ang babaeng ice cream

80 1 0
                                    

ANG BABAENG ICE CREAM

A text story by Jhon Michael Felismino.

Para kanino ka bumabangon? Eto yung tanong ng Nescafe sa isa nilang commercial. Ikaw? Para kanino ka bumabangon? Ako kasi, bumabangon para kay Maria Fernandez, Ang Babaeng Ice Cream.

At sino ako? Ako si Elmer Madlangtuta. Ang manliligaw ni Maria for 5 years...

At kung bakit sya Ang Babaeng Ice Cream? Tunghayan nyo lang yan dito.

"Goodmorning Ria! :) gising naaa. may pasok pa tayo ng 9. :p I Love You! :D" text ko sa kanya ngayong umaga. Siguro sa buong text-life ko, eto na siguro yung pinaka gamit na kataga. Pano ba naman, nagkacellphone ako simula nung ligawan ko sya, kaya simula pa lang, yun na kagad ang text ko sa kanya.

Wait, teka nga. Let’s go back a bit and flashback kung pano kami nagkakilala.

Si Maria, o Ria, ay yung tipo ng babae na sa unang beses mo pa lang sya makita, makukuha na nya yung atensyon mo. Maputi, singkit, katamtaman ang haba ng buhok, mga 5'3" ang height at nakasalamin. Naalala ko nung first year HS pa lang kami, pag pasok na pag pasok ko sa room noong first day, sya kagad yung nakakuha ng atensyon ko. Pano ba naman kase, yung iba kong kaklase, nakikipagkilala na sa isa't isa. Pero sya, nakaupo lang sa sulok, nakatitig lang sa pintuan na katapat nya. At since late akong dumating noong araw na yon, wala akong ibang choice kundi tumabi sa kanya.

"Hi. Uhh... May nakaupo ba dito?" tanong ko sa kanya.

"..." katahimikan lamang ang nasagot nya sa akin. Naisip ko noon, bingi ba sya o talagang snob lang?

Ilang beses ko syang kinausap noong araw na yon. Pero wala parin syang sagot at nakikita ko sa mukha nyang naiirita sya sa kakulitan ko. Sa katapusan ng araw, bigo akong kausapin sya. In fact, may nabuo nang badtrip sakin non. And it also came with the phrase "NEVER TALK TO THE FOUR EYED GIRL."

Kinabukasan, pagdating ko ng room, napansin kong wala pa sya. Nice, mukhang absent sya ngayon. Hindi ko kailangang mangulit. Paupo pa lamang ako sa upuan ko nang marinig ko ang isang sigaw.

"WAA!!! Sorry I'm late!!!"

Sa sobrang gulat naming lahat, napatahimik kami. Unang una, second day pa lang ngayon so wala pang ginagawa. At eto sya, todo sorry sa pagkalate na hindi naman magiging recorded for sure. The second thing na nakakagulat para sakin ay yung fact na yung babaeng sumigaw at yung babaeng sobrang snob ay iisa.

Noong nakita ko sya, napansin kong may iba sa aura nya ngayon. Yung mga mata nya, nagliliwanag sa kasiyahan. Di katulad nung isang araw, dull. Walang buhay. At di tulad nung isang araw, ngayon, wala syang kapoise poise. Nawala yung sophisticated look sa kanya. Ngayon, para syang isang batang pawis na pawis dahil tumakbo sya ng buong araw.pag pasok nya sa room, halatang hiyang hiya siya. This was another thing that i didn't get to see yesterday. Sobrang emotionless nya kasi kahapon.pag tabi niya sa akin, nagtali siya ng buhok at sinabi nyang…

"Hey, Elmer pangalan mo dibaaa? Uy, sori kahapon ah… Kinakabahan lang talaga akong makipag usap sayo kahapon."

Kinakabahan? It’s more like naiirita sya sakin kahapon. hindi ganun ang kinakabahan.

"Ahh. Okay lang yun. No harm taken. Haha. So, ikaw nga pala? Ano pangalan mo?" tanong ko naman sa kanya.

"Maria Fernandez, pero gusto kong tawagin mo akong Ria. Okaaaay?"

Natawa ko sa kanya. Kahapon ko pa sya kinukulit, eh bakit ngayon lang nya nagawang makipagkilala? Maraming pagkakataon kahapon para ipakilala ang sarili nya. So as the day progressed, naranasan kong makausap ang isang ubod ng daldal at ubod ng hyper na si Ria.

ang babaeng ice creamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon