Kabanata 2
Alexa’s POV
Tumatambay ako kanina sa bench sa may parking lot nung may nakita akong lalaking nakaupo sa loob ng sasakyan niya habang naninigarilyo. Ang aga aga sigarilyo agad? Hindi ba siya nahihirapan huminga sa amoy nun? Pwes kung hindi siya nahihirapan, ako nahihirapan at naiirita ako. Nilapitan ko siya at kinuha yung sigarilyo sa kamay niya. Ang dami niya pang sinabi pero umalis na agad ako.
Hindi ko siya kilala kasi baguhan lang naman ako sa lugar at school na ito. Well anyway, hindi ko maalis sa sarili ko ang mainis kasi andito na naman ako sa stage na ito. Ang humanap ng makakaibigan at makakasama para gumanda ang buhay ko sa school na ito. Naiinis din ako kasi napaaga ako ng alis sa bahay. Nakakainis kasi ang aga akong ginising ni mommy. Mas excited pa ata siya sa akin, mas nauna pa ako sa mga teachers dito e. Ayan tuloy, maghihintay pa ako ng isang oras para sa class ko.
Naglakad ako papunta sa bulletin board para makita kung saan yung room ko. Grade 10 na ako, at ayun nga kung kalian grade 10 na ako saka pa naisipan lumipat ng parents ko sa lugar na ito. Paano na magiging masaya ang school year ko? Last year pa naman to ng pagiging highschool ko.
Nang makita ko ang pangalan ko ay naisipan kong ikutin muna itong campus para maging pamilyar sa mga lugar lugar dito. Medyo malaki kasi itong school. Kahit papano naman pala ay may dapat akong ipag pasalamat kay mommy. Dahil ginising niya ako ng maaga langhap na langhap ko yung sariwang hangin habang naglalakad lakad. Hindi ko namalayang nasa parking lot na naman ako. Nakita ko na naman yung lalaking nanigarilyo kanina, tulog siya.
Nilapitan ko siya para makita yung mukha niya ng malapitan. Mapulang labi, matangos ang ilong, makinis ang balat, maganda ang hibla ng buhok, mahahaba ang pilik mata, hindi talaga maitatanggi sa kanya ang pagiging gwapo. Wait ano ba ‘to? Nakakadiri na yung mga sinasabi ko. Bakit ba ako ganito sa kanya? Ayoko sa kanya baka mamaya adik nay an e. Kadiri, pacool din naman itong lalaking ito e.
Ano kayang pangalan ng kumag na ito? College na kaya ito? Hindi kasi siya naka uniform, may sariling sasakyan at naninigarilyo na din. Nakita ko ang ID niya na nakapatong sa kabilang upuan ng kanyang sasakyan. Nilapitan ko ito at kinuha.
Keaton Evander M. Ferrer - Grade 10 , sa lace nito ay may tatlong star. Bakit magkaiba kami ng lace? Bakit yung sa kanya may star samantalang yung akin wala? Parehas naman kaming fourth year? Baka mali itong binigay sa akin.
“Fuck! Bitch! What are you doing here? Damn! You’re giving me a heart attack!” Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Ganun na ba talaga akong nakakagulat? This guy is like a gay. Tinalikuran ko na siya dahil na rin siguro sa kahihiyan. Ayoko ng makita ang pagmumuka niya. Bakit kasi ako lumapit pa dun?
Fuck! Ang malas. Bakit dala ko yung ID niya? Ang tanga tanga ko, bakit ko nadala? Ibabalik ko ba ‘to? Ughh!!
“Miss weirdo can I have my ID?” Anak ng! Mushroom ba ito? Bigla bigla na lang sumusulpot? At bakit hindi ko namalayang kasunod ko na pala siya? Where’s my instincts?
Dahil sa inis sa sarili ko ay naibato ko sa dibdib niya yung ID at tumakbo palayo. Ughh! Hello first day! Nice one you just ruined my mood. Bullshit.
Keaton’s POV
What was that? Kinuhanan ako ng yossy, ginulat ako sa biglang pagsulpot niya, kinuha pa yung ID ko tapos ngayon? Binato ako ng ID? What is her problem? Seriously? Tinakbuhan talaga ako? Hold that thing missy, promise babawian kita.
20 minutes na lang at may klase na. So I went to the SCB room, para kuhanin yung mga iba pang announcement sa bulletin board. May nakita akong folder ng mga pangalan at pictures ng mga transferees dito, dahil na rin siguro sa pagiging curious ko ay tiningnan ko kung may transferee ba sa grade 10. And then I saw her picture and her name.
Alexa Blaze Guentamor Mendoza – Grade 10 – Section B. Gotcha! You’re dead.
BINABASA MO ANG
Faded Memories
Teen FictionSi Alexa Blaze Mendoza ay simpleng babae ngunit kakaiba. Kung ikukumpara siya sa mga normal na babae ay malaki ang makikitang diperensya dito. Si Alexa ay isang babaeng may sariling prinsipyo sa buhay, babaeng hindi basta basta nagpapdala sa kanyang...