Chapter 13

5K 191 18
                                    

Napabuntong hininga ulit ako habang tinitingnan ang replelsyon sa salamin.

Nakita ko namang napangiwi si Elena nang makitang ang luwang ng PE uniform ko sa akin.

Idagdag mo pa na imbes shorts ay jogging pants ang suot ko.

"Grabe ka, Maria. Takot ka bang masilayan ng iba ang skin mo? Ang hilig mo sa mga oversize na damit." sabi niya at nakita ko namang natawa sina Loveliz at Amanda.

"Pabayaan mo na 'yan Elena, trip niya yan. Ika nga niya walang basagan ng trip." sagot ni Loveliz pero nakatingin parin sa akin si Elena.

"Labas na tayo, baka iwan na tayo nung mga bakla, mga baliw pa naman yon." sabi ni Amanda saka hinila si Elena at Loveliz kaya sumunod nalang ako.

Pagkalabas namin ay siya rin namang paglabas ng iba sa CR.

Napangiwi naman kami nang nakita pa naming parang kinikilig ang mga ito.

"Anyare guys?" tanong ko.

"Ay kakilig. Ang mamacho ng katawan. Ang yummy. Yikes" mas lalo pa kaming napangiwi nang tila nagde-daydream pa ang mga ito.

"Sino yang sinasabi niyo uy?" tanong ni Amanda.

Tumili naman muna si Jane saka sumagot.

"Yung heads ng The Bands. Ang gwa-gwapo lalo na si Andrei." napaismid naman kaming mga babae saka sila iniwan.

"Akala ko pa naman kung sino na, ang heads lang pala ng 'the bands'. Hindi ba yung Andrei na sinasabi nila is yung niyayakap ni Karelle sa cafeteria?" tanong ni Loveliz at nakita kong tumango si Elena.

So Andrei pala ang name nung lalaking weird. 'Andrei?

Why does is it sounds so familiar?'

"Hoy mga bakla! Hentai!"

* - * - * - * - *

Pagkapasok namin sa gym ay napansin naming nandoon na halos lahat kaya agad na kami naghanap nang mauupuan.

Ramdam naman namin ang tingin ng grupo nina Nadia at Karelle.

Ang tahimik.

Spell awkward, K-A-M-I.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang P.E. teacher namin.

Nakita ko pang ngumiti ito kina Nadia at umismid sa amin.

Ay, alam na.

Favoritism na this.

"Good Afternoon Everyone!" sigaw nito.

"Sa mga hindi nakakakilala sa akin, I am Professor Indigo Sy. You can call me Prof Sy. At dahil P.E. nga ang subject natin ngayon, I want you all to run around the gym ng sampung beses! Kung saang seksyon nanggaling ang pinakahuling matatapos sa pagtakbo ay mapaparusahan with a twist." napalingon naman silang lahat sa kaklase naming medyo chubby, nakita ko namang napayuko ito.

"Hahahaha, good luck nalang sa kanila. Nagin ka-klase nila si Dina."

"Oo nga, girl version ni Barney. Pffft. Kadalasan pa naman sa mga parusa ni Prof Sy eh out of this world."

Napailing nalang ako sa mga narinig.

"So line up already. H'wag maging lampa! H'wag maging tanga-tanga! You need to be physically fit! Go!"
nagtakbuhan naman ang lahat.

For the first 5 laps ay isa ako sa nauuna, pero napagdesisyonan ko namang tumigil na muna para sabayan ang kaklase kong si Dina 'raw'.

Nakita ko namang napatingin sina Amanda sa akin pero sinenyasan ko sila na pabayaan na ako.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon