BTNH-Teaser

316 8 2
                                    

Kung si Ate, may Kuya.

Si Ante, may Uncle.

Si Mama, may Papa.

At Si Lola, may Lolo,

Ako naman, may Kambal.

Kung si Andres may Atasha at si Mavy may Cassie,

Ako naman, meron siya.

Kung si Agnes may Jerry, si Sandy may Tommy,

Ako naman, may siya.

Siya, na kasangga ko sa lahat.

Siya, na tinatakbuhan ko 'pag may problema.

Siya, na kakampi ko.

Si Heaven, may Hades.

Si Hades, may Heaven.

Pero ano ang ginawa nila? Siya na lahat sa akin, siya na katuwang ko, siya na kalahati ng buhay ko ay kinuha pa nila.

---

“B-bal, kumapit ka... please.” Isang impit na pag-iyak at iling lang ang isinukli niya sa kanya. “B-bal, hindi pwede... no, hold my hands tighter.”

“M-mahal na mahal k-ko kayo, B-bal... siguraduhin mo, siguraduhin mong lalabas ang katotohanan..” umiling lang siya. “H-hindi ko na k-kaya, B-bal.” Mas umiling siya sa sinabi nito.

Naramdaman niya ang pagluwang ng hawak nito sa mga kamay niya at pinaskil isang mapait na ngiti sa labi. “Magpakatatag ka, B-bal.” Umiling lang siya ng umiling at mas hinigpitan pa ang hawak sa mga kamay nito. Mas tumulo pa ang mga luha sa mga mata niya at humahalo na ang kanyang sipon. “H-hustisya, hustisya. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ko.

Tumitig siya sa mga mata nito. Ramdam niya ang takot pero mas pinili nitong ngumiti sa kanya. “Ililigtas kita!” sa huling pagkakataon ay umiling ito. “H-huwag kang tumingin sa baba!” utos pa nito sa kanya.

“B-bal, kumapit ka, please.”

“H-hindi, hindi pwede! B-bal!” kasabay ng pagpalahaw niya ay ang pagbitaw ng kanyang kakambal sa kanya. “HINDIIIIIIIIIIIIIIII!!!”

---

“HEAVEN! Wake up!”

Napabangon ako kaagad dahil sa yumugyog sa ‘kin. “You’re dreaming again.”

“A-anong petsa na ba ngayon?” tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang labas ng bahay at nakitang napakalakas ng ulan.  Siguro, may paparating na bagyo kaya ganito na naman kalakas ang ulan.

Bumalik ako sa aking higaan at tinignan ang oras. 4:00 am

Tumingin siya sa ‘kin at kaagad na kuminang ang mga mata. Kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin. “HAPPY BIRTHDAY, HEAVEN!”

Ngumiti ako sa kanilang lahat. Nakita kong papalapit si Mama at Papa sa ‘kin habang hawak-hawak ang hindi kalakihang cake. “What’s your wish, Baby?” they asked in unison.

Hustisya- I blinked a couple of times. Naririnig ko na naman ang boses niya, “H-heaven, are you okay?” Mom asked me. I shrugged my head and demolished all the thoughts off. “I’m good, Ma! Thank you for this! I love you all.”

We did a group hug but something- someone caught my attention. “Hustisya.” Bulong nito na humalo sa hangin.

Pumikit ako at tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Don’t worry, Bal. Hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sa ‘yo, at ‘pag nahanap ko siya, hindi lang hustisya ang makukuha mo.”

Behind the name HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon