I

31 1 0
                                    


"Ayla!" pigil sakin ng kaibigan ko. "Ayla, tama na yan. Hindi yan ang solusyon sa problema mo."

"Whatever." tanging sinabi ko at ininom ulit ang isang shot na natitira sa table.

"Art, we're just concerned. What if--" hinawi ko ang kamay nya na nasa likod ko at pinutol sya.

"As if they care, Matthew!" padabog kong binagsak ang basong ininuman ko kanina.

I saw dad with his mistress. He's cheating on mom! Well, at least mom did not marry him. Why is his last name attached with my name, though? It does not make any sense!

"Matt, let's just give her time." singit ng kaibigan kong si Farrah. I smirked. Umiling lang si Matthew at ininom ang shots na binigay sakanya.

Ilang taon na ako sa Estados Unidos. Dito ako nanirahan para sa pag-aaral ko. Para sa mabilis akong makakuha ng trabaho. Mahirap lang kami. May kaya ang mama ko. Hindi naman ibig-sabihin na nasa Estados Unidos ka, mayaman ka na.

"Ayla, hey!" someone called me na napalinga ako sa katapat kong table.

"Warren?" nanliit ang mata ko para makumpirma na sya nga iyon. Napalaki ang mata ko na sya nga iyon.

"Oops, look who's here. Warren Scott." narinig kong sabi ni Farrah sa tabi ko. "Sikat yan sa school, Art. Hottie sya, gwapo, at mayaman. Kaso, playboy. Ingat ka jan. Don't let that bad guy caught you with his words." napatingin ako kay Farrah at pinanliitan ng mata. As expected here in US. Madaming playboy. Madaming Fuccbois. Nagkakalat sila sa mga kanto. Syempre, nakasanayan na nila. Its a Liberated country so what do you expect.

"Probably, kilala ka nya dahil ikaw ang next target. Naku! Mukhang may makakaaway ako." hinawakan ko ang braso ni Matthew para pigilan sya sa pagtayo at pagsugod.

"Hahaha! Matt, chill. Its Art's night. Let her." sabi ni Farrah at kumindat sakin.

"I'm alright. I can handle myself." sabi ko ng wala sa sarili.

Bakit nga ba ganun ang mga lalaki? Pag nagsawa sa isa, may reserba? Pag walang reservation, walang thrill? How can they even handle it?

"Naku! Kawawa nga si Esme. Ilang months din sila non ni Warren. Ang saklap, di pala seryoso tong si Warren. Tss, asshole." sabi ni Matthew habang ngumiwi sa ininom nyang shot.

Ganun nalang ba kadali yun para sa isang tao? Ang bitiwan ang isang bagay na pinapahalagahan mo? Paano mo masasakripisyo lahat yun?

"Well, he must have a reason why he left Esme." singit ko at tulalang nakatingin kay Warren na nakatingin din sakin ngayon.

"Muntik na daw mag suicide si Esme after ng break up. Poor girl. Syempre, i-announce daw ba publicly yung break up nila. Worst, si Warren pa mismo nagsabi." sabi ni Farrah habang pinaglalaruan ang mga fries na nagkalat sa table.

May mga tao talagang bulag sa pag-ibig. Kaya mong ibuhos lahat ng sarili mo kahit wala ng matira basta mapasaya mo lang ang mahal mo. Kaya mong isuko ang sarili mo. Pero bakit may mga taong ganun? Kahit na alam mong di nakakabuti sayo, nagagawa mo ng hindi mo namamalayan. Kahit alam mong pabagsak ka na, makita lang sya ay parang nakabangon ka na. Hindi... hindi dapat ganon.

Sa isang iglap, nasa harapan ko na si Warren. Tama nga si Farrah. Gwapo at matikas ang katawan. Ilan na kaya nadala nito sa kanyang kwarto? Sa pananamit nya palang ay halata na sa kanyang personality na sya ay isang bad guy. May piercing sa kabilang tenga at magulo ang buhok. Maganda ang hubog ng katawan. You can trace his jawline. Matangos ang ilong, manipis ang labi. Pero, sayang. Nakakaturn-off.

"Hi, Ayla. Warren is the name. I guess I look familiar to you, ayt?" naglahad sya ng kamay sa'kin. tinignan ko iyon bagi tumingin sa kanyang mapupungay na mata.

"Y-Yes." yun lamang ang tanging nasabi ko. A smile formed into his face that sent chills into my spine. Really?

"Yes, Ayla. May I offer you this dance?" before i could say no, he pulled me towards him. what the hell? he smells good. Sabi ko sa aking isipan.

"Ayla!" narinig kong sigaw ni Matthew at umambang tatayo para sugurin si Warren. Pero pinigilan sya ni Farrah. Bumuntong hininga lang sya at umiling habang iniinom ang isa pang shot. Nagpahila lang ako kay Warren hanggang sa nasa gitna na kami ng mga taong sumasayaw.

Sumasayaw sya sa harapan ko. Habang ako naman ay pilit na nakikihalubilo sa mga tao na nasa paligid ko. Turned up sila masyado. Yung iba naghahalikan, sayawan, batuhan. May mga waiter na dumadaan na may dalang shot glass. Kumukuha ako don at di ko alam kung pang ilang shot ko na to. Basta ang alam ko, this is my night. My night to be happy. My night to forget everything.

Pwede bang magsaya kahit ngayon lang? Napapikit ako habang dinadama ang music na bumabalot sa tenga ko. Gusto ko maging masaya. Kahit ngayon lang...

Sa isang iglap, naglaho si Warren sa paningin ko. Luminga ako sa paligid ko. Ang labo. Nahihilo na ako. Napadami ata yung inom ko. Damn. I tried to walked normally. Sa tingin ko, mukha akong tanga na pagewang gewang ang lakad. Papalapit na ko sa table namin nina Matthew ng bigla akong natalisod.

"Sht!" napamura kaming pareho na nasa harapan ko. Sa sobrang hilo ko, napaluhod ako sa harap nya. Di ko alam kung saan ako napakapit dahil sa kalasingan na din siguro. Naramdaman ko ang mga titig ng lalaking nakapalibot samin.

"Dylan, what the hell?" narinig kong sigaw ng kanyang kasamang lalake. unti unti kong inangat ang paningin ko at namula ang pisngi ko.

Narinig ko ang malalakas na halakhak ng taong nasa loob ng bar. Nakita kong pumula ang pisngi nya at kumuyom ang kamay nya.

His dark eyes pierced on me. Gwapo... yan ang tanging nasa isip ko pero... what have you done, Art?! Gosh. Sira na dignidad mo! Oh, no. Not mine. His dignity!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blind [St. Patrick Series] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon