Diary ng isang normal na kindergarten na estudyante na may normal na buhay at normal na nag-aaral. Sa madaling salita ang boring na buhay ng isang normal na estudyante.
Iniwan ako mag-isa ng nanay ko sa loob ng isang silid-aralan na puno ng mga bata na kasing edad ko.
Kinakabahan ako pero hindi ako umiyak. Nahihiya ako pero hindi ako umiyak. Natatakot ako pero hindi ako umiyak. Dahil iyon sa hindi ako tulad nila. Ayaw kong maging tulad nila.
Yung ibang mga bata umiiyak sila at gustong lumabas. Ayaw kong maging tulad nila. Nahihirapan ang mga magulang nila sa kanila. Pati si ma'am nahihirapan sa kanila.
Kahit na bata lang ako tulad nila, alam ko kung ano ang tamang gawin. Iyon ay ang makinig kay ma'am.
Naupo ako ng tahimik sa upuan ko at bago ako umuwi ay binigyan ako ni ma'am ng star sa kamay ko. Ipinakita ko iyon kay nanay at natuwa siya sa akin.
Ah ang sarap sa pakiramdam.
Pero ayaw ko na bumalik ulit sa room. Mas masarap maglaro sa bahay. Sana hindi na ako bumalik ulit doon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.