Sobrang aga ko sa café ngayon. Wala pa ang karamihan, kaya halos ako lang ang tao maliban sa ilang estudyanteng nagka-cram para sa finals nila. Perfect timing, tahimik pa ang paligid at maayos kong magagawa ang monthly reports habang hinihintay si Markin.
"Isa ngang espresso, Miss," sabi ko sa barista habang binabasa ang emails sa phone ko. Napapailing ako habang tinitingnan ang mga problema sa budget reports. Kung hindi lang kasi biglang nag-back out ang supplier namin, hindi sana ganito ka-hassle.
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Markin, late as usual. "Grabe ka naman, bro! Ang aga-aga pa lang, mukha ka nang stressed," bati niya habang binababa ang tray ng donuts sa table namin.
"Bro, ikaw kaya gumawa ng financial reports na parang math quiz. Ang saya, 'di ba?" sarkastiko kong sagot habang nilalapag ang laptop ko.
"Alam mo, Gray, masyado kang seryoso sa buhay," hirit niya habang umupo sa harap ko. "Kaya siguro hanggang ngayon wala ka pa ring love life!"Napangiwi ako sa sinabi niya. "At least hindi ko kailangan ng jowa para sumaya. Eh ikaw? May ambag ka ba maliban sa pagpapasaya ng sarili mo?"
"Touché," sabi niya habang ngumiti at tumikim ng donut. "Pero seryoso, Gray, you should loosen up sometimes. Parang napaka-strict mo sa lahat ng bagay."
"Ako? Strict? E bakit ikaw, libre ka lang palagi? Libre sa trabaho, libre sa ambisyon!" balik ko.
"Tsk, ang init ng ulo mo. Okay, fine, magtatanong na lang ako. May mga bago bang prospect sa business mo?" tanong niya habang hinihigop ang iced coffee niya.
"Prospects? Puro problema, bro. Baka nga next week, ako na rin ang mag-deliver ng produkto sa clients."
Nagtatawanan kami nang biglang bumukas ang pinto ng café. Napansin ko agad ang pag-pasok niya.
God is a woman.
She looked like she stepped out of a fashion magazine. Long legs na balot sa sleek black trousers, high heels na parang hindi siya nahihirapan isuot kahit mukhang matangkad na siya. Her dark red blouse complemented her creamy complexion, and her hair? Parang commercial-ready waves na hindi mukhang niyanig ng hangin.
Amara L. Vale
Hindi ko alam kung bakit parang tumigil ang oras nung makita ko siya. She exuded elegance, confidence, and a hint of danger. She wasn't just pretty, she was the kind of woman you couldn't look away from.
"Uy, Gray," tawag ni Markin, sabay turo sa akin. "Para kang nakakita ng multo. May kilala ka ba dun?"
"H-Hindi," sagot ko agad, mabilis na umiwas ng tingin. Pero sa totoo lang, pakiramdam ko nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maalala kung saan.
Amara scanned the room like she owned it, at parang walang tao na hindi niya napansin. Nang magtagpo ang mga mata namin, kumunot ang noo niya saglit. Then, to my surprise, she started walking toward us.
"Oh, this is getting interesting," bulong ni Markin habang binubuksan ang camera ng phone niya. "Para kang bida sa rom-com na 'to, Gray."
"Shut up," sagot ko, pero halata sa boses ko na hindi ako komportable.
Tumigil siya sa harap namin, nakatingin nang diretso sa akin. "Gray Anderson," she said, her voice smooth but commanding. "Long time no see."
Nag-freeze ako. Alam niya ang pangalan ko?
"H-Have we met?" I asked, kahit na alam kong sobrang cliché ng tanong.
Tumawa siya nang mahina, pero halatang may sarcasm sa ngiti niya. "Oh, so you don't remember me? That's disappointing."

BINABASA MO ANG
She Devil
Mystery / ThrillerIn a world where shadows cling tightly to secrets, Amara is a woman cloaked in contradictions. By day, she's a picture of grace, her smile soft as an angel's touch. But by night, her past whispers a tale of chaos, a life where her sins burn like the...