Lucas : 'mukhang ibabagsak nanaman ako ni Master Pogi sa math! '
Ang sigaw ni Lucas habang sinipa ang isang lata sa gitna ng highway.Jose : 'Boy! Magingat ka nga baka tamaan mo nanaman ako kakasipa mo, kita mong nag lalakad tayo dito sa kalye. '
Ariel: 'Bobo ka kasi Lucas kaya ka nga sinipa sa Kapital kasi kahit 6+6 kinokopya mo pa sakin. '
Habang karga karga sa likod ang isang bag na may laman ng isang libro at magazine.Lucas:' nahuli ba ako ni Pogi? Di naman eh, tsaka parepareho lang tayo nasipa sa Kapital ano, kaya tignan mo tayo ngayon! Naglalakad ngayon pauwe, sa gitna ng kawalan! '
pasigaw na hiyaw ni Lucas na ang ingay ay gumapang sa damuhan patungo sa mga natutuyong mga palay.Kasabay ng kanyang paghiyaw ay umihip ang malakas na hangin. Ang lata na nasa gitna ng kalye ay gumulong papunta kay Lucas na akala mo ay may humila pabalik.
Napatigil ang tatlo at sabay sabay silang nagbiruan.
Ariel: 'oh ayan binalikan ka ng basura mo Lucas, ang ingay ingay mo nanaman kasi!'
Dinampot ni Lucas ang yupi yuping lata na may punit punit na label sa harapan.
Binasa ni Lucas ang nakasulat sa label.L: '.... Ou.. ' s Town' Ows town!? Owwwss di nga? '
Ang sagot ni Lucas kay Ariel na pagkatapos ay inihagis ang lata sa ere.L:' Nagugutom na tuloy ako!! ' Sampung oras na tayo naglalakad at pangatlong araw palang ng school eh ayoko na!!!
Tumingala si Ariel at Jose.
L:' ANONG GINAGAWA NIYO? '
Jose: habang nakatingala parin at nakangangang sinabi. ' pare yung lata, kinuha na ni lord'
Ariel : 'oo pare'
'hindi na bumalik'.
BINABASA MO ANG
Sa ilaw ng kubo
Mystery / Thrillerisang kuwento tungkol sa misteryong kubo sa gitna ng kabukiran na may liwanag tuwing gabi.