Nakatulala
Nagiisip
Lagi nalang bang
Masasaktan ang puso
Kong sugatan?
Palagi nalang pinaglalaruan ang puso ko ng mga babaeng nagugustuhan ko.
Hindi ako mayaman
Wala rin akong kotse
Sapat na pera lang ang baon ko sakto sa pamasahe at pagkain pang bili sa iskwelahan
Kaya ba hindi nila ako na gugustuhan?
Dahil mahirap lang ako?
Di rin ako kagwapuhan saktuhan lang itsura ko
Kaso
Puro tigyawat
Magaling naman ako sa klase
Mahilig ako kumuha ng litrato
At idrawing ito
I'm a simple man
Pero malaki ang pangarap sa buhay
Hindi nila ako nakikita na
Isang lalakeng kaya lang mahalin sila
Nakikita nila ako bilang tao lang
Bilang kakilala lang
Kaybigan
Classmate
Wala ehh ganun ata talaga sa panahon ngayon
Pera pera nalang talaga
Puro mga matatangkad
Matatalino
Mapepera ang gusto ng karamihan ngayon
Puro mga gusto malalaki katawan
Mapuputi
Mga basketball player
at kung ano ano pang wala sakin.
Ako nga pala si Reiver Grange, 20 years old, hindi mayaman ang aking pamilya pero marangal naman ang mga trabaho nila. Apat na lalaki kaming magkakapatid at ang nanay ko ay labandera at ang tatay ko naman ay traffic enforcer at hindi ko ito ikinakahiya. Lagi akong na bubusted, lagi akong iniiwan, lagi akong sinasaktan ng mga babaeng na gugustuhan ko kaya nag decide ako na wag nalang muna magtuon ng pansin sa love life ko. Sinipagan ko ang aking pag aaral, tinuon ko ang buhay ko sa paglalaro ng computer games, mobile legends, pakiki pag tropa at mag basa ng wattpad. Tinuon ko ang sarili ko sa mga bagay na ito dahil wala naman maitutulong sakin ang mga babaeng nandyan lang pag may kaylangan. Hindi sila worth it pag aksayahan ng oras at panahon kaya nag decide ako na maging makasarili. Sarilinin ko nalng lahat, habang gumagawa ako ng thesis namin naging inspiration ko ang Twice naging bias ko nga si Chaeyoung eh. Sila ang naging sandigan ko sa pag-iisa at sa pag hilom ng mga sugat sa puso ko. Buti pa Twice hindi nanakit, ang cu-cute pa nila lalo na si Chaeyoung. Mahilig ako mag drawing at kumuha ng litrato at talento ko ang pag kanta at pag beatbox.
Kaya nangangako ako
Hinding hindi na ulit ako iibig
Hinding hindi nako aasa
Hindi ko na bibigyan ng malisya ang mga bagay na alam kong ikakasakit lang ng puso ko.
Magiging manhid nako sa lahat ng babaeng makakahalubilo ko.
Iiwasan ko na ang ma inlove.
MABUHAY ANG MGA NASAKTAN SA PAG IBIG!
AT AYAW NG SUBUKAN ULIT UMIBIG!
Author :
Thank you for reading my stories!
Abangan niyo ang magiging kasunod nito.
Like,Comment, Share and Be part of my story.
Godbless! Spread the love.
BINABASA MO ANG
Anghel sa langit
RomanceIsang lalakeng takot na magmahal, takot ng umasa, takot ng mareject, takot na sumubok ulit sa relasyon, takot na mag invest ng feelings. Dahil paulit ulit siyang sinasaktan at niloloko ng mga babaeng na gugustuhan niya. Lagi nalang siyang binabaliwa...