🚿C h a p t e r 5💦

10.6K 56 1
                                    


Chapter 5
MARKET
***

Pauwi na kami ng biglang huminto yung kotse ni Clara. Buti na lang iginilid niya agad. Bumaba si Clara at halatang na inis siya"Flat in the front!" sabi niya. " Ipasundo na kita sa driver namin para maihatid ka. " akmang tatawag na si Clara pero pinigilan ko agad.

" No, pa pasundo na lang ako sa Driver namin. "sabi ko pero sa totoo lang malapit na yung apartment ni Red. May naiwan akong damit sa kwarto niya. Don na lang muna ako para makapagbihis na dahil lagkit na lagkit na ako.

"Are you sure? " i nodded at them. "Ito oh, scarf. Ipangtakip mo." sabi ni Sarah sa akin. "Thank you." sabi ko saka ako nagmadaling maglakad. Dahil pinagtitinginan ako at baka makilala pa ako.

Mga 3 minutes bago ako nakarating sa apartment niya. Huminga muna ako bago kumatok, wala pang tatlong segundo binuksan niya na. At tumambad sa akin yung katawan niya at may 6 abs siya. Halatang kakatapos niya maligo dahil basa yung buhok niya. "Bakit?" tanong niya na may ngiti sa labi. "Can i use your shower?" napatingin siya sa damit ko. "May cr naman sa bahay niyo, bakit dito kapa makiki-shower?" sabay halakhak niya. Di ko na siya pinansin at pumasok na agad ako.

Buti na lang talaga! Yung naiwang gamit ko merong undies. "Oo nga pala, naiwan mo gamit mo."sabi niya at pumasok na ako sa cr. Nagshower na agad ako dahil sobrang lagkit ng katawan ko.

Biglang bumukas yung pintuan, nagulat ako kaya napatakip ako sa katawan ko.
"Ibibigay ko lang tong' towel." sabi niya sabay sanpay ng towel sa gilid ng pinto at napatitig sa posisyon ko dahil nakatakip yung mga kamay ko sa boobs at v ko. "Kahit wag mo ng takpan, nakita ko na." sabay tawa niya nanaman. Babasain ko sana siya ng halikan niya ako. "Sayang, sabay sana tayo naligo kakatapos ko lang kasi maligo." bulong niya at saka siya ngumiti ng nakakaloko. "Dalian mo na maligo, magluluto ako ng kakainin natin." sabi niya saka siya tuluyang lumabas.

Bakit ganon? Pag kasama ko siya sobrang komportable ko sa kanya? Hindi ko alam kong bakit. Dinalian kong mag shower para matapos na. Nakatapis lang ako ng towel at lumabas na. Nakita kong napakamot si Red sa ulo niya at biglang napatingin sa akin. "Gusto pa naman kitang lutuan, wala na pala akong stock." napangiti ako sa sinabi niya. "Okay lang ba na dito ka muna? Punta lang ako ng market." nagulat ako sa sinabi niya. "Sama ako, pleaseee?" sabi ko sa kanya. "Paano ka sasama? Mamaya makilala ka nila sa palengke?" tanong niya sa akin. "No! Basta sasama ako." sabi ko sa kanya at akmang magbibihis ako ng may naisip akong ideya.

"Can i borrow your t-shirt?" tanong ko sa kanya at tumango siya. Pumunta kami sa cabinet niya saka siya naghanap ng pwedi kong isuot. "Ito? Okay na ba?" ang cute ng tshirt niya. Spongebob na color black.

Medyo mahaba yung laylayan pero itatack-in ko na lang. Tinangal ko yung naka tapis na towel ko saka niya ako pinanuod magbihis. "So papanuorin mo ako magbihis?" bigla niyang tinakpan yung mata niya ng mga daliri niya pero nakakatingin parin siya, medye natawa ako sa ginawa niya.

"Sige na. Magbihis kana." sabi niya kaya nagbihis ako pero yung bra ko di ko maikabit. Nakita kong lumapit siya sa akin at pumunta ng likod ko. "Ako na nga," sabi niya saka kinawit yung bra ko. "Thanks." sabi ko.

Ang ginawa ko sakto yung short ko medyo maluwang, ipinasok ko yung laylayan ng damit niya. Humiram na din ako ng belt niya. "Last na, may cap ka?" hiram ko ulit sa kanya. "Ito oh." sabay bigay sa akin na itim na cap. "Okay ba?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya. "Yep. Bagay na bagay mo." sabi niya sa akin at yung puso ko kumabog bigla.

Nagbihis na din siya ng vneck na tshirt. Bagay din sa kanya. Parehas kaming naka itim tapos naka cap din siya. "Yan na, bagay na tayo." sabay ngiti niya sa akin, nginitian ko din siya. Lumabas na kami at nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. Yung puso ko, kumakabog nanaman.

"Mag je-jeep tayo." sabi niya sa akin nagulat ako dahil di ko pa nasusubukang mag jeep at mamalengke. "Okay lang ba?" tanong niya sa akin at ngumiti ako. "Oo naman." sabi ko sa kanya. Kaya nag hintay kami ng jeep sa gilid ng kalsada.

"Palengke! Palengke!" sigaw nung konduktor sa isang jeep. Hinawakan ni Red yung kamay ko saka ako inalalayan sumakay. "Doon tayo sa harap, para di ka mausokan." sabi niya buti na lang di siksikan. Nakaupo na kami tapos nakita kong tingin ng tingin yung lalaking kaharap namin legs. Kaya nabigla ako ng hawakan ni Red yung hita ko.

Buti na lang bumaba na yung lalaking tingin ng tingin sa akin. "Malapit na tayong bumaba." sabi niya sa akin at tumango lang ako. May kinuha siyang barya sa bulsa niya. "Para!!!"sabi ni Red saka bigay ng bayad. Hawak hawak niya yung kamay ko habang bumababa kami.

Nakita kong nasa harap na kami ng palengke. Kinabahan ako dahil ang daming tao. Hinawakan lang ni Red yung kamay ko kaya medyo umo-okay ung kaba ko. Pumili siya ng mga gulay ay pinapanuod ko lang siya . "Asawa mo pogi?" tanong nong babae kay Red ngumiti lang si Red. "Ikaw ha, suki kasi niya ako miss." sabi nung babae na medyo may edad na. Patuloy lang siyang namimili ng gulay.

Ang cute niya tignan habang namimili siya ng gulay. "250 pesos lahat pogi." maglalabas na sana ako ng pera pero inunahan niya ako. "Salamat po." sabi niya sa babae. May mga pinuntahan pa kami para bumili ng ibang bibilhin niya.

"Pagod ka na ba?" tanong niya sa akin. "Hindi pa."sabay ngiti ko sa kanya. Medyo mabigat na yung dala niya. "Akin na yung iba, ako na magbuhat. "sabi ko sa kanya." Ito na lang sayo dahon ng gulay para di ka mabigatan. " sabay bigay ng isang plastic ng dahon na gulay. Parang wala din lamg akong hawak.

Ilang sandali pa umuwi na kami...

---

Wild Pleasure [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon