Part title

492 14 0
                                    



First of all, hindi ako fan ni Alden hindi talaga ako nagagalingan sa kanya umarte, pero iba dito siya mga bes! Ang galing galing niya dito at hindi mo aakalaing maiinlove ka sa ka-pogian ng isang Alden Richards . Refreshing
ng Team-up ni Kath and ni Kuys. Ilang beses ka mapapatanong sa sarili mong gaano kaya ka selos si DJ dito sa movie ng dalawa. Ang galing ng CHEMISTRY hindi pinilit.Titigan palang Kilig ka na.Natural ang lahat simula sa light scene to heavy scenes. Si Ethan ang lalaking pangangarapin mong makasama habang buhay.

Kung nagalingan ka na kay Kath sa "HOWS OF US" Kikilabutan ka dito sa galing niyang umarte. Iba dalang dala ako sa mga eksena. Ang natural ng lahat hindi OA hindi riin "OKAY lang". Ang galing mga besh from supporting actors to the main cast walang tapon. Ang ang galing nilang lahat . Iba talaga gumawa ng pelikula ang isang Diirek cathy Garcia Molina.

Parang namamasyal ulit ako sa Hongkong mga besh habang pinapanood ang movie na to.Ito ang pelikulang hindi mo kailangan ng Kissing Scene or bed scene para kiligin. Literal na nagpipigil ng ihi para lang walang makaligtaang ganap sa buong 1hr and 57mins. This is not your tiypical love story . This is also story about family and self worth. Nangyayari sa totoong buhay.

Moral lessons of the movie:

1.Stop living in the past, satrt a new life. Kung nadapa ka bumangon ka. marami pang pagkakataon upang bumawi.

2. Kapag nahihirapan lalong tumatatag. May mga taong sasaktan ka para tulungan kang mas lalong maging palaban sa buhay.

3. Hindi mali ang ang piliin mo ang sarili mo para sa mga pangarap mo.

4. Ang totoong nagmamahal, mapagpalaya.

Sulit ang 250 ko mga besh!

Hello, Love, Goodbye Where stories live. Discover now