TG 3

17 1 0
                                    

Stan’s POV

Wala ng ibang paraan para malaman ko bakit ganun na lng kadali para sa kanya na layuan ako at isinama pa ang anak namin. Hindi ba ako pwedeng pagkatiwalaan na kaya ko rin silang ipagtanggol kina mama?

Dala narin ng kaba at sobrang pagod ko nakatulog ako sa sofa.

Umaga na pala. Magluluto na lang ako ng umagahan.

Ni-raid ko ang ref nya.

Mabuti at marami syang stocks.

Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid.

Napakaorganized naman nya? At napakalinis ng bahay lalo na ang kitchen. Ano kaya ang magandang iluto? Ah, eto gusto nya to.

Kumuha ako ng ready mix pancake, eggs, bacon at isang loaf ng tasty.

Kahit pwede ng pangbreakfast ang mga kinuha ko. Nagsaing parin ako.

Iba parin kapag may kanin. Gusto ng asawa ko ang kanin sa umagahan. Isasabay ko narin ang pagluluto ng iba pa.

Para masimulan na ang pagluluto, nagsuot muna ako ng apron na nakita kong nakatupi sa cabinet. Pinili ko yong kulay asul na my print “I’m Chef Kim ”.

Kim?? Sino kaya si Kim? May boyfriend na sya?

Baka naman yon pinangalan nya sa anak namin. Hmm. Maisuot nga.

Nakakatuwa naman to. Hindi naman ako chef pero sa panlasa ng asawa ko, my dishes were the most delicious.

Napabaling ako sa kwarto nya.

Bakit hindi nya ako kilala? Bakit di mo na ako natatandaan? Ganun na lang ba kabilis kalimutan ang lahat sa atin?

Nailapag ko ang mga palad ko sa mesa na nakayuko.

Hindi ako susuko. Baka ginagawa mo lang eto para ipamukha sakin na kaya mong mabuhay na wala sa poder ko. O para iparamdam saken na malaking kawalan ka sa buhay ko. Na nagkamali ako dahil di ko man lang kayo kayang piliin over the company , over my parents.

……………

A/N

Pagpasensyahan po ang napakaikling update..bz masyado..bawi nlng ako sa next update^_^

Thanks sa mga ngbabasa neto.

Always,

miss_tigerlily

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The GuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon