Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kang Minhee.
"Good Morning, Minhee!" bati sakin ni Olivia nung umupo siya sa tabi ko, "Ay, Good Morning, Olivia." sumagot naman ako at umupo ng maayos, naka-tulog kasi ako.
"HALA HAHAHAHAHA AMPANGET MO NAMAN- hoy teka, hala gago. Hindi mo... tinakpan freckles... mo..."
Hinawakan niya pisngi ko tapos nilapit niya sa mukha niya PARA tignan ng maigi 'yung freckles ko. Tangina, wag, marupok ako.
"Hoy, bawal halikan dito~!" Inasar naman kami netong ni Hyeongjun, "Hyeongjun! Tignan mo, hindi tinakpan ni Minhee freckles niya!" Sabi ni Olivia tapos tumakbo naman papalapit samin si Hyeongjun. "Wow, oo nga 'noh. Pag ibig na naman,"
"Wow, may love life ka na, Minhee?" Bobong tanong naman Olivia, ikaw nga 'tong love life ko.
"Hindi mo ba alam, Olivia? Gusto k-"
"Ay teka, Olivia, iihi muna kami ni Hyeongjun." Biglaan naman akong napatayo tapos hinila si Hyeongjun papuntang cr. "Naririnig mo ba sarili mo?! Muntik mo na ako mabuking kay Olivia?!" Sabi ko kay Hyeongjun, "Umamin ka naman na kahapon, hindi niya lang na-gets!" aba sumagot pa, "Kaya nga hindi MUNA uli ako aamin kasi hindi niya na-gets!" sagot ko naman.
"Hala grabe, gigil ka kyah? Gigil masyado?" Sagot naman ni Hyeongjun tapos may biglaag sumulpot sa cr, "Minhee, hindi ko na kaya." Si Olivia 'yung biglaang sumulpot tapos hinalikan ako sa harap ni Hyeongjun?!?!?!?!?!?!?!?!?!?
"Kang Minhee!" May narinig akong sigaw tapos napatayo ako, "Sinabi kong bawal matulog sa klase ko. Tumayo ka sa labas tapos i-taas mo 'yang kamay mo!" Sabi nung teacher naman. Lumabas naman ako at sinunod...