Sino Ka Ba?

392 4 0
                                    

“ Ako si Erin. Sikreto lang natin to ah, may BF na ako. OO, Ano hitsura niya? Uhmmm....heto siya...

Ang chinito no. Medyo pangahin ang mukha niya pero bagay na bagay sa bad boy appeal niya. Uy appeal niya lang ‘yun pero di siya bastos kundi gentleman talaga.

Ahh, oo, may mga  tattoo siya sa batok, sa braso, at sa mga parteng nakatago pero hindi astang kriminal a hindi pariwara.

Ang cute ng black hair niya no, parang koreanovela ang dating. Hay, tipong kapag kasama niya ako, maiingit ka at ang iba kasi nakakaingit naman talagang magkaroon ng BF na tulad niya. Lalo na kapag hawak niya ang kamay ko, holding hands kami while walking, o kapag yapos ko siya habang angkas niya ko sa kanyang motor.

Ay, ano ba ‘yan?!  Ang gwapo niya talaga. Ang gwapo talaga ni Super BF ko.

Kaya lang may problema e...drawing ko lang kasi siya.”

Ang BF Mong DrawingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon