CHAPTER 1

19.3K 367 12
                                    

 

Tricia's POV

It’s been three year when she decided to let him go even she don't want to.

Masakit man pero wala na siyang nagawa dahil ito na mismo ang bumitaw sa kanilang dalawa at wala siyang karapatang tumanggi sa kagustuhan nito dahil kapag pinilit pa niyang ipagsiksikan ang sarili dito sa bandang huli alam niyang siya rin ang higit na masasaktan.

Dalawang lingo na ang nakakalipas ng dumating sila sa pilipinas nang tinawagan siya ng kaibigan upang makipagkita, Mahigit ilang oras na rin silang dalawang nagkwekwentohan ng mga bagay-bagay na nangyari sa buhay ng isat-isa sa taong hindi sila magkasama.

"Hey trish are you still with me?" Tanong ng kaibigan sa kanya.

"Oh! sorry sis what did you say again?" Agad naman na sabi niya. Siya si Mary Grace Miranda o mas kilala sa tawag na Sweet ay besfriend na niya simula first year college kaya alam nito ang mga pingdaanan niya.

"Ano ba kanina pa ko salita ng don'tsalita you even listening pala.hmmf" Naiinis na sabi nito sabay irap pa sa kanya.

"Ang sabi ko kanina sure ka na ba sa gagawin mo? what if ikaw nanaman ang masaktan in the end ng mga plano mo?" Dugtong pa nito.

"Oo Sigurado na ko it's about time na siguro para malaman niya ang totoo pero hindi ako sigurado sa sarili ko kung kaya ko naba talaga siyang makitang muli." seryosong sagot niya.

"Basta sis lagi mong tatandaan, I will always support you, no matter what your decision is but for now I have to go na magkikita pa kami ng pangit na yun" sabay ngiwi nito. Magkikita lang naman sila ng magaling niyang kapatid, oo tama kayo ng nabasa sila nga ng kuya niya, matagal ng magkasintahan ang mga ito ewan ba niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakasal ang mga ito

"haha sige na pumunta kana baka namumuti na yung mata nun at alam ko namang kanina ka pa atat umalis, just kick him for me nalang hihi" Natatawang sabi niya dito dahil alam niya naman na kanina pa sabik na sabik na makita ng mga ito ang isat-isa.

"Of course It's my pleasure to do that to him hihi so im leaving na take care" Humahagikhik na sagot nito sakanya at tuluyan na itong tumayo na ito sabay halik sa pisngi niya at derederetso itong lumabas sa restaurant.

Napatitig nalang siya sa kawalan pag kaalis nito, at muling bumalik ang ala-ala ng araw na maghiwalay sila ng dating asawa.

FLASKBACK....

Nang marinig ang ugong ng sasakyan ng asawa ay dali-dali siyang tumakbo palabas upang pagbuksan ito nang pinto.

"Vince bakit ngayon ka lang dumating anong oras na? kumain ka na ba?" salubong niyang tanong dito at nang akmang kukunin niya ang gamit nito rito ay tinabig lang nito ang kamay niya.

" You don't care, wala kang paki alam kahit anong oras ako umuwi!" malamig na sabi nito sa kanya.

Napatitig lang siya sa gwapong muka nito nabigla siya sa sinabi nito dahil akala niya ayos na sila, pero sa kabila ng sinabi nito ay pinilit parin niyang ngumiti na parang hindi narinig ang sinabi nito.

"kumain kana ba?" Pilit na tanong niya dito at hindi ininda ang sina nito,iniisip niya na baka pagod lang ito kaya nito nasabi iyon. Matagal itong napatitig sa mata niya sabay sabing

"Trisha, ayaw ko! na maghiwalay na tayo" Seryusong sabi nito na tila isang business proposal lang mga binitawang salita. 

Halos hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan sa sobrang gulat niya sa mga sinabi nito, hindi niya namalayang naguunahan ng pumatak ang kanyang mga luha at nang tingnan niya ito ay nag iwas lang ito ng mga mata sa kanya.

"h-huh? bakit? may ginawa ba akong kasalan sayo?" Piyok ang boses na tanong niya dito.

"Wala kang kasalan ako ang may gusto nito, naalala mo ba yung kasunduan natin na after one year of being married maghihiwalay na tayo. mahigit isang taon na tayong kasal kaya maari na tayong maghiwalay" mahabang paliwanag nito na para bang ala lang dito ang mga sinasabi.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dahil sa mga oras na yon ang tanging nararamdaman niya ay sakit sobrang sakit na parang pinipira-piraso ang buo niyang pagkatao. Ang sakit palang umaasa sa mga bagay na una palang alam mo ng hindi mangyayari. Mahal na niya ito college palang sila kaya naman laking tuwa niya ng malaman na ipapakasal siya rito ng mga magulang kahit alam niyang hindi ito sang-ayon at alam din niyang mayroon itong kasintahan noong mga panahong iyon na alam niyang mahal na mahal nito. 

Sa loob ng mahigit isang taong pagsasama niya akala niya mahal na siya nito pero mukang mali ata siya,dahil ayaw na nito pero gusto parin niyang malaman mula dito ang totoo.

"Hu-h Vi-n-ce hindi mo ba ko mahal." Nginig ang boses na tanong niya dito habang ang mga luha niya ay patuloy paring nagbabagsakan.

 "Hindi, at kahit kailan hindi kita mamahalin at alam mong si pamela ang mahal ko." Matabang na sagot nito habang nakatingin ito sa malayo, na tila ba kasalanan dito pag tinitigan siya. 

Tuluyan na siyang napahagulgol sa mga masasakit na salitang binitawan nito.

Oo inaasahan na niyang yon ang sagot nito sa tanong niya pero sobrang sakit parin pala kung mula sa bibig na mismo nito nanggaling ang katotohanang hindi siya mahal nito na kahit kailan ay hindi nito magagawa.

END of FLASKBACK...

Mapait siyang napangiti sa pagbabalik tanaw sa nakaraan.

Pag katapos ng nangyari noong gabing iyon pagkagising niya kina umagahan agad na bumungad sa kanya ang Annulment paper nila na may lagda na ng asawa, wala siyang nagawa kung hindi ang pirmahan nalang ito at nagdesisyong mangibang bansa upang makalimot sa sakit na dinanas niya sa piling ng dating asawa.

Pero ngaun kailangan niyang magpakatatag hindi lang para sa sarili para narin sa dalawang batang bunga ng pagsasama nila ng dating asawa..........

(=>CLICK THE VIDEO ON THE SIDE :))))))) wala lang hihihi"_)

"Billionaire Ex-Wife" (w/ The Twins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon