Prologue

183 20 15
                                    

AUTHOR'S NOTE

~THIS PROLOGUE IS MY FOR MS. COTTONCANDYWITH LOVE dahil sa critic ng napakaganda  dito tnx so much~

~All rights reserve~

~No copy right please~

~No part of these pages, either text or image maybe used for any purpose. Therefore,reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by means, electronic, mechanical is strictly prohibited without prior permission from WATTPAD~

~Please comment for the future development of my work~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Type* *Type* *Type*

To: Alfonso_Gideon@gyahmail.com

From: Mabuhay

Subject: Froggie Dance

Attachments: froggie. ISOVIDEO

Sa pinakamamahal kong COMING SOON TO BE KONG HUBBY, ASAWA, PANGGA, KALAGUYO, SYOTA, JOWA, SWEETHEART, LOVE AT IBAPA na super gwapo at makalalag panty na si Gideon,

First of all, I would like to say thank you sa opportunity na ito na binigay mo sa akin. Alam mo ba ito ang pinaka happiest moment na binigay sakin ni Daddy Jesus, na makapagemail sayo at mabigay ang video na ito as a sign of my undying love to you.

Simula ng makita kita na lumabas sa TV at nagguest sa paborito kong noontime show na Bulagaan sa Showtime, lalo na nang sumayaw ka ng Talk Dirty at nagtanggal ng tshirt, jusko ang laway ko free flowing, ang mata ko busog na busog at ang heart ko biglang nagtatalon ng mga 165 times (biruin mo yun nabilang ko HAHAHA) at agad nainlove sayo.

Naging super duper ultra mega fan mo na ako simula nun, lahat ng mallshows mo, endorsements, fashion shows, TV and Movie guestings naku kulang na lang awardan ako ng Best in attendance! Saka Remember yung babaeng halos nachukchakchaness patakbo sa stage at halos mapatid ang Vocal cords ko kakasigaw ng "I love you Gideon!" Ako yun!!

Hindi kita kinokonsensya ah, pero ginawa ko na ang lahat para lang sayo. Sinacrifice ko ang pagsali ko sa cooking contest na pinapangarap sa akin nila mama. Binigyan kita ng time kahit na bumagsak ako sa exam at magrepeat, mapansin lang ako. Ipinagtanggol kita sa mga haters at bashers mo sa school kahit na nabugbog ang fezlak ko. GINAWA KO YUN DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA. ALAM KONG PAULIT ULIT BASTA MASABI KO LANG TO SAYO.

Ito nga pala yung video na sinabi mo na gawin ko, Sinunod ko naman lahat ng sinabi mo sa akin na gawin ko sa video. Nagwiggle-wiggle ako pa left, kumembot ako paright, nagsplit ako ng bonggang bongga at nagcramping pa ako bilang bonus habang suot suot ko itong frog costume na ito na binigay mo sakin.

Alam ko na nakakahiya pero ginawa ko para mapansin mo lang ako, Mahal na mahal kita ng sobra Gideon my prinsipe! Thank you talaga kay Lord na finally pinansin mo rin ang exotic beauty ko. Kahit ang tagal tagal ko ng nagpapansin sayo ok lang dumating naman na ang araw na ito.

Pero umaasa padin ako at nananalig ng taimtim na dumating na ang panahon na masuklian mo yung pagmamahal ko. Kahit maging magkaibigan lang tayo bet na bet na yun sa akin basta makasama lang kita.

Ayun lang sana magustuhan mo tong ginawa kong ito, kasi full of dedication ko syang ginawa para lang sayo.

Lubos na nagmamahal ng wagas at walang puknat,

Mabuhay

*click "send"* *waiting* *Message sent*

 ~AFTER ONE AND ONE FOURTH MONTHS OF WAITING~

The Public enemy No. 1 AKA Feelingerang FrogletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon