Pangalawa

11 2 0
                                    





"I love you Reiver" sabi sakin ni Leila sakin habang hahalikan na sana ako nang





biglang may bumato ng eraser sa ulo ko




"Mr. Grange gising gising nasa klase ka wala ka sa bahay niyo" sabi ng teacher ko at ako naman ay pinagtawanan ng mga kaklase ko




"Ughhh" umunat ako "Masamang panaginip ughhh" sabi ko habang humihikab




"Mr. Grange ano pinagkaiba ng dula at tula" sabi sakin ng teacher namin sa Filipino



"Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng
 taludtod at ang dula naman ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer" sagot ko at umupo na



Napatulala naman ang mga kaklase ko at ang guro ko




"Very good Mr. Grange" sabi sakin ng guro at shock na shock sa isinagot ko



Oo, antukin ako sa klase pero pag tinanong naman ako na isasagot ko naman ng tama at hindi ko pinababayaan ang mga subdyeks ko.




Nang biglang nag ring na ang bell at lalabas na sana ako pero lumapit sakin si Leila.



"Pst, Reiver!" bati niya sakin at ngumiti



"Ohhh?" sabi ko sakniya habang nag aayos ng polo



Palabas na sana ako sa room ng hatakin niya ang mga kamay ko bigla naman akong na tigilan nag cringe ako sa ginawa niya kaya naman tinignan ko siya ng masama at binitawan ang pagkakahawak niya sakin.


Sigurado akong may kaylangan nanaman siya sakin kaya niya ako kinakausap.


Ano taga gawa nanaman ng assignment niya?


Ano taga gawa ng projects niya habang siya nag sasayaw ng cheering squad nila?


Ano taga tutor niya nanaman tapos wala pang sampung segundo aalisan niya nako dahil emergency?


Pagod nako sakniya.


Pagod nako maniwala sa mga sinasabi niya.


Nang biglang may bumangga sakin,


Ang bango ng buhok niya,


Parehas kami ng shampoo Hanna (pink)


"Sorry" sabi niya habang tumalikod na sakin at tumakbo na

May mga lalakeng dumaan sa harapan ko at ako naman ay napa usod sa gilid dahil ang dami nila at may mga dala silang upuan



"Habulin niyo yun" sabi nung lalakeng pula ang buhok



"Bilisan niyo" sabi naman nung naka itim na mask



"Wag na wag kayong babalik sa lungga natin pag hindi niyo dala yung babaeng yun" sabi naman ng lalakeng may dala ng kahoy




Sino kaya yung babaeng yun? Bakit kaya siya hinahabol ng mga lalakeng to? Mukhang mga gangster tong mga to? Ayos kaya siya?





Hindi ako mapakali at iniisip ko parin yung babaeng naka bangga ko kanina.



Sana man lang na kita ko ang mukha niya,


Anghel sa langitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon