First day of classes.Good thing di ako nakarami kagabi at fresh pa ako ngayon. Samantalang tong kasama ko halatang may hangover pa.
"Aaaaahh! Dapat talaga pinagbawalan mo ko uminom ng madami kagabi." sabi ni Inggrid.
Napalingon ako sa kanya. "Wow ha. First of all, pagkatapak na pagkatapak palang natin sa party nowhere to be found ka na. At wala rin naman akong balak na hanapin ka at mag-babysit."
She puckered her lips na parang bata. "Sungit."
I rolled my eyes then may naalala ako. "You have a sister? Charlie?" I asked.
Napatingin sya sakin na parang gulat. "Paano mo nalaman?"
I shrugged my shoulder. "She approached me last night telling me she's your sister."
"Hmmm." She then crosses her arms and after seconds of silence, nagsalita syang muli. "Tutal roommates naman na tayo, babalaan na kita. Stay away from Charlie."
"Paano mo nasasabi yan, aber?" tanong ko. Like hello? Kapatid nya yun. Duh!
"Binabalaan lang kita. She's not the type for serious relationships. Lahat ng dumadaan na babae, laruan lang para sa kanya. You know, for joy and pleasure. " page-explain ni Inggrid.
"As if naman na bet ko sya. Excuse me, straight ako. Di ba obvious?" I said as I flip my hair.
I saw her smirk. "Sabi mo yan e."
----------
Boring classes. Argh. First day palang bored na bored na ko.
Since vacant ko naman, dumiretso nalang ako sa library. FYI, not for studying purposes but for sleeping.
Konti lang naman mga students kaya di mahirap humanap ng lugar na pedeng pwestuhan. Nakakita ako ng table na vacant na vacant. Perfect!
Umupo na ako at nilapag ang bag ko sa mesa. Inayos ko muna yung buhok ko bago ako matulog. In case of emergeny dapat maganda parin.
Ilang minuto na ang nakalipas, habang nakayuko ako at nakapikit na, may naramdaman akong may upo sa pwesto sa harap ko. Syempre bakit ko papansinin. Bahala sya dun.
"Hi Madeleine."
Bigla akong napataas ng ulo at napalingon sa taong nakaupo sa harap ko.
I saw that deep blue eyes again. Those eyes na para bang nanghy-hypnotize. Samahan mo pa ng ngiti nya. Myghad! Why so hot?
Bigla akong napasampal sa sarili ko. "The hell, Maddie?!" bulong ko sa sarili ko. I composed myself and face her. "Stop calling me Madeleine. Di pa tayo close." I said in a serious tone.
She shove her hair up and rest and crosses her arms. Sumandal sya sa upuan habang nakangiti at nakatitig sakin. "Di pa? So there's a chance for us to be close right?"
"I didn't say that." Di ko alam kung bakit ba ko nagsusungit ngayon pwro siguro dahil naalala ko yung sinabi sakin ni Inggrid.
"Why? You don't want to be friends with me?" she chuckled. "Last time I remember, you agreed with me touring you around the school."
Oo nga pala!
"Pero mukhang di ko na kailangan yun. I think I cam handle myself naman." Pagpapalusot ko. What the fudge. Pumunta ako ng library para matahimik pero bakit parang sa jot seat pa ako napunta?
Tumango-tango sya. She sighed and stares at me again. "What about go out with me tonight? A friendly date. Nothing serious. I just want to know you."
What? Why does it sounds like she's asking me for a date? Pero ang sabi nya friendly date lang naman? Ano na Maddie? Accept or decline?
Nag-iisip parin ako at sya naman naghihintay sa sagot ko ng biglang nag-vibrate ang phone ko. Dali dali kong kinuha sa bag ko yung phone ko at nakita ko na may message si Mommy.
From: Mommy
How's the first day?
I rolled my eyes. Gusto ko sanang mag reply ng "hell" pero wala ako sa mood para gawin yun.
Biglang kinuha ni Charlie yung phone ko.
"Hey!" pabulong kong sigaw dahil nasa library parin naman kami.
Di nya ko pinansin at nagdial sya saglit tsaka binigay rin naman agad sakin yung phone. May dinial syang number.
"That's my phone number." Tumayo na sya. "Call me before 6:00 this afternoon if you're considering my date." she then smile and walk away.
Napatingin ako sa phone number nya na nasa screen ng phone ko. Napangiti ako sa nabubuong plano sa isip ko. Since ang buong plan ko naman talaga ay ang pagsisihan nila Mommy and Daddy ang pagpapunta sakin dito, maybe this "friendly date" with a girl would freak them out.
I can hear myself with an evil laugh. You go girl. Lumalapit na sayo ang swerte. Let's do this.

BINABASA MO ANG
Madeleine
RomanceHi, I'm Maddie. Short for Madeleine. Sapilitan akong pinalipad ng parents ko sa Pinas para dito tapusin ang studies ko. Like, hey? Nagdecide nanaman sila without my permission! That's why nangako ako sa sarili ko na pagsisihan nila ang pagpapatapo...