Akin Ka Na Lang

832 25 18
                                    

JOSEPH'S POV

" Hoy... yung mga kamembers ko para sa report natin sa English..LUMAPIT NA NGA KAYO DITOOOOOOOOOOOO! Nagpapatawag pa kayo eh! >3<"  Galit na galit ng sumisigaw ang leader namin sa reporting na si Klarisse. Nagtataka na nga ako sa isang ito kung bakit papalit palit ng ugali... Kanina pa kasi siya sumisigaw at nakabusangot ang mukha. Ano bang problema niya?

 Minsan mabait at ang hinhin niya na parang tuta tapos ngayon parang dragon na cute na umuusok pa ang ilong. Tsk.

" Ikaw Joseph? 'Diba kagrupo ka namin?! " Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sa kinaroroonan ko. Naggigitara lang naman ako at kumakanta. At, heto siya ngayon sa harap ko at nakapameywang pa sa akin. Nakapout pa siya at kitang kita kong seryosong seryoso siya.

" Joseph... Hoy! Sasali ka ba o hindi? "

Wala naman akong masabi. Tinitigan ko lang siya ng may halong pagtataka. Totoo bang kinakausap ako ng isang ito? 

" JOSEPH! Ano ba! Wag mo nga akong titigan... Naghihintay yung mga ibang kamembers natin oooh. Ang iba sa kanila busy pa sa kaniya kaniya nilang mga tasks and duties tapos ikaw na naggigitara lang sa sulok ay nagagawa mong pahintayin lamang sila? Nagpapakaspecial ka ata? " 

Kinakausap ako ni Klarisse? o______o Napangiti na lang ako bigla. Parang reflex action lang. Haha. :)) At binigkas niya pa ang pangalan ko. Sinong 'di mapapangiti nun?

" Ano?! Hoy... AT ngayon tumatawa tawa ka? Kung ayaw mong sumali sa report natin.. EDI WAG. Ikaw naman magsusuffer." At tumalikod siya at lumapit na lamang sa iba pa niyang members.

Napatulala ako.

Hindi ako makakilos. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapagsalita.

Hindi dahil ang " astig" ng asta niya ngayon. Hindi rin dahil sa akala kong napakamalumanay niya at angelic. 

Hindi kasi siya sumisigaw sa iba.  Hindi nga niya magawang tarayan yung mga nangungulit sa kanya eh.  Kumbaga.. sa room namin siya ang pinakamabait. Pero ang pinagtataka ko...

Sinigawan niya ako.

Siguro, ito yung unang pagkakataon na nilapitan niya ako at kinausap... OO, unang beses na kinausap niya ako, kung tatawagin niyo yung pagkausap.

Ang ganda pala niya. :) Yung mata niya kanina nanlilisik pero ang cute niya nung nagpout siya at nagseseryoso.  Bihira lang siyang makitang ganun... kadalasan kasi palangiti lang iyan tapos di nga sumisigaw. Makikita lang siyang nagbabasa sa sulok habang tumatawa sa binabasa niyang mga stories.

Once in a blue moon lang siyang  magtaray. At ang swerte ko dahil nasaksihan ko yun. Ang ganda niya pala kung magalit. :) Very rare.

HOOOOOOY Joseph! Andyan ka na naman sa pagpapantasya mo sa kanya. Psh. Nakakainis na! >3<

Since tinitigan na naman ako ni Klarisse ng masama sa malayo, napangiti na naman ako. Iniisip niyo siguro na nababaliw na ako... Pero ang totoo kasi, natutuwa ako sa kanya. Kaya, para hindi niya sa magalit pa ng tuluyan sa akin, kahit na ang cute niyang magalit, lumapit na lang ako.

***

Matapos ang nakakapagod naming pagparactice para sa report namin sa English... uminom ako ng sandamakmak na tubig dahil sa uhaw. Eh bakit kasi napaka arte ng teacher namin. Kailangan ba talagang creative at unique yung pagkakapresent ng report? Pwede bang gawing simple na lang? Yung tipong magrereport ka lang tapos okay na?

Napatingin naman ako kay Klarisse na nakabusangot ang mukha habang inaayos ang kanyang gamit.

Yan tuloy, nagagalit na si Klarisse dahil sa nakakainis na teacher naming yan.

Akin Ka Na Lang ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon