Warfil’s POV
“Oh pare! Ba’t ang dilim ng mukha mo? Kakagaling mo lang sa mall show di ba? Kanina ang laki ng ngiti mo ahh! Mga artista nga naman.” Puna sa’kin ng ugok kong bestfriend, si Alvin. Ewan ko kung bakit ko ‘to napagtitiisan ‘tong lalaking ‘to.
“Huy! Hindi ako gano’n ahh. Kung ano pinapakita ko sa stage ay gano’n din ako pagkatapos.” Depensa naman ni Dexter. Kasama ko rin siya sa showbiz pero sa kabilang station siya. Wala naman sa’min ‘yon. Hindi pa kami pumapasok sa industriyang ‘to ay magkabarkada na kami.
“Wei! Parang di naman Dex! Ang bait mo kaya sa stage. Hahahah!”
“Kaya nga di ba, mabait naman talaga ako eh. ‘Yon ang totoo.” Tumatango tango pa siya para sabihing maniwala kami.
“Ahh, kaya pala ikaw lagi ang nag-aaya ng inuman at laging may nakakapit na babae sa bar.” Sabay batok niya kay Dexter. ‘Pag magkasama kami, walang arti-artista. Bakit ba? Ordinaryong tao lang din naman kami tulad ng iba.
“Itigil mo na nga ‘yan. Si Warfil ang topic dito at hindi ako.” Nakahawak sa batok na sabi niya. Akala mo naman masakit.
“Eh ikaw kaya ang sumasabat.” Babatukan na naman sana ni Alvin si Dex pero nakailag ito.
“Nakakarami ka na ahh. Suntukan na lang ohh.” May pa action2 pa siya na parang magboboxing, inangat angat pa niya kunyari ang damit niya sa braso.
“Nanghahamon ang malaki ang kamao. Umupo ka nga jang ungas ka.” Sabay hila niya paupo rito.
“Makaungas naman, marami namang naghahabol na babae.”
“Artista ka lang kaya ganyan, eh ako. Wala pa nga akong ginagawa, nagsisigawan na ang mga babae. Hindi pa ako nakikita sa TV niyan ahh.” Nagpapayabangan na naman ang dalawang mga ungas. Hay!
“Tumahimik na nga kayong dalawa. Nanahimik nga rito ang pinakahabulin at pinakagwapo sa’tin tapos kayo kung anu-ano na ang kayabangang lumalabas sa mga bunganga niyo.” Walang emosyon ko’ng sabi sa dalawa. Napatigil sila saglit pero maya maya lang…
“Pfffft! Hahahahahahahah! LOL talaga pare ahh. Masyado yatang mahangin dito.” Tawang tawang sabi ni Dexter.
“Ahahahah! Seryoso ka pa sa lagay na ‘yan ha. Di bagay ‘tol. Hahahahahah!” Mangiyak ngiyak naman kakatawa ang isa.
“Bagay naman sa’kin.” Hindi ako bakla pero inirapan ko ang dalawa. Umaangal pa eh, totoo naman.
“Tama na Warf! Di ko na kaya. Baka matangay kami ng hangin na dala mo.” Hawak hawak pa ni Alvin ang tiyan niya habang sinasabi niya ‘yon. Pero badtrip pa rin ako, walang hiyang babaeng ‘yon. May araw din ‘yon sa’kin.
“Ano ba kasi kinakainis mo jan ha? Gusto mo tumawag ako ng mga chikababes ko?” Dexter na akmang tatawag na sa kung sinumang babaeng napulot niya sa bar na pinupuntahan namin.
“Tsk! Dadagdagan mo pa ang sakit sa ulo ko.” Pigil ko sa kanya.
“Woooh! So babae pala ang dahilan.” Nakangisi pa ang loko.
“Maganda ba Warf? Pakilala mo sa’min. Ano’ng pangalan? Search natin.” Hawak na ni Vin ang cellphone niya at handa ng itype ang pangalan ni…ano nga ba name niya…Kristel?...Chescia?...
“Badtrip na nga ako, aalamin ko pa ang pangalan? Ayos din kayo ahh.” Sumandal na lang ako sa couch na inuupuan ko. Baka sakaling marelease ko ang bad aura na nakapabalot sa’kin.
“Eh sa’n mo nameet ‘yan at ang laki agad ng galit mo?” kinwento ko na nga lang ang nangyari sa back stage at nang maintindihan ng mga ‘to. Baka sa’n pa mapunta ang usapan na ‘to.
BINABASA MO ANG
I'm HER Fan, not HIS
RomanceSi Kriszel Urcia ay isang super avid fan ng artistang si Lyan Verzen na in love sa kanyang on-screen partner na si Warfil Rio na hindi nagseseryoso sa kahit anong relationship. Will their lives be changed if they go beyond the limit that each of the...