Prologue

12 0 0
                                    


9 years ago....

Naggising ang 8 taong gulang na si Theodore dahil sa ingay na nanggagaling sa laboratory ng mansion nila.Bumangon siya at lumabas ng kanyang kwarto.Naririnig niya yung ingay pero nagtaka siya kung bakit wala man lang lumabas na mga maid o ang mga magulang man lang niya dahil sa ingay.

Dahan -dahan siyang bumaba sa hagdan at nakita niyang nakabukas ang pintuan ng laboratory. Alas dos pa lang ng umaga kaya imposibleng may tao pang nagtatrabaho sa oras na ito.

Pumasok siya sa silid at nakita ang Tito Aaron niya na nagmamadaling maghakot ng mga gamit doon.Nakita niyang may isinilid itong kulay pulang likido na may nakalagay na 'Project X' sa lalagyan nito.Alam ni Theo na ito ang experimentong ginagawa ng Daddy niya at ng mga kasamahan nito kaya nagtaka siya kung bakit ito nilagay ng Tito Aaron niya sa bag niya.Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito nakita.

"Tito Aaron?".Nagulat si Aaron nang marinig ang munting tinig ng batang si Theo sa likod niya.

"T-Theo,a-anong ginagawa mo dito? Diba dapat ay natutulog ka pa?"balisang tanong ni Aaron sa bata.

"I heard something here uncle so I went down to check it."pagpapaliwanag ni Theo sa Tito Aaron niya.

"A-ahh g-ganun ba?Sige pwede ka nang bumalik sa kwarto mo.May gagawin lang ako."

"But why did you put the red liquid in your bag?Diba yun po yung iniexpermentuhan niyo ni Daddy?".tanong ni Theo Kay Aaron.

"Ah k-kasi a-ano---".naputol sang sasabihin ni Aaron nang makarinig siya ng mga yabag ng paa at ang pagtawag ni Tiana na ina ni Theo sa anak nito.

Nang puntahan kasi ni Tiana sa kwarto ni Theo ay wala ito.Narinig niya ang ingay na nagmumula sa baba kaya bumaba siya para tingnan ito.

Nataranta si Aaron kaya dali-dali niyang kinuha si Theo at tinutukan ng baril.Sakto namang pagpasok ni Tiana sa silid.

"Anong ibig sabihin nito Aaron?! Bakit mo hawak ang anak ko?!".Naglabas din ng baril si Tiana at itinutok kay Aaron kahit ayaw niya sanang pinapakita ito sa anak.

Nagpupumiglas naman sa paghawak ni Aaron si Theo kaya nahulog mula sa bag niya ang bote ng pulang likido.Nakita ito ni Tiana.

"Aaron,balak mo bang nakawin ang Project X? ".tanong ni Tiana sa kanya.

"Oo Tiana!Dahil hindi ko hahayaan na magtagumpay kayo sa ginagawa niyo! All my life I've been a slave to all of you!Ginawa akong parang sunod-sunurang aso ng asawa mo!Kaya napagpasyahan kong sumali sa Kryptonite kase doon ay may pakinabang ako!"..nanggagalaiting singhal niya kay Tiana.

"Ibig mong sabihin ikaw ang ispiya? Paano mo nagawa sa amin ito Aaron?Tinuring kitang parang tunay na kapatid tapos ikaw pala ang dahilan kung bakit namatay si Trevour ?! Napakawalang hiya mo! Pinatay mo ang anak kong Hayop ka!".sabi ni Tiana habang tumutulo ang luha nito.

Napaiwas siya ng tingin sa kanyang kinikilalang Ate.Totoo naman na tinuring siya nitong kapatid kahit ampon lang siya.Sobrang lapit nila ni Tiana sa isat-isa hanggang sa isang araw ay namatay ang kanilang ama dahil sa isang aksidente at halos lahat ng ari-arian ay iniwan kay Tiana at halos wala nang natira sa kanya.Nagkaroon siya ng pagseselos at galit sa Ate niya.Nagtrabaho siya para dito hanggang sa di na niya kayanin ang pang-aalipin ng asawa nitong si Frederick kaya napagpasyahan niyang sumanib sa Kryptonite ,ang kalabang Mafia group ng Titanium.

Samantalang nagtaka naman si Fred dahil hindi pa bumabalik ang asawa nito ay napagpasyahan niya na ring lumabas ng kwarto .May narinig siyang nagsisigawan kaya dali-dali siyang bumaba at nakita niya ang asawang si Tiana at ang anak nilang nakay Aaron na tinututukan ito ng baril.

Bulletproof Boys (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now