HMTEQ. 18 Mixed Emotions

292 18 2
                                    

He Met The Evil Queen. © 2014

All Rights Reserved. Written by SilentColdLady.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Enrique's POV-

"Where are you going?" -Juli

"Uuwi na"

"Hindi pwede. May date tayo di ba?" argh! Gusto ko nang umuwi

"Ha? Wala naman akong sinabi na mag date tayo" ako? Mag-aya ng date sa kanya? Never

"Sabi ng papa mo na magdate daw tayo sa ayaw o sa gusto mo"

"Next time nalang. Pagod na ko Juli" labas sa ilong kong sabi.

"Isusumbong kita"

"Sige isumbong mo" sabi ko at sumakay na sa kotse ko. Hindi ko na talaga kaya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya

"Where are you?" tanong ko nung sinagot niya ang tawag ko

(Hello? Si Kath to)

"Where is she?"

(Del Valle Mansion)

"Pupunta ako dyan"

(Enrique she needs an explanation from you )

"I know. I know"

(O sige) then she ended the call

Hindi ko naman talaga gustong saktan siya. It was my parents. Akala ko tapos na. Kasi umayaw na si Kath yun naman pala si Juli ang ipapalit. Nakulong na naman ako sa arrange marriage .
Nandito na ako sa gate ng mansion nila Julia pero hindi ako pinapasok ng mga guwardiya nila.

"Sorry po sir pero bawal po kayo pumasok utos po ni ma'am"

"Ma'am who?"

"Ma'am Julia po"

What?

"Ano bang sinabi niya?"

"Sabi niya wag daw papasukin si Enrique Pereiro dito . Hindi naman kayo si sir Daniel kasi kilala ko naman yun tapos kayo ngayon ko lang kayo nakita siguro kayo yung tinutukoy ni ma'am" napaisip naman ako. Aha!

Tumawa ako ng mahina "Hindi po ako si Enrique . Sabihin niyo sa amo niyo na si Sam to" sabi ko at pinakita ang lumang I.D ni Sam na nasa akin. May nakalagay na Sam Concepcion pero yung mukha niya sa I.D ay malabo na. Naniwala naman ang guard kaya pinapasok ako.

-----

-Julia's POV-

"Sino ang tumawag?"

"Ah... Si ano... Si Sam! Oo si Sam" tiningnan ko siya ng maigi. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin

"May tinatago ka ba?" lumapit ako at kinuha ko ang phone ko sa kanya

"Wag!"

"Si Sam pala ah! Manang!" tinawag ko si manang Wala pang isang minuto nandito na siya

"Bakit po Ma'am?"

"Sabihan mo ang guard na wag papasukin si Enrique Pereiro! Loud and clear. You may go"

"Juls gusto ka niyang makausap eh

"Sapat na ang nalaman ko. Nanliligaw siya pero may fiancé na pala siya"

"Sinabi ko na di ba sa--" inunahan ko na siya

"I know. Si Juli ang ipinalit sa'yo para maging fiancé ni Enrique" kaya pala biglang umuwi si Juli yun naman pala ang dahilan ang ipakasal siya kay Enrique

"Ma'am Julia nandito po si Sam" biglang sabat ni manang at umalis agad. Nagulat ako bakit pumunta dito si Sam eh yun naman pala hindi si Sam kung di si Quen. Aba! What a pretender!

"What are you doing here?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay

"Julia magpapaliwanag ako"

"Save it. I don't need your explanation" cold kong sabi sa kanya

"Hindi ko siya gusto, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko" natigilan ako sa sinabi niya. Katahimikan. Katahimikan. Ilang minuto muna kaming natahimik.

"Then itigil mo yang fix marriage na yan" bigla ko nalang nasabi sa kanya. Kung nagulat siya at si Kathryn mas nagulat naman ako sa sinabi ko

"Gagawin ko yan. Mahal kita Julia" gagawin ba talaga niya? Dahil mahal niya ako? Sabi kasi ni Kathryn hindi kayang suwayin ni Enrique ang daddy niya.

Teka. Napaisip ako bakit gusto kong itigil ang fix marriage. Eh wala naman akong nararamdaman sa kanya. Sabi ng Isip ko wala pero sabi naman ng puso ko meron. Which is which? Si isip o si puso? Bigla nalang ako nagalit ng maalala ko ang pamilya ni Enrique. Nagkaproblema ngayon si mommy dahil sa kanila tapos sino ang susunod? Si daddy naman?

"Hindi pa rin nagbabago ang salbahe mong mga magulang"

"Anong sabi mo?!" napatingin ako kay Enrique . Napalakas ata ang sinabi ko sa isip ko. Sinigawan niya ako kaya nainis ako sa kanya

"Totoo naman di ba? Salbahe sila. Siguro salbahe ka din tinatago mo lang" sabi ko tinaas ni Enrique ang isa niyang kamay pero napigilan siya ni Kath. Nandito pa din pala siya.

"Julia uuwi na kami, tara na Enrique" sabi niya at hinila niya palayo si Enrique.

Nadala ako ng galit ko sa magulang ni Enrique. Bakit ba? Pinaghirapan ni mommy pagpatayo ng sariling kompanya tapos sisirain nila? Gusto talaga nilang makita na nahihirapan sila mom and dad. Ang sama nila.

"Alam mo ang moody mo" napatingin ako sa nagsalita si mommy "Nakita ko ang pangyayari kanina"

Fine moody na ako. Change topic. "Ok. Bakit ang aga mong umuwi mom?"

"Na miss ko lang ang baby ko" sabi niya at niyakap ako. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Ang lambing talaga ni mommy. Pero nainis ako. Ako? Baby?

"Mom I'm not a baby anymore" sabi ko nung humiwalay ako sa yakap. Napansin ko naman ang dala niyang papel. Parang pamilyar yan ah

"Aside from that , umuwi ako ng maaga para ibalita sayo to" binigay niya sa akin ang hawak niyang papel. Binasa ko yun . Hindi ko mapigilan na matuwa.

"Thank you mommy" sabi ko at niyakap siya. Yung papel naman yun ay sulat ko para kina mommy last year and I need their reply with their signature on it. Nalungkot ako kasi wala akong natanggap na reply pero ngayon. I'm so happy!

"For your happiness baby, nakita ko kasi drawing book mo puno na ng mga designs. Sayang naman nun kaya ayon me and your dad decided na tumayo ka ng sarili mong fashion line" ang saya saya ko ngayong araw na to. Ay hindi pala mix emotion pala. Inis, galit, saya ang nararamdaman ko ngayong araw na to.

"Thank you mom. Thank you sa inyo. I'll call dad later and I will also thank him. I love you mom"

Itabi ko muna ang mga problema ko. Teka may problema ba ako? Hayy wag munang mag-isip baka papangit ako. Ito lang "Welcome to the Fashion Industry Julia"

Ano kaya ang magandang ipangalan sa fashion line ko?

Julia? Julia.

Julia.

Yan nalang. Simple yet elegant.

I'm so excited.

He Met The Evil Queen (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon