Chapter 3

6.6K 223 5
                                    

Chapter 3

Pagkatapos ng orientation ay agad naman kaming pumunta sa dorm namin.

Good thing is that magkakasama kami sa iisang dorm, ayaw ko namang iba ang makakasama ko.

"Yay! Ang ganda ng dorm natin. Perks of having a friend na ---" sinamaan ko naman ng tingin si Loveliz.

"Sige ituloy mo Loveliz" sambit ko kaya napa-peace sign nalang ito.

"Wait, may ibang tao yata rito." sabi ni Amanda saka dali daling pumunta sa kusina kung saan nanggagaling ang ingay.

"What the! Ba't nandito kayo mga Kuya?" gulat kong sabi nang makita ang tatlo kong kuya na prenteng nakaupo sa dining area.

"Just checking on you, our dear sister." napangiwi naman sya nang magawi ang tingin niya sa dalawang kaibigan.

"Girls yung laway niyo tumutulo na." nakita niya namang napalunok ang dalawa at sabay pang nagpahid ng gilid ng labi.

Mga uto-uto talaga.

"Maka-just checking on you our dear sister ka jan. FYI, wala pang 24 hours mula nung umalis ako sa bahay. Ang O-oa niyo." sambit ko habang naiiling na pumunta sa refrigirator.

"Ay, walang laman?" sabi ko.

Napatingin naman ako sa kanila at nakitang isa isa silang napakamot sa ulo.

"Yan din kasi ang sasabihin namin princess, walang stock ng pagkain ang dorm niyo. Hehe" ani ni Kuya Bench.

"Edi mag-grocery" sabi ko at aalis na sana nang pigilan ako nina kuya.

"Sama kami?" sambit ni Kuya Kai.

"Mga baliw! Anong sasama kayo? Gusto niyong kuyugin kami ng fans niyo?" nakita ko namang nag pout sila kaya napangiwi ako.

"H'wag nga kayong childish, mag go-grocery lang kami nina Loveliz at kayo magsi-uwian na kayo tutal nakita niyo namang buhay pa ako diba? Kaya shoo! Atsaka magsi-ayos kayo ah? Baka may makakita sa inyo na nanggaling kayo rito." nakita ko namang sabay sabay silang napabuntong hininga.

"Fine, sige na ingat kayo. Lalo ka na princess." isa isa naman silang yumakap at humalik sa pisngi ko.

"Sige na bye bye." tumango naman sila.

"Yung phone mo, dalhin mo palagi." binatukan ko naman ang dalawa nang makaalis na sina Kuya.

"Tulala lang ang peg? Ngayon lang nakita nang malapitan sina Kuya?" sabi ko habang nakapamewang na nakatingin sa kanila.

"Eh, kasiii.. Kyaaaaaaahh" napatakip naman ako sa mga tenga ko nang magsimula silang magsisigaw.

"Magsitigil nga kayo. Tara na, mag go-grocery pa tayo."

"Aye aye Captain."

* - * - * - * - * - * - *

Pagkapasok namin sa mall, h'wag kayo may sariling mall ang school na 'to.

"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Amanda.

"Sa drinks slash beverages na muna tayo." sabi ni Loveliz, tig-isa kami ng push carts para makuha namin ang gusto naming bilhin.

Pagkapunta namin sa beverages section ng mall ay agad kaming nagsikuha ng mga gusto naming bilhin.

Kumuha ako ng ilang 1 liter chuckies, freshmilks, at vitamilks na choco at double choco.

Napangiwi naman ako nang kumuha ang dalawa ng softdrinks, C2s at wait---

"Is that a beer?" tanong ko kay Amanda.

"Uh-huh." sabi nito nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Mabilis ko naman itong naagaw sa kamay niya at ibinalik ito sa may lalagyan.

"What the! Kailan pa kayo natutung uminom?" tanong ko sa kanila habang nakataas ang kilay.

"Eh kasi. . nung . . ano. ." napabuntong hininga naman ako.

"Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayo, you can drink alcohol but hindi sa dorm. Okay? Ibalik mo rin yung tanduay ice Loveliz" sabi ko kaya napangiwi naman ang dalawa.

Pagkabalik nila nung beers and tanduay ice ay ipinagpatuloy na namin ang pag go-grocery.

* - * - * - * - * - *

'Ano ba ang mas masarap, itong sweet and sour or cheese?'

'Fine, itong dalawa na nga lang.'

Kukuha na sana ako nang may narinig akong nagsalpukan.

"Sh*t! Are you blind?" Hindi ko sana papansinin nang marinig ko ang boses ni Amanda.

"No" napalingon naman ako nang makitang nagkalat na ang mga canned goods sa sahig and stuffs.

"So hindi ka bulag? That means ta-tanga tanga ka lang? Are you a newbie?" tanong nung babaeng parang walking skeleton.

Nakita ko namang napataas ang kilay ni Loveliz.

"What did you call her? Ta-tanga tanga? So anong tawag mo sa sarili mo? Stupida?" nakita ko namang umusok ang ilong nung babaing sinabihan ni Loveliz na stupida.

Sasabunutan na sana sya nito nang may pumagitnang lalaki.

"No cat fight girls. You already had caused a commotion, h'wag niyo nang dagdagan." sabi nung lalaki at nakita ko namang umamo ang mukha nung mga babaeng walking skeleton habang sina Loveliz eh napairap.

Napailing nalang ako bago tuluyang lumapit sa dalawa.

"Okay lang kayo?" sambit ko sa dalawa at nakitang bumuntong hininga sila bago tumango.

Napatingin naman ako sa lalaking pumagitna sa away ng dalawa at napansing pamilyar ito.

"Lance, buti nalang nakita mo kami. Yan kasing dalawa mga papansin. Paharang harang sa daan." Lance huh?

Why does it sound familiar?

"Wow? Kami pa talaga ang paharang harang sa daan? Like duhh." ani ni Loveliz at humarap naman ang lalaki at napagtanto kong si Lance pala iyon na pinsan ni Amanda at the same time ex ni Loveliz.

"Love" nakita ko namang napaismid si Loveliz at nanlaki ang mga mata nung mga babae habang si Amanda naman ay napairap.

"Love? Kilala mo ba ang mga cheap na babae na yan Lance? One of your b*tches and whores?" nagpanting naman ang mga tenga ko dahil sa sinabi ng walking skeleton.

"One of his b*tches and whores? And them? Cheap? Do you even know who are they Miss Who Ever You Are? She's LOVEliz Alcantara and Amanda Fuentes. And they're not one of the b*tches nor sluts nor whores of this man. Dahil in the first place hindi naman namin sya kilala. So please excuse us." sabi ko sabay higit sa dalawa.

"Tara balik na tayo dorm, I'll just tell Kuya to give us groceries." naramdaman ko namang may humigit sa kamay ko.

"At sino ka naman sa inaakala mo para talikuran kami ha?" ngumisi naman ako sa babae sabay alis sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Ako? Hmm, before I'll answer your question, sino ka ba para sagutin ko? At pwede ba don't touch me by your filthy hands. Ciao!" sabi ko saka hinigit ang dalawa at dali daling umalis.

Rinig na rinig ko pa ang naghi-hysterical na sigaw ng babae.

"You b*tch! Humanda ka sa akin pag nagkita tayo. Arrgghh."

As if naman matatakot ako sa kanya, isumbong ko sya kila kuya eh.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon