Enjoy reading!
**************************************Nagulat ako ng makita ko ang mga mata niya. Kulay green! Katulad ng sakin! Lalapit na sana ako para makita ng malapitan ang mukha niya. Kaso lang saktong ihahakbang ko palang ang mga paa ko ay may narinig akong pag-sabog.
*booogggghhhhssss!*
Luh saan galing yon? Napapitlag ako ng makarinig ukit ako ng nalakas na pagsabog. Anong nangyayari? Tatakbo na sana ako palabas ng...
*kriiiiiinnnnngggggggg!!!!*
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang cellphone kong nagri-ring. Panira naman to eh. Tiningnan ko yung caller id at si Ciara lang pala. Hays to talagang babaeng to sarap upakan eh.
"Oh ano?" Irita kong tanong.
"Luh, ke-aga aga beast mode ka?" Tanong niya, mukha pa ngang kumakain eh.
"Sarap kasi ng tulog ko nang-iistorbo ka"
"Sorry naman. So pinayagan kaba ni tita dun sa activity?"
"Oo bakit?" Tanong ko sabay hikab. Anong oras naba?
"Wala lang baka hindi ka payagan hindi narin ako sasama."
"So yun lang tanong mo? Antok pa ako bye" hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at in-end ko nayung call.Humiga na ulit ako sa kama at sinubukang matulog. Kaso lang naalala ko na naman yung babaeng may green na mata tulad nung sakin. Actually naka contacts ako kasi baka maging agaw atensyon yung mga mata ko baka akalain foreigner pa ako.
Sino kaya yun? Ang ganda pa naman niya. Makatulog na nga lang ulit. Saktong pipikit palang ako ng maalala ko na naman siya. Ayt, bat ko ba siya naalala? Makanood na nga lang ng kdrama, nakakainis.
Tumayo na ako para kunin yung loptop ko sa drawer. Pagkatapos kong kunin ay nilagay ko muna sa kama kasi kukuha pa ako ng foods. Bumaba na ako at dumiretso sa ref.
"Nak, aalis kaba?" Rinig kong tanong ni mama na abala sa pag-aayos ng mga libro sa shelves.
"Im going to watch kdrama ma. Why" tanong ko sabay kuha nung tatlong slice ng strawberry cake.
"Wala, aalis kasi ako. May aasikasuhin lang somewhere. Im going to be out till monday." Napalingon ako sa kanya.
"2 days kang wala mom? Saan ka pupunta?" Tanong ko ng ilagay ko yung cake sa table tsaka dumiretso ulit sa ref para kumuha.
"Out of the town lang honey. Business matters lang. Is it okay to you?" Tanong niya.
"Of course mom basta ingat kalang" sagot ko sabay kuha nung isang box ng pizza. Yum, iinitin ko nalang to. Dumiretso ako sa cabinet para kumuha ng chitchirya. Kumuha ako ng tatlong malalaking pack na cheese lahat ng flavor. Tapos ay dumiretso ulit ako sa ref para kunin yung carbonarang niluto ni mom kahapon para sa meryenda.
"Nak, baka pag balik ko baboy kana ha. Ang dami niyan ah" nag-pout ako dahil sa sinabi niya.
"Mom sobra ka, manonood ako ng kdrama at siguradong maghapon ako sa kwarto kaya ganyan na kadami yung kinukuha ko." Sagot ko sa kanya.
"Osya, sige aakyat na ako sa taas. Ihahanda ko na yung mga gamit na dadalhin ko" sabi niya tsaka na siya umakyat sa taas.
Dinala ko naman sa oven yung pizza at ininit yung carbonara. Dumiretso uli ako sa ref para kunin yung isang box ng strawberry milk. Pagkatapos ay isa isa ko sila inkayat lahat. This is exciting!
Nung nasa kama na lahat ay kinuha ko na yung loptop at hinanap ko na yung ni recommend nila sa aking kdrama. Yung Are You Human? Maganda daw yun eh.
*after 5 hours*
Shems ang ganda nga at ang gwapo pa ni Nam Sin. Nasa episode 7 nako , hindi ko matigilan, nakakainlove kaya si Nam Sin III parang hindi siya robot. Hays, I wish na sana may robot na ganon in real life.
Kain inom nood kain inom nood lang ang ginawa ko buong maghapon. Kinatok lang ako ni manang kanina para raw sa lunch, sinabi ko naman na may pagkain nako. Nakakalahati ko na nga eh, ayaw ko siyang tigilan ang ganda kaya. Its highly recommend for me and all of you haha!
Napatingin ako sa pinto ng may narinig akong kumakatok.
"pasok po!" Sigaw ko. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si mama.
"Nak aalis nako, behave okay?" Sumimangot ako sa sinabi ni mama behave?
"Mom naman, im a big girl na. Hindi mo na kailangang sabihin na mag-behave ako alam ko nayun" naka-pout kung sabi.
"Alam ko naman nak naninigurado lang, Osya baka malate ako. Goodbye na" Sabi niya sabay halik sa cheeks ko.
"Ingat ka mommy" sabi ko tsaka ko siya hinug.
"Oo naman honey bye" Tumayo na siya at nag-wave ng babye. Nag-smile naman ako bilang sagot. Tutuloy ko pa sana yung ginagawa kaya lang nakaramdam na ako ng antok. Anong oras naba? Tiningnan ko yung time sa loptop. 7:03 na pala? Masyado yata akong na hook sa pinapanood ko.Niligpit ko nayung mga pinagkainan ko sa higaan at dinala ko na sa baba. Naubos ko nga lahat eh. Oo na ako na matakaw. Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo at naligo.
Habang naliligo ako ay may bigla akong naramdaman na mahapdi sa upper right part ng breast ko. Sh*t! lalong tumitindi yung sakit. Napaluhod ako habang hawak ko siya. Ang tindi ng sakit niya.
"A-aww! Shemay! Ang sakit!" Sigaw ko. Bakit ang sakit niya? Napaupo na ako habang hawak yung upper right part ng dibdib ko. Para siyang tinutusok ng higanteng karayom ang sakit!
Lalabas na sana ako ng unti unti nang nawala yung sakit. Salamat naman. Nang tuluyan na siyang mawala ay tinignan ko siya. Bat may ganito ako? May nakita akong tattoo bato?
Para maliit na water droplet yung shape niya tapos kulay blue siya. Wierd wala naman akong ganito eh. Sumakit lang yung dibdib ko lumitaw siya. Hayst, baka diko lang napansin na meron pala ako. Pero wala talaga eh. Bahala na nga. Tinapos ko na ang paliligo ko tsaka na ako nagbihis at diretso higa na. Sunday naman bukas kaya itutuloy ko yung panonood ko kay Seo Kang Joon my loves haha.
Ipinikit ko na ang mga mata ko and I drifted to sleep.
*********************
1014 words in total
Maikli right? But anyways thank you for reading!😘
BINABASA MO ANG
Magic Academy: The Powerful Princess Of Hestia Kingdom
FantasyAkala ni Ashanti ay kilala na niya ang buo niyang pagkatao ngunit siya'y nagkamali. Marami pa siyang hindi alam tungkol sa sarili niya at Isa na sa mga yon ang pagiging itinakda niya. Samahan natin siya sa mga kakaharapin niyang problema at kung pa...