Nakauwi na kami ni Selena galing Palawan. Nag scuba diving, nag jetski, nanghuli ng mga isda, nagpicture picture etc. lang naman ang ginawa namin don. At ngayon ay thursday na. Nag aya si Selena na magpunta bukas sa mall dahil wala pa pala siyamg gamit! Sakto naman na wala pa din akong gamit hehe.
Dumating na sila mom and dad galing sa isang business meeting sa japan noong tuesday. Kaya manghingi nalang ako ng pambili ng mga school supplies ko para bukas. Ayoko naman kasi galawin yung ipon ko pambili ko kasi yun ng libro ano. " Dad! Mom!" sigaw ko habang pababa ng sala. Muntik pa 'kong matapilok punyemas. "What is it sweetheart?" tanong sa akin ni mom. Galing pala siyang kitchen at nag b bake na naman ng mga cookies.
"Mom pwede po bang manghingi ng pambili ng school supplies?" tanong ko sa kanya. "Of course sweetheart. Sandali tatapusin ko na muna itong ginagawa ko at pupunta nalang ako don sa kwarto mo para mai abot ko sayo." Sabi niya sakin. Tuwang tuwa naman ako syempre pumayag siya hehe. Hindi ko kasi pinapaalam na nag-iipon ako kasi hindi talaga ako bibigyan ng pera niyan -.-. "Thank you mom! Hihihi." Niyakap ko pa siya ng mahigpit bago tumakbo paakyat sa kwarto ko.
(3 hours later....)
Katatapos ko lang manood ng Spiderman. At nabigay na din ni mommy yung pera pambili ng school supplies. Ala sais na ng gabi ng matapos ako. Pababa na ako ng hagdan ng masalubong ko si Ate Yana. Pababa din siya ng hagdan. (short for alliana) "Oh ate. Kamusta ang trabaho?" tanong ko sa kaniya. "Ok naman Cy. Medyo nakakapagod." sagot niya sakin. Close kami dati ni ate Yana. Kaso simula nung nagkaroon siya ng responsibilidad sa kompanya. Naging busy na siya.
Nakakapag usap pa naman kami kaso pag weekend lang.
"Kamusta ang kompanya natin ngayon Alliana?" tanong ni dad kay ate Yana. Matanda na si dad pero mukha pa din siyang bata dahil sa itsura niya. Seryoso si dad kapag kompanya ang pinag uusapan dahil pinaghirapan nila ni mom iyon. Pero pag dating sa amin ni ate Yana sobrang sweet niyan."Maayos naman po Dad. Actually mas tumaas ang sales natin ngayong month." sagot ni ate Yana kay Dad. "Thats good to hear. I'm so proud of you!" Sinabi iyon ni dad sa malambing na tono.
"Uhm. Mom. Dad. Akyat na po 'ko." paalam ko sa kanila. "Okay good night sweetheart." hinalikan ko muna sila sa cheeks bago umakyat sa taas dahil inaantok na talaga ako.
"Good morning self!" bati ko sa sarili ko dahil wala naman nang babati sakin HAHAHAHA Kinapa kapa ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko pero wala naman akong makapa. Kinabahan ako ng onti. Dali dali akong bumangon at nakaramdam ako ng malagkit na feeling sa bandang pwetan ko.
Kinapa ko yubg pwetan ko at pagtingin ko may dugo! Agad kong hinanap ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Alas otso na pala ng umaga. Punyemas ngayon pa talaga nagkaroon ng mens oh! Kung minamalas ka nga naman. Arrrgghh!!!!
Dali dali akong nagpunta ng cr at nag linis ng katawan. Buti nalang talaga may isa pang napkin na natira dito. 'Di bale dadaan nalang ako sa watsons mamaya. Tinext ko na si Selena na magkita nalang kami sa tapat ng mall. Nagpahatid nalang ako sa driver namin dahil hindi pa naman ako pwedeng mag drive ng sasakyan dahil minor palang ako.
Nandito na ako sa tapat ng mall at wala pa din si Selena. Grr. Matawagan nga ang babaita. "Hello Selena! Nasaan ka na ba?! Nandito na ko." sabi ko sa kaniya. "Nandito na ko sa parking lot wait ka naman!" sigaw niya sakin sabay baba ng cellphone. Natanaw ko na siya kaya sinalubong ko siya ng isang kurot sa tagiliran BWHAHAHA syempre makabawi man lang ako diba? "Aray ko naman!" angal niya. "Late ka talaga kahit kailan! Palagay lagay pa kasi ng heels bibili lang naman tayo ng school supplies." nag make face nalang siya at nag lakad na kami papasok sa mall.
(2 hours later...)
Katatapos lang namin bumili ng school supplies at nandito kami sa watsons dahil kailangan ko na bumili ng napkin. "Ikaw Selena hindi ka ba bibili?" tanong ko sa kaniya habang papunta na kami ng counter. Bumili na din ako ng mga pang hygiene dahil ubos na din pala yung mga stock ko sa bahay. "Hindi na muna siguro. Madami pa naman akong stock sa bahay e." sagot niya sakin. Hindi nalang ako kumibo at nagbayad na ako sa counter.
Palabas na kami ng mall at sakto namang natanaw ko na yung driver namin. Nag paalam na ako kay Selena. Umalis na din siya dahil nandun na rin naman ang driver nila.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko para matulog na. Dahil nakakapagod naman talaga ang araw na ito. Bukas ko nalang siguro aayusin yung mga gamit ko.
FOLLOW ME!
Facebook: Janilyn Candelaria Alfonso
Instagram & Twitter: @janilync1
Youtube Channel: Janilyn Candelaria
'TIL NEXT UPDATE! ♥️
BINABASA MO ANG
Rebound Girl (O N G O I N G)
Novela JuvenilCyrel Faith Dela Fuente. Simpleng babae lamang si Cyrel. Sobrang playful ng ugali niya. Masiyahin. Mapagmahal. Humble. Supportive. Until one day, she met a boy named John Paul Valdez. John Paul Valdez. Nasa kaniya na nga halos lahat e. Rich. Famous...