boses. Mas lalo akong nangamba dahil narinig ko din ang paghampas ng pinto.
Laking gulat ko nang makita ko na si Mama pala ang nagdadabog sa harapan ng pintuan namin. Akala ko'y hanggang sugal lang ang maaring idulot ng paghihiwalay nila ni Papa. Pero mali pala ako doon, nilalason na ng tuluyan ang kaniyang utak.
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. Sinasabayan niya lang nang dala niyang alak ang bawat pagiiyak niya.
Hindi ako makapagsalita sa mga oras na ito. Pakiramdam ko nasasaktan din ako sa mga pinaggagawa ng aking Mama. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kaagad ko siyang niyapos.
Nagtaka nalang akong bigla matapos niya akong itulak ng napakalakas dahilan upang mapasubsob ako sa aming sahig.
"Umalis ka dito! Hindi kita tunay na anak!" paliwanag niya.
Hindi ko alam, pero dumoble ang sakit na aking nadarama. Hindi nila ako tunay na anak? Pero paano? Bakit?
Bigla nalang akong nagtatakbo palabas sa aming bahay. May namumuuong likido sa aking mga mata pero hindi ko itinuloy, bagkus ay pinunasan ko ito at nagsimulang maglakad.
Kailangan ko nang bawasan ang sakit sa aking puso. Kailangan ko nang humingi ng patawad at magpatawad kay Jane.
Mga ilang kilometro rin ang layo ng bahay nila sa aming komunidad. Napapaligiran ang kanilang daanan ng mga naglalakihang puno at mga iba't-ibang halaman.
Bigla nalang akong napahinto matapos may isang matanda akong nasagi. Sa tansya ko ay nasa edad setenta anyos siya. Sa damit nitong napagdaanan nang mga ibang henerasyon ngayon.
Tinulungan ko siyang pulutin ang mga nahulog na kung susumain ko ay puro mga halamang gamot. Matapos kung ibalik ay bigla niya nalang hinawakan ang isa sa mga braso ko.
May kung anong enerhiya ang pumipigil sa akin upang gumalaw. Nagsimula nang magsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan. "Kung maari ay huwag ka nang tumuloy sa pupuntahan mo dahil hindi mo kilala ang mga nakatira roon." Isang nakakapangilabot na bulong ang kaniyang pinakawalan.
Mga ilang segundo ay bumalik na rin sa normal ang aking katawan. Napakamot nalang ako sa ulo kung bakit ganoon nalang ang pagbabawal sa akin ng matandang iyon?
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Huminto nalang ako matapos kung maalala ang sinabi sa'kin ng aking tiya. Na 'pag nakaramdam ka nang kung anong kakaibang enerhiya sa isang tao ay sumilip ka sa pagitan ng iyong hita.
Nanginginig akong sinunod ang payo ng aking Tita. Yumuko akong nakapikit habang binubuka ko ang aking hita. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng kilabot matapos kong makita ang tunay na itsura ng matandang babae.
Nakasuot siya ng t-shirt na lasug-lasog at halos maluwa ako matapos kung makita ang kaniyang mukha. Wala na itong balat tanging bungo niya lang ang aking nakikita.
Napatakbo ako patungo sa bahay ni Jane. Alam kung iyon ang bahay nila dahil sa binubuo ito ng mga lumang kahoy at mga bakuran na puno ng halaman.
"Jane!!! Jane!!! Buksan mo ang pinto!" sumigaw ako habang sinusulyapan ko ang matandang nasa likod ko.
Nakahinga ako ng maluwag matapos mabuksan ang pinto. "Jane sala—" hindi ko natuloy ang aking sasabihin matapos kung makita kung sino ang bumukas ng pinto. Isang lalaking naka-itim na damit at may hawak itong kutsilyong may manstiya ng dugo.
Napaatras ako matapos siyang ngumiting nakakaloko. "Isang magandang babae ang gustong sumunod sa aking iaalay." ang bulong na iyon ang nagsilbing baterya upang tuluyan akong tumakbo.
BINABASA MO ANG
Maskara (Completed)
HorrorAng maskara ang nagsisilbing instrumento upang panakot sa mga tao. Ngunit, papaano kung isang araw. Ang maskara na ito ang magbubukas ng lahat ng misteryo sa iyong buhay? Nanaisin mo bang suotin ito? Copyright © by timmyme All rights reserved.This b...