"Hello, Philippines." I said as I took off my sunglasses.Kakadating ko palang at naf-feel ko na ang mga stress na padating. Di ko maiwasang mapairap like, duh! Labag parin sa loob ko to!
Dahil wala namang ibang susundo sakin, Hinila ko na yung luggage ko at lumabas ng airport.
Bakit ba ko nag-coat? Nawala sa isip ko na mainit nga pala ang dadatnan ko dito. Napabuntong-hininga nalang ako at pumara ng taxi.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, binigay ko agad kay manong yung address ng school. Skyridge University. Oo, sa school ako didiretso at mananatili ako sa dorm. Pati pagi-stay sa sarili naming bahay di ako mapagbigyan, di ba?
Bakit ako nasa kinalalagyan ko ngayon? Aminado naman akong kasalanan ko. Spoiled Brat kung tatawagin nyo, yun ako. Sunod sa luho, happy go lucky, laki sa yaman. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Wala namang masama actually pero dahil ako yung nagi-isang anak nila Mommy at Daddy, wala silang maa-asahan na pamamanahan ng negosyo kung hindi ako. At kung ib-base sa school performance ko, maghihirap kami. Nag-decide sila Mommy na pauwiin ako ng Pinas para matuto daw ako. Like, how? Ano bang pinagkaiba nun kung nandito ako?
I felt a vibration in my pocket. Obviously nanggaling yun sa phone ko. Probably a text message.
From: Mommy
You're only allowed to spend 20k every month, understand? And don't smirk honey, all of your cards are on hold so you won't dare.
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
"What?!"
----------
SKYRIDGE UNIVERSITY
Yan ang bumungad sakin pagkababa ko ng taxi.
"Welcome to hell, Maddie." I whispered to myself. Ano pa ba ie-expect ko?
Pumasok ako ng gate at nagtanong sa guard kung saan ang dorm at tinuro nya naman ang direksyon kaya nagtuloy narin ako.
I promise, pagsisihan nyo na pinadala nyo ko dito, Mommy at Daddy.
Kinuha ko na yung susi sa pouch ko kasi dun nakalagay yung room number ko.
Room 108.
Pumasok na ako sa mismong building at marami naring students sa lobby. Nakuha ko ata atensyon nila at nararamdaman kong nakatingin sila sakin. Well, I don't mind. Dumiretso ako sa elevator at hinanap kung anong floor ako aakyat.
I pressed the 6th button as soon as I get in the elevator without taking a glance at those eyeing ladies. I rolled my eyes. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?
After a moment nagbukas na ang elevator. Nasa 6th floor na ako.
Room 108..
Dumiretso ako sa kanan at.. Gotcha. Found ya.
Agad akong naglakad patungo sa pinto at binuksan ko na agad. Gusto ko nang mahiga talaga at magpahinga.
Pero parang pinagsisisihan ko na binuksan ko yung pinto kasi may di kaaya aya akong nakita.
"A-Ahhh.." ungol ng babae. "B-babe.. uh-"
Nakataas kilay kong kinatok ang nakabukas na pinto para lang makuha ko atensyon nila na may taong nakatayo habang gumagawa sila ng milagro.
"Excuse me lang ha. Di ako na-inform na may ongoing honeymoon sa kwartong binigay nila sakin." I said in my calm but sarcastic tone.
Biglang napatalukbong ng kumot yung babae at dali-daling kinuha ni boy yung mga damit nya at tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
Madeleine
RomanceHi, I'm Maddie. Short for Madeleine. Sapilitan akong pinalipad ng parents ko sa Pinas para dito tapusin ang studies ko. Like, hey? Nagdecide nanaman sila without my permission! That's why nangako ako sa sarili ko na pagsisihan nila ang pagpapatapo...