Kabanata 12

48 3 0
                                    

Hezzha Rhieyhanie Lopez-Arnaiz, highest paid model.


Abot-langit ang ngiti ko habang nilalampasan ang billboard kung saan lumabas ako bilang highest paid model dito sa Spain. I was contented with my life now. Having a bunch of supporters and opportunities while living freely. Noong una ay halos nahirapan pa akong makipagsocialize sa mga tao pero nang kalaunan ay naging maayos naman. But before I could even reach everything I have right now, I was deceived. Akala ko noong una magbabakasyon lang ako rito pero hindi ko inaasahang iiwan at pababayaan ako ni Papa rito, in short kinulong ako sa bansang ito for some purposes. Iyak ako ng iyak kay Mama na pauwiin ako sa Pilipinas pero pinipigilan siya ni Papa. Mabuti nalang at mababait sina Tita at Tito, they comforted me. Pinaaral sa university habang kinukuha ang degree sa Interior Designing. I wasn't force to do labors or what pero sadyang gusto ko lang makatulong kahit papaano. Palagi naman akong binabalitaan ni Lexie tungkol sa mga ginagawa ni Papa. He did everything because of his greed. Siguro dahil ayaw niyang malaman ng lahat na ako iyong nagpabuhay ulit ng negosyo kaya niya ito naisip.

"I already talked to Venice, hindi ka ba niya nakontak?"tanong ni Mama isang araw habang nagmamadali akong pumasok sa school dahil may exam pa kami.

"She reach out to me kagabi Mama pero I'm not quite sure kung pasado ba ako sa standards ng mga Espanyol, alam mo namang matangkad ako pero hindi ganoon gaya ng iniisip nila"sumbong ko halos naghahalf-running na dahil halos limang minuto na akong late dahil gabi na akong nakatulog kagabi sa kakareview.


"Venice already settle everything, hija. Ikaw nalang ang hinihintay nila"aniya Mama kaya napasinghap ako.


"Tatawagan ko nalang po mamayang gabi Ma. Sige na po"untag ko bago pinutol ang linya dahil mahal ang tawag kapag international. My professor even scold me kasi late ako.


"May party raw na gaganapin mamaya sa club na kakabukas lang. Ano tara?"pangyayaya ni Xavier habang naglalakad na kami pauwi. I'm thankful kasi kahit papaano ay may nakilala akong mga pinoy at naging mga kaibigan ko pa. Walang imik naman ako habang sinusulyapan si Iverson na wala ring imik.


"Hindi ba pupunta sina Niña? Last time we partied nagkagulo sila ni Hezzha sa pag-aakalang nilandi raw nito ang boyfriend niya"umismid si Camilla sabay siko sa akin kaya iritado akong umirap. Natawa naman si Xavier habang ako na naman panigurado ang aasarin.


"Si Hezzha ang naglandi? Baka nga sila pa ang manlalandi rito eh"Xavier taunt me kaya padarag kong hinawi ang kamay niya nang sinubukan niya akong akbayan. Bahagya lang siyang natawa habang si Iverson naman ay bahagya ring nafrustrate.


"Hindi muna ako aattend sa party"tipid na untag ko kaya natigilan silang tatlo. Patuya naman akong sinulyapan nina Camilla habang gulantang lang si Iverson.


"Part-time job nanaman?"walang ganang untag ni Xavier na para bang abala lang iyan sa oras para sa kanya.

"I'm not that rich like you so stop saying nanaman"iritadong puna ko kaya napaatras si Xavier.


"Nagsasabi lang eh, triggered agad"aniya pa kaya inirapan ko siya.

"Akala ko ba Hezzha tapos na iyong trabaho mo sa isang fast food chain?"kunot-noong tanong ni Camilla kaya agad kong inayos ang bag ko at nagsimula na ulit kami sa paglalakad. Nanatili nalang tahimik na si Iverson habang hindi naman mapigilan ang pabulong-bulong ni Xavier.

Still Hoping (Epitome Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon