Kabanata 25

68 1 0
                                    

"I love you"he whispered softly while he's already kissing me. Halos napaliyad pa ako dahil sa ginawa niya. Namilog naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

"Enzo, baka may makakita"saway ko atsaka bahagya siyang itinulak papalayo sa akin. Kunot-noo naman niya akong tinitigan pagkatapos niyang tumigil. He licked his lower lip. Sabay naming hinabol ang aming hininga. Namumungay ang mga mata niya. He cupped my face to kiss me properly na kaagad ko namang inilayo sa kanya. He looked pissed. Umayos ako sa pag-upo atsaka umiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko namang malalim siyang bumuntong-hinga kaya sinulyapan ko siya.


"I'm sorry"maingat na untag niya kaya napatango lang ako.


We stayed there for a couple of more minutes bago nagpasyang bumalik sa ulit sa party. Naninimbang naman akong binalingan nina Camilla kaya umirap ako. Bumagsak ang tingin nilang dalawa sa kamay ni Enzo sa beywang ko atsaka nagngising-aso.


"I'm just going to talk to Rafael"paalam ni Enzo kaya umangat ako ng tingin sa kanya bago tumango. He kissed my forehead before turning to Rafael. Tipid naman akong napangiti habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin. And after Enzo's gone, agad nila akong tinukso at pinagtawanan.

"Saan kayo nanggaling?"makahulugang untag ni Camilla at pinagtaasan pa ako ng kilay kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Humagikgik naman siya kaya hinampas niya ako.


"Quick Momol?"patuyang untag niya pa bago binalingan si Xavier na pinagtatawanan lang kaming dalawa.

"What's Momol?"kuryusong tanong ko sabay baling kay Xavier na kumibit-balikat lang.


"Make out-make out lang"panunuya niya kaya agad ko iyong dineny. Hindi naman sila natigil sa kakaasar sa akin at kakapilit na sagutin ang mga tanong nila kaya inaabala ko nalang ang sarili sa alak.

Weeks passed, naging tuloy-tuloy na ang pagrampa ko sa runway. Abala rin sa magazine shoots and endorsements. Habang si Enzo naman ay walang kapagod-pagod akong inaalalayan sa tuwing may pupuntahan ako. Like he doesn't have any responsibilities and a company to manage. Kaya minsan ay hindi ko nalang pinapasama.

"Bakit ayaw mo? Kasama mo iyong Maurice?"makahulugang untag niya habang kakatapos niya lang sa ginagawa sa mcbook at ngayo'y ako nanaman ang inaabala habang tinatapos ang blueprint ko." Ano? Nanligaw na ba? Is he asked for a date?"mariin ang pagkakasabi niya niyon at nagtiim-bagang pa kaya halos nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Binitawan ko ang hawak na lapis at tinuon na ang pansin sa kanya. He looks so frustrated. He's pursing his lips. Mas lalong nagmumukhang suplado kaya natutop ko ang aking bibig para mapigilan ang pagngiti.


"Your jealousy is nowhere to be found"I chuckles. Mariin lang siyang pumikit at hinapit ang beywang ko. Nang nagmulat siya'y nagkasalubong kami ng tingin kaya agad kong naramdamang uminit ang pisnge ko.


"Hindi niya ba nakita ang singsing mo? Or he's just acting blind?"paratang niya pa kaya hindi na napigilan ang sariling hindi matawa. He clenched his jaw. Seryoso at marahas sinulyapan.


"He's just a friend"giit ko na hindi naman niya kaagad pinaniwalaan.


Still Hoping (Epitome Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon