ANG NAKARAAN MAIBABALIK PA BA?

12 1 0
                                    

Kaibigan ko, naaalala ko yung mga panahon na tayo'y naliligo sa saya
Mga ala-alang naka-ukit sa puso't isipan na nagbibigay sa'kin ng ligaya
Ikaw ang taong taglay ang lahat kaya wala na akong ibang hihilingin pa
Ngunit hahayaan nalang ba na mauwi nalang 'to sa ala-ala?

Asan na yung taong tatabihan ako sa tuwing ako'y nagdadalamhati?
Asan na yung taong gagabayan ako sa tama at mali?
Sana maramdaman mo rin ang aking pagsisisi
Dahil 'di ko na talaga kayang tumigil sa paghikbi

Oo, ako ang may pakana sa lahat ng ito
Pero hahayaan nalang ba ang ating pagkakaibigan mauwi dito?
Puso ko'y nadudurog sa bawat minuto, bawat segundo
Oh kaibigan ko bigyan mo sana ako ng pagkakataon na ito'y maiwasto

Mga luha pumapatak sa'king mata
Mga luhang itinadhana
Walang katapusang pagluha, walang katapusang kalungkutan, walang katapusang pagdurusa
Ang gusto ko lang sana ay makasama ka, yun lang at wala nang iba, alam mo kung bakit? kasi ganun ka sa'kin kahalaga!

Ako'y aasa na ito'y maibabalik pa
Kasi wala akong pake kung magmukha man akong tanga
Titiisin ko ang mga itinadhanang parusa
Dahil isinisigaw ng puso't isipan ko na mahal kita kasi kaibigan kita.

Ink HeartedWhere stories live. Discover now