“Kyaaaaahhhh! Ate Lyaaaaaaaan!!! Idoooool!!! I love youuuuuu!!! Pagngangawa ko dahil nasa harap ko lang naman ang one and only idol kong si Lyan Verzen. Ghad!!! Ang ganda talaga niya.
“Warfil my love. Akin ka na lang! Kyaaaaaaah!” Ayaw paawat na hiyaw ng bestfriend ko’ng si Gleneth. Idol niya naman ang kaloveteam ng idol ko kaya pag may mall show or any other events ang Warfyan(Warfil & Lyan) ay lagi kaming present together as ever.
“My God Gleneth Mojica! Ang sakit sa tenga ng boses mo. Lumayo ka nga!” sanay naman na ako, ang totoo…
“Asus! Ang sabihin mo, nagseselos ka kay Warfil ko dahil lagi niyang kasama ang Lyan mo.” True. ‘Yon po ang reason pero ‘wag kayong magulat ha? Straight girl po ako. Gandang ganda lang po talaga ako kay Ate Lyan na di ko na makuhang tumingin sa iba.
“Oo na. Oo na. Kaya pwede ba. Kung ayaw mo’ng iboo ko ‘yang Warfil na ‘yan, dumistansya ka ng kunti. Shoo! Shoo!” pagtaboy ko sa kanya.
“Tsk! Ito na nga! Aalis na kesa hindi ko macheer si Papa Warfiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiil!!!!” nang-aasar pa talaga.
“Gleneeeeeeth!!!”
“Ahahahahahah!” Asar-talo na naman ako sa kanya. Arrrg!
“Kung ayaw mo’ng umalis, ako na lang ang lalayo sa’yo!” naaasar na talaga ako. Akmang aalis na ako…
“Hindi na nga! Sorry na! Super pogi lang kasi si Warf---“
“Fine! Magsi-CR lang naman ako. Jan ka lang. Kailangan pagbalik ko anjan ka pa ha?” pagpapaalam ko. Ihing-ihi na kasi ako. Literal ako pag kinilig. Buti nga di ako naaabutan eh. Hahahah! That’s so embarrassing!
“Okay! Bilisan mo ha? Mag-eexit na ‘tong dalawa after few minutes.” Nagnod na lang ako at tumakbo papuntang…ahy, hindi ko pala alam sa’n ang CR dito. Nasa Trinoma po kasi kami and first time ko dito.
“O-M. CR, where are you? I need to see you now or else I’ll die.” Mahinang sambit ko.
After almost ten minutes ay di ko pa rin mahanap ang CR na ‘yan. Kunti na lang talaga, maaabutan na ako. Bakit ba kasi wala akong mapagtanungan dito. Hindi naman ako pwedeng bumalik kasi siksikan, baka di ko pa mapigilan ‘to pag nagkataon.
“CR!!! Where the h*ll are you? I need to see you na talaga or else…”
“Or else ano? Magwawala ka rin gaya ng ibang fans ko?”
“Huh? Ang CR nagsasalita? At may fans pa? Astig pala ang CR dito.”
“Miss, stop murmuring. Here’s my photo with signature. Stop peeking and leave.” Sabi ng CR at inabutan ako ng…picture? Ni Warfil? Napalingon ako sa may hawak ng litrato at…
“Hoy ano ‘yan? Hindi ko kailangan ng picture mo. Ano ka---“
BINABASA MO ANG
I'm HER Fan, not HIS
RomanceSi Kriszel Urcia ay isang super avid fan ng artistang si Lyan Verzen na in love sa kanyang on-screen partner na si Warfil Rio na hindi nagseseryoso sa kahit anong relationship. Will their lives be changed if they go beyond the limit that each of the...