Chapter 1- Mab (The Aftermath)

55 9 6
                                    

~THIS CHAPTER IS FOR NIJHERE para sa walang puknat nyang pagsuporta sa story ko, TNX SO MUCH!~

"Kahit SAKTAN ka ng taong pinakamamahal mo"

"Kahit ilang ulit ka pa nyang ITULAK papalayo"

"Patuloy parin kitang MAMAHALIN dahil kahit...

"Nasasaktan ako alam kong sayo lang ako LILIGAYA"

Ito agad ang bungungad sa akin nang buksan ko ulit ang facebook ko. Plano ko kasing ideactivate muna ang account ko para kahit papaano mabawasan ang burden (taray!) sa aking life.

*click Deactivate Button*

*Confirm*

"Hay buhay"

Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari sakin. Almost one week na rin ang lumipas nang nagsimulang naging viral ang Froggie Froggie Dance ko sa internet. Pinayuhan narin ako ng school namin na wag munang pumasok para maiwasan ang gulo. Kaya ang result ito, nakakulong ang beauty ko.

Dahil nabobored na ang peg ko, binuksan ko ang radio. Saktong sakto naman na papatugtugin na ang kanta ng mga sawi na "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

~~~~~~~~~~~~

Kapag ako ay nagmahal

Isa lamang at wala nang iba pa

Iaalay buong buhay

Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

~~~~~~~~~~~~

"Tama yan, ikaw lang Gideon, ikaw lang ang nasa heart ko, lahat ginawa ko para lang sayo"

~~~~~~~~~~~~

Tumingin ka man sa iba

Magwawalang-kibo na lang itong puso ko

Walang sumbat na maririnig

Patak ng luha ko ang iniwang saksi

~~~~~~~~~~~~

"Kahit madaming dyang chikabebes na uma-umaligid sayo, kahit na alam ko na nandyan c Maveshka na girlfriend mo, carry lang yan"

~~~~~~~~~~~~

Bakit nga ba mahal kita

Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko

'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako

Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita

Kahit na may mahal ka mang iba

Ba't baliw na baliw ako sa 'yo

Hanggang kailan ako magtitiis

O, bakit nga ba mahal kita

~~~~~~~~~~~~

Hindi ko na mapigilang humagul ng bonggang bongga ng marinig ko ang chorus.

"Bakit nga ba mahal na mahal kita Gideon my HUBBY, ASAWA, PANGGA, KALAGUYO, SYOTA, JOWA, SWEETHEART, LOVE AT IBAPA? Kahit na alam ko hindi hinding mo na masusuklian yung pagmamahal ko ito parin ako push ng push, Tapos ginawan mo pa ako ng isang napakasamang bagay?! Ito pa ba isusukli mo sa lahat lahat ng bagay na ginawa kong mabuti para sayo?! BAKEYT!"

Pinagpupunit ko, pinagtatanggal at sinira sira ko ang lahat ng posters, pictures at memorabilia na makita ko sa kwarto ko. Binuhos ko lahat lahat ng galit at sama ng loob ko.

"Mab, Anak! Jusko tama na yan" pumasok si Mother Earth sa kwarto ko at inawat ako

"Mother Earth.. Ang saket saket.. Grabehan..." Humahangulgol ko sabi sa kanya

"Anak tama na yan"

"Ang saket saket Wahhhh!"

"Anak, please"

"Wahhh mother earth"

"Anak"

"Wahhhh!!"

"Anak!"

"Wahhh!! Ang saket.."

*pak* "Anak sabi na nga itigil mo na! Unli ka lang? Paulit ulit?! Ilang days ka nagsubscribe?!" Sinapak ako ni Mother Earth para matauhan.

"Aray naman mother!" Natigilan ako at napahimas nalang sa mukha ko kasi ang sakit kaya ng ginawa nya.

Hindi nalang sya nagsalita ulit; ngumiti nalang sya at niyakap nya ako. Although napakabrutal ni Mother Earth sakin alam ko naman na mahal na mahal nya ako. Nang magdiagnose si Father Nature na may Alzheimer's disease sya at kailangan iparehab sa mental hospital, si Mother Earth na ang naging tagaagapay, tagapayo at tagapagtanggol ko.

"Anak, alam mo naman na kahit anong mangyari nandito c Mother Earth, kasi minsan may pagkashongangabels, mahal na mahal kita" hinarap sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Opo, Mother Earth alam ko po yun. Nagpapasalamat ako kay Daddy Jesus na ikaw ang binigay nya sakin, na maging nanay ko at tumayong bilang tatay ko"

Napansin ko na naluha sya sa mga binitawang kong salita. Niyakap ko ulit sya ng mahigpit.

"Nga pala, anak kinausap ko na yung amiga kong attorney, sabi nya pwede mo daw kasuhan si Gideon dahil sa ginawa nyang pagkalat sa video mo"

Napatingin nalang ako sa malayo at natulala ulit. Binubulong kasi ng isip ko na tama kasuhan ko si Fafa Gideon sa ginawa nya pero talagang nagiinarte at finufush parin ni Heart na wag kasi mahal ko parin sya sa kabila ng lahat.

"Sa totoo lang po Mother Earth, hindi ko alam kung ano gagawin ko." sinabi ko sa kanya pero nakatingin parin ako sa mga nakapira-pirasong picture ni Gideon

"Anak buksan mo ang isip mo, tandaan mo na kaya ginawa ni Daddy Jesus na mas mataas ang position ng utak kaysa sa puso kasi kailangan ang utak ang mamuno kaysa sa puso. Hindi ung puso ang mamuno kaysa sa utak"

"Bakit ko pa kasi sya minahal ng ganito, ang laki kong tanga" hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na umiyak. Niyakap naman ako ni Mother Earth at kinomfort.

"shhh, hindi ka tanga, at hindi kita pinalaking maging tanga." binulong nya sa akin habang ako'y humahaguygoy ng super bongga to the maximum level.

Bumalik tuloy sa isip ko ang lahat lahat, kung paano nagsimula itong katangahan ko. Kung ano ang pinagmulan ng lahat....

The Public enemy No. 1 AKA Feelingerang FrogletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon