Friendzone

825 32 10
                                    

~ All rights and reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.

Note: Any resemblances of person, place or events are purely coincidental.

(c) 2014 | MeetTheEpalAuthor

A/N: This is based on the true story. Pakinggan niyo yung kanta para feel nyo po yung story.The title of the song po pala ay "If You and Me" by Juris. Maghanda na rin po ng tissue. This story is dedicated again to Donya Bebang. Nabitin kasi siya sa isang kong story. Hope you like it ^__^/

***

Unang kita ko palang sa kanya na-inlove na ako. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa niya at agad-agad ko siyang nagustuhan. Siguro dahil sa may itsura sya. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit sobrang attracted ako sayo.

Noong una, naisip ko hanggang infatuation lang 'tong nararamdaman ko sa kanya pero habang lalong tumatagal mas lalong lumalalim ang nararadaman ko sa kanya. Sa gwapo niyang itsura sinong hindi magkakagusto sa kanya? Halos lahat ng babae sa school namin may gusto sa kanya.

Nagkaroon siya ng girlfriend naging malungkot ako, alam ko naman na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan dahil sa puro pag-aaral ang inaatupag ko at wala akong oras sa pag-ibig na 'yan. Kahit na walang namamagitan sa aming dalawa, sobrang sakit na malaman na 'yung crush mo may girlfriend na.

Isang beses, pumunta ka sa room namin. Inexcuse mo 'yung isa kong kaklase na maganda... Naisip ko Sila na kaya? Ayun pala naghahanap kayo ng gustong sumali sa Music Club. Akala ko may bago ka ng girlfriend. Noong, una hindi ko 'yun pinansin kasi naisip ko na wala naman akong masyadong talent sa pagkanta, kaya hindi na ako nag-try pero ng pilitin ako ni Allyssa sumama na rin ako.

Sa pagsali ko sa Music Club mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa'yo. Mas lalo akong naging attracted sa'yo. Hindi kita maka-usap dahil sa palagi tayong busy sa pagpapraktis. 

Isang beses, na late na dumating yung trainor natin kaya naman nakapag-usap usap rin 'tayong magkakagrupo. Hindi ko akalain na lalapit ka sa akin at tatanungin ang pangalan ko. Akala ko kay Allyssa ka lalapit pero sa akin pala.

"Hi, ako ng pala si Chad," noong araw na 'yon nalaman ko ang pangalan mo. Sobrang kinilig ako ng makipag-shake hands ako. Hindi man halata ng iba pero sobra akong kinilig.

"Hello, ako nga pala si Chelsey," natuwa ka ng araw na 'yon dahil sabi mo parehas na 'C' yung pangalan natin. Again, kinilig na naman ako.

Simula na magkakilala tayo naging mas close tayo. Sa school kapag nagkakasalubong tayo, ngini-ngitian mo ako. Sinusuklian ko naman ito ng isang ngiti rin. Sa tuwing break palagi akong may tinuturo sayong mga magics. Tinuturuan din kita ng mga tanong na kahit kailan man hindi mo masasagot.

Nang last na recess natin, wala ka noon dahil sa may pinuntahan ka. Nag-laro kami ng spin the bottle. Napatapat sa akin yung bote at dahil ma-sikreto ako tungkol sa pag-ibig tinanong nila kung kanino raw ako may crush. Hindi ko sila masagot dahil natatakot ako baka sabihin nila sa'yo pero dahil makulit sila sinabi ko rin.

Hindi ako nakapagpraktis kinabukasan. Bigla na lang sa akin lumapit si Angel, ang bestfriend ko at sinabi kung anong nangyari noong wala ako sa praktis.

"Alam mo ba naglaro kami ng spin-the-bottle kahapon tapos tinanong ko si Chad kung kanino siya nagagandahan sabi niya sa'yo raw!! Ayiie... nakakakilig" Kahit na hindi niya ako tuksuhin halatang halata na kinikilig ako. Sinabihan niya ako ng maganda pero naisip ko baka niloloko lang niya ako. Malakas rin kasing mang-aasar si Angel pero hindi raw siya nagloloko. Totoo raw 'yung sinasabi niya.

Matapos ang contest natin nakuha tayo ng second place. Kahit na natapos na ang mga praktis natin at madalang na rin kitang nakakausap. Hindi pa rin nagbabago ang ngiti mo sa akin. Naisip ko Hindi na ito, infatuation. Love na 'to.

Busy ako sa pag-aaral nitong mga nakaraang araw, malapit na kasing matapos ang pasukan. Biglang pumasok ng hingal na hingal ang kaklase ko tapos sabi niya gusto niya raw akong maka-usap.

"Alam mo ba, Chels. Nadinig ko si Angel kanina kausap si Chad sinabi niya na may crush ka raw kay Chad" parang nagunaw ang mundo ko ng mga panahong na 'yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil naisip ko baka layuan mo na ako. Masisira ang pinagsamahan natin at hindi nga ako nagkakamali. Lumayo nga siya sa akin. Ayaw ba niya sa akin? Hindi man lang ba sya nakaramdam ng pagkagusto sa akin? Hindi ba ako maganda? O sadyang kaibigan lang ang tingin niya sa akin? Ilang araw akong umiiyak sa kwarto namin. Tinatanong ako ni Inay kung bakit ako naiyak? Ang palusot ko sa kanya "Malapit na po kasi akong grumaduate" at hindi na kita makikita.

Nakagraduate na kami at kahit kailan hindi ko na siya nakausap. Naging college na kami at magka-school mate na kami pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Hanggang isang beses nanghiram ka ng equipments sa Laboratory. Ako ang nagbabantay ng mga panahon na 'yon, hihiram ka sana pero noong makita mo ako bigla ka na lang tumalikod.

"Chad! Hihiram ka ba ng equipments?" tiniwag kita at lumingon ka sa akin. Binigyan mo ako ng isang pekeng ngiti.

"A-ah... O-oo may graduated cylinder ba? Tsaka a-ano Stirring R-rod" ramdam ko ang awkwardness sa ating dalawa. Hindi naman kita masisi kasi alam kong nandidiri ka sa akin kasi isang akong babaeng illusyundang nagkagusto sa'yo na, sa sobra mong taas hindi na kita maabot. Pinapasok kita sa loob ng laboratory...

"Sorry... Chelsey" napatingin ako sa kanya.

"B-bakit ka nags-sorry?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Sorry kasi pinaasa kita noon. Hindi ko naman alam na may gusto ka sa akin. Oo inaamin ko nagagandahan ako sa'yo pero hanggang doon lang. Para sa akin itinuturing lang kitang kaibigan. Kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Hanggang doon lang," napayuko ako. At iniabot sa kanya yung hinihiram niyang equipments.

"Alam *sniff* ko *sniff* naman," pagkatapos kong marining sa kanya ang lahat ng 'yon iniwan ko siya sa laboratory at tumakbo palabas. Tuloy tuloy na tumutulo ang luha ko at iniwan siya doon. Friendzone lang pala kami. Hanggang kaibigan lang. Pero ako 'tong si tanga umaasa na susuklian ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Akala mahal niya rin ako. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mamahalin mo ako. Hanggang ngayon umaasa ako na pwedeng maging tayo. At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa'yo. Ayoko na. Ayoko nang magmahal pa.

*Boogsh*

"Miss, Okay ka lang?" nakabanggang ko ang isang lalaki. Nakasuot rin siya ng kagaya ng suot ko. Nakita niya rin na naiyak ako. "Bakit umiiyak?" tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. Pinunasan ko rin ang luha ko.

"*sniff* Ayos lang *sniff* ako," paalis na sana ako. Kaso nga lang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing...

"Ako nga pala si Kevin. At Pwede kang umiyak sa balikat ko," hindi na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang niyakap ang lalaki sa harapan ko. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Kailangan ko ng shoulder to cry on ngayon. At kailangan ko siya.

Friendzone (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon