Part 3- Pasukan

14 1 2
                                    

A.N. : Hahabaan ko na ang bawat chapter. Dahil may mga nabibitin HAHAHA. I love you all my loves! Nag rank #29 - player agad ang story natin! Thank you guys for the support! Really appreciated!  Mwuaah (07.30.19)

(2 days later...)

Monday na! Maaga akong gumising dahil maaga ang pasok ko ngayon. Eight o' clock ang start ng unang klase ko. Palabas na ako ng bahay para pumasok na ng school. Seven o' clock palang ng umaga medyo malayo yung school na papasukan ko mula sa village namin. Nakasabay ko sila mom and dad kanina nung pababa ako ng hagdan.

Kaya sinabay na nila ko dahil madadaanan na din naman nila yung school ko. Athena International School ang pangalan ng school na papasukan ko. Dito rin naman si Selena. Ewan ko lang kung nakapasok na siya. Pumunta muna ako sa bulletin board para makita kung anong section ko this year.

Section one pa din naman. Good news kasama ko pa din si Selena. May pagka bookworm kasi kami pareho hindi lang halata BWAHAHAHA baliw kasi yung author.

A.N.: aba aba eh kung ilipat kita sa ibang section?!

Sabi ko nga hehe. Tinext ko si Selena at sinabi ko sa kaniya na magkaklase kami ngayong year. Kung nagtataka kayo kung anong grade na namin. 4th year highschool palang naman kami HAHAHA. Nagpunta na ako sa room at umupo sa pinakalikuran at inilagay ko yung bag ko sa isa pang upuan para may maupuan naman si Selena mamaya. Hindi pa siya nag rereply mula sa text ko kanina. Kaya tinext ko ulet siya.

To: Selena🥀
Hoy babaita. Asan ka na? Ano late ka na naman?! Unang araw ng klase e.

Sent.

Buti naman at nagreply na si gaga. After 5mins nga lang. 7:30 na pala.

From: Selena
Malapit na ko wait. Ang traffic grabe. May nagkabungguan kasi dito. Argh.

Hay. Kahit kelan talaga yung babaitang yon. Napakabagal kumilos.

(30 mins. later...)

Alas otso na. Pero wala pa din yung teacher namin. Biglang may pumasok sa pintuan ng classroom. Himala dumating na ang babaita. Sinenyasan ko siyang maupo na sa tabi ko. Halos puno na rin ang mga upuan. "Wala pa yung teacher natin?" tanong sakin ni Selena. "Tinamad na ata magturo HAHAHAH dejk." sagot ko sa kanya.

Maya maya pa dumating na yung teacher namin. Babae siya at mukhang mga nasa mid 20's palang. "Goodmorning class!" sinasabi yon ni miss habang naglalakad papuntang table niya. "My name is Margaret Alfonso and I will be your class adviser for the whole year. Understand?" tanong niya sa amin. "Yes miss!"  Syempre first day palang kaya puro pakilala lang ang ginawa namin sa buong morning class.

Papunta na kami ngayon sa canteen para tumae joke! Syempre kumain. Habang nakapila kami biglang nagkagulo sa labas ng canteen akala mo ay may artista na dumating. Hindi ko siya makita dahil nagkumpulan na ang mga estudyante doon. Hindi ko nalang pinansin dahil ako na ang susunod sa pila. Pumwesto kami ni Selena sa tabi ng glass wall kung saan kitang kita mo ang soccer field.

"Ano kayang pinagkakaguluhan nila dun kanina?" tanong ko sa kawalan. Hindi ko na kasi sila nakita nung paglingon ko kanina.  Umorder lang ako ng egg sandwich tska isang soda in can dahil busog pa naman ako. At kung nagtatanong kayo kung anong inorder ni Selena, salad lang yung inorder niya tsaka bottled water.

Wala naman kasi akong diet. Dahil hindi naman ako tumataba kahit pa kumain ako ng napakarami. Naiinggit na nga kinsan si Selena sakin e HAHAHAHA. Hindi ko na kasi kailangan pang mag diet samantalang siya ayun todo diet HAHAHAHA. Minsan pag wala naman akong magawa tinutukso ko siyang kumain ng mga manok.

Pabalik na kami ngayon sa classroom para sa afternoom class namin. May 20 minutes pa naman kaming bakante kaya hindi kami medyo nagmamadali. Nandito na kami sa classroom at nagpapahinga lang kami ng konti ni Selena.

(2 hours later...)

Katatapos lang ng klase namin at papunta na kami ngayon sa library dahil terror daw yung next teacher namin sa History. Pina research ba naman kami agad ng tungkolsa Pilipinas. Buti nalang nakapag advance review ako kagabi kaya may laman utak ko. Ewan ko lang dito sa bruhildang kasama ko HAHAHAHA. "Woi Selena nakapag advance reading ka ba nung bakasyon?" tanong ko sa kanya. May pagka lutang ngayon si Selena kaya tahimik siya ngayon. Siguro nag puyat 'tong babaitang ito kagabi. "Woi Selena!" buti naman at natauhan na ang babaita. "A-ano yun?" tanong niya pa. Grr. "Lutang ka diyan? Nagpuyat ka na naman ano?!" Banat ko pa sa kanya. Hindi nalang siya nagsalita hanggang makarating kami sa library.

Selena's POV

Nandito kami ngayon ni Cyrel sa library at nag reresearch para dun sa pinagagawa samin ng prof namin. Bangag ako ngayon dahil nalate na ako ng tulog. Pero kailangan namin tapusin ito ngayong araw.

(2 hours later...)

Palabas na kami ni Cyrel ng school. Medyo nakakapagod ang araw na ito. Buti nalang talaga wala kaming masyado ginawa sa araw na ito bwiset talaga yung prof namin eh napakaterror grr. Buti nalang natapos na kami ni Cyrel.

Pagkadating ko sa kwarto ko naglinis na ako ng katawan at nahiga sa kama at kinuha ko ang laptop ko dahil wala pa naman akong planong matulog.

A.N.: Some of my internet friends are asking for Selena's POV so here. Thank you!

FOLLOW ME!

Facebook: Janilyn Candelaria Alfonso

Instagram & Twitter: @janilync1

Youtube Channel: Janilyn Candelaria

'TIL NEXT UPDATE! I LOVE YOU!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebound Girl (O N G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon