A taglish story (Filipino and English)
******
"Class bigay kayo ng anim na bagay na bubuo ng isang romantic relationship", umupo si maam sa ibabaw ng teacher's table at humarap saamin. Nakasandal at nagbibigay ang mga kamay nito sa surface ng lamesa at tumingin saamin expectantly.
"God maam. God's guide"
"TRUST!", galet na galet classmate? Gusto manaket?
"Syempre maam, LOVE!", aba papatalo ba tayo. Syempre ako din sisigaw hehe. Dagdag points pag active.
"Care!"
"loyalty of course!"
"Patience po"
Ang daming sumasagot ngunit paulit ulit lang din ang mga kataga na maririnig mo. Tila anim lang talaga ang mga sinasabi ng buong klase.
"Now, you gave me exactly six essentials of a relationship. Ngayon, tanong, para sa mga may ex na or in a relationship as of the moment, meron ba kayo nung anim na yun?"
Halos kalahati ng klase ang napaisip sa tanong ni maam. Samantalang ang iba ay napairap nalang dahil mga walang jowa. At dahil isa ako sa single-pringle-ready-to-eat-some-pringles squad, napa buntong hininga naman ako sa tanong.
Ma o op yata ako sa discussion ngayon ah.
"Yes maam, i think we do have those", a classmate unsurely answered Ma'am.
Nagsi-sunod naman ang iba sa tanong at tumango kay maam. Samantalang kaming single, nagtaka sa biglang pagtaas ng isang kilay ni maam. Interesting.
Sige, di na ko matutulog. Mukhang magkakainitan ngayon ang discussion eh. Nakakapanabik.
"Sa may mga ex, kung meron kayo nung anim na iyon, kung may guide kayo from God, kung may patience kayo, may true love, loyal kayo sa isat isa, you care for each other, you trusted each other, why did your relationship failed?"
Silence. All of the students who has an ex think deeply. Taken back from the sudden intriguing question of Ma'am Saludes.
"Sa mga in a relationship, alam kong normal magka problema at mag away. Ngunit, enough nga ba talaga ang anim na yun upang mabuo at maging matatag ang relasyon niyo?"
Nobody answered for a while. Until, someone raised their hand and asked,
"Ma'am, we have God's guide. We centered him in our relationship. I think thats non debatable. I think we can all agree a relationship will succeed as long as you put God in the center of the both of you", napanganga nalang kami sa kanya. He's not wrong either. Ngunit mukhang may maisisibat si maam sa kanyang sagot.
"You do have God. Ngunit sinususunod niyo ba ang kung anong tama sa mata ng Diyos? Are you patient for God's plans for the both of you?"
They got quiet. Kung siguro maglaglag ka ng safety pin, maririnig mo pa rin.
"Kung cinentered niyo si God sa relasyon niyo, bakit nag failed?"
"Dahil hindi niyo sinunod ang mga salita ng Panginoon"
"Maam eh, may trust kami noon", oo nga. Kahit nagbreak na, pero nung mga panahong sila, eh may tiwala sa isat isa eh. Wouldn't that be considered as successful? Kase di naman basta basta magbigay tiwala.
Kaya lang siguro nag fail dahil may mga taong pinagtapo pero di itinidhana. Its meant to happen.
Ay basta di ko alam akala mo naman may jowa ako.
"Pero nag fail nga. Kahit sabihin niyo pang pwede magbigay ng second chance in giving trust, kahit gaano pa kalaki ang tiwala niyo sa isat isa. Magfe fail yan kung nasira ng kahit isang beses", ika ni Maam Saludes.
YOU ARE READING
Through These Creative Nights | Drabbles
General FictionWhen you wanna cry, cry with me. When you wanna smile, smile with me. When you wanna give up, fight with me. When you wanna scream, write with me. When you wanna die, live with me. *Drabbles, imagines and one shots purely written by me and me only*