Chapter 1: Brielle Academy

9 0 0
                                    

MAI'S POV

Hi I'm Tomie Maika Gonzales but you can call me Mai, a college student at Brielle Academy.

Fifth year slash graduating student to be precise.

I'm taking architecture and is currently on my last semester before graduating, hopefully.

Sana hindi ako bumagsak at umabot pa ng sixth year dahil atat na atat na akong maging isang licensed architect which is 3 years pa bago mangyare dahil kailangan muna namin ng 2 years apprenticeship bago makapag take ng board exam if, and only if makagraduate ako after this semester.

Matagal ko nang pinapangarap na maging isang architect at finally malapit ko nang makamit ang aking mga pangarap.

Sana maging successful architect ako someday kahit na sobrang hirap ng course na kinukuha ko.

May skills naman ako sa pagdadrawing kaso wala akong masyadong talent na ipagyayabang.

Hindi ko akalain na sobrang hirap pala ng architecture dahil na rin siguro sa mga taong maliit lamang ang tingin sa course ko pero wala akong magagawa, hindi ko naman kayang ipamukha sa kanila na mali sila.

Countless sleepless nights na ang pinagdaan ko from my first year until now dahil sa katamaran ko, which is hindi ko kailanman pinagsisihan.

Hindi sa pagmamayabang pero kahit na sobrang tamad ko na halos 3 na lahat ng grades ko ay nagagawa pang bumagsak nung mga "genius" kesa akin.

Hindi ko man lang naranasan kung anong feeling ng nagreremoval pero ayoko ding maranasan yun lol.

Hehe well, ayoko na ngang magsalita baka isipin niyo nagyayabang na ako dito.

"Hoi wierdo, tama na ang pagiimagine baka mamaya hindi ka na makalabas diyan sa imagination world mo." pambubwisit na naman ni George.

"Ano bang pake mo George, kahit kailan talaga napakaepal mo." Inis na sabi ko naman sa kanya.

"At least gwapo."

"Yuck naririnig mo ba yang sinasabi mo? Buti hindi ka kinikilabutan sa mga sinasabi mo, well kung tutuusin masyado ka naman talagang mahangin kaya sigurado akong sanay ka na, tsk."

"Hoi kayong dalawa, agang aga eh LQ na kayo." Singit naman ni Sarah, yung best friend ko.

"Masyado kasing epal itong lalaking to, ayaw akong tigilan."

"Sus gustong gusto mo naman." sabi naman ni George.

"Asa ka ui."

"Hoi nandiyan na si sir Salvatore, mamaya mahuli pa kayong nagbabangayan mapadala na naman kayo sa office." Saway ulit sa amin ni Sarah kaya tumahimik na ako.

Design prof. namin si sir at medyo nakakatakot din minsan si sir Salvatore kahit na sobrang nakakatawa niya or para siyang clown sa sobrang galing niyang magpatawa.

"Class may iaannounce ako today. Nasa sa inyo na kung ikoconclude niyo siya as good news or bad news." Unang bati ni sir.

Mukhang serious matter ito kase kapag hindi bumati si sir ng good morning lagi kong kinoconclude na bad news ang announcement niya.

"It's about a task concerning the government." Medyo nagulat ako nung sabihin niyang government kase, ahhhh pano ko ba ieexplain...

Bata pa lang ako dito na ako nakatira sa broken city pero ngayong napalitan na ang nabubulok na sistema ng mga nagbabalatkayong mga politiko, hindi ko inaasaan na gagawa agad ng move ang panibagong namumuno dito sa broken city na si Mr. King.

Blueprint of LoveWhere stories live. Discover now