Stan’s POV
I’m Stanley Ore Dela Merced. It’s been 8 years when I started finding my wife and daughter. She just gave birth to Trisha when she left. 8 years of agony, pain, and despair. Without them I was like a trash scattered, torn into pieces and burned in hell. I would rather work even in holidays than to stay home and see the bareness of our room, my life is a total wreckage.
Bawat araw na dumadaan ay kalbaryo. Hindi ko na kakayaning maghintay pa ng maraming taon. Ikamamatay ko ang sobrang pangungulila sa mag-ina ko. Kaya kong iwanan lahat...lahat lahat. Wala akong pakialam sa yaman at katanyagan ng buhay kung wala naman sa piling ko ang mag-ina ko.
“Sir Stan, meron na po akong lead.”
Napabalikwas ako sa kama ng marinig sa intercom ang ibinalita ni Butler George. At pinindot ang intercom to answer him.
“George! What’s that again?! Are you sure?”
“Yes, sir.”
Mabilis akong umalis ng kama, tinungo ang walk-in closet at nagbihis. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ninenerbyos yata ako na naiihi.
Lumabas ako ng kwarto at sinalubong ako kaagad ni George.
“Sir-”
“Let’s have a talk in my office. Nobody should hear about it.”
Nakuha naman ni George ang ibig kong sabihin at sumunod sya sa likuran ko. Nasa lobby kami kaya dapat doon sa office kami mag-usap dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko si mama na mapanuring nakatingin samin. I’m sure she’s still thinking that I sent somebody to search for my family despite I assured her not to.
“Take a seat.” Kinakabahan ako sa posibleng “lead” na ibabalita ni George. Dahil naiisip ko pa lang na baka negative eh parang tinitusok na ang puso ko.
“Sir, meron pong nakakita kay Mrs. De la Merced.”
Eto na ang hinihintay kong marinig. I took a deep sigh before I said a word.
“Where?”
Isang salita lang ang naiisip kong itanong. Hindi parin kasi nawawala sa isipan ko ang minsang naging sagutan namin ni mama. Ayaw kong maniwala o ayaw talaga tanggapin ng utak ko. Hindi ko na alam.
Flashback....
“Tumigil ka na Stanley! Di pa ba sapat ang mga litrato na yan?! Iniwan ka nila!” Inilapag ni mama ang isang envelop at sa lakas ng pagkakalapag nito sa mesa ay nailuwa ang napakaraming pictures.
Nanlumo ako sa nakita ko. Ang mag-ina ko sumakay ng taxi may dala-dalang maleta.
“Hindi sila yan, ma! Hindi nila ako iiwanan. Alam kong mahal nila ako.”
“Mahal??..huh! Paano mo nasabing mahal ka nila eh iniwanan ka na? Oh c’mon Stanley, ginamit ka lang ng babaeng yon!” Sarkastikong sumbat ni mama. Masakit isipin ano pa kaya kung ako mismo ang nakakita?
“Ma, di po yan magagawa ng asawa ko! Hahanapin ko sila! Sigurado akong may nangyari kaya sya naglayas!”
“Maghanap ka hanggat gusto mo. Pero sinasabi ko sayo kapag hinanap mo pa sila, ngayon palang wag na wag mo nang iaapak ang paa mo sa pamamahay nato! Iwanan mo narin kami ng Papa mo!”
“Ma-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at padabog na umalis si mama sa harapan ko.
Naihilamos ko na lamang ang mukha ko sa mga palad ko. Ang sakit sakit na malaman na iniwanan ka ng asawa at anak mo nang di mo alam kung ano ang dahilan dumagdag pa si mama.

BINABASA MO ANG
The Guest
Любовные романыThey say: Hope for the best and expect for the worst. Good things come to those who patiently wait. True love comes the least you expect it. BUT, the Woman behind Asia’s Grandest Five Star Hotel and Mall ”TeleCompra” only believes until it happens. ...