Madalas naguumpisa ang lahat sa salitang IKAW at AKO,
Sa mga katagang Alam mo ba?
Mahal, alam mo ba?
Pero dito?
Ako ay magsisimula sa tanong na,
Anong nangyari?
Bakit humantong sa ganitong pangyayari?Akala ko ba mahalaga ako?
Pero bakit binalewala mo?
Saan ba nagkamali?
Meron bang sumali?Nagumpisa ikaw at ako bilang dalawang karakter sa kwentong hindi tiyak ang manunulat,
Kwento na walang intensyong ang salitang TAYO ay imulat,
Kung saan ang mga posibilidad ay mas malabo pa sa tsansa ng kalamidadPinilit nating magtago at tumakbo palayo
Ngunit pinagtagpo,
Kumawala ngunit di napalayo sa oras na ang landas natin ay nagtagpo
Umasa akong puso ko'y di mahuhulog,
Na isip ko'y di makakalog -Kakaisip sa mahika mong taglay,
Na sakin ay nagpalumanay,
Sa kilos mong matamis, sa ngiti mong nakakabaliw,
Sa tingin mong nakakatunaw at sa boses mong nakakaaliwNahulog ako, di mo sinalo...
Hinayaan ko ang sakit,
At ninamnam ang paitNagkunwaring manhid, ngunit nagkabahid
Dahil sa ihip ni kupidong napaka pilyo
Puso ko muling nasuyoNagpigil ako na mahalin ka
Na magustuhan ka
Pero ikaw ang nagpumilit
Sa puso kong sumisikipHanggang sa kwento natin ay dumating sa puntong kailangan mo nang mamimili, Nagkita kayo, tumibok muli ang puso mo
Pero paano naman ako?Hindi mo na sana sinabing:
GUSTO KITA
kung sasabihin mo ring:
...KASO MAHAL KO SYAAt sa mga salitang iyon, natapos ang kwento natung bumalik lamang sa unang yugto.
BINABASA MO ANG
Puso Na... Isip Pa...
Poesía'Laman nito'y mga tula Na sinulat para di matulala, Kalakip ay damdamin, Na ni minsa'y naging dalangin.' Warning: Huwag umasa, masasaktan lang.. Joke! Newbie lang po ako... @Miss_SID