Kabanata 3
Alexa’s POV
Wala naman kaming masyadong ginawa sa araw na ito. At dahil nga first day of school syempre magpapakilala lang ang tanging gagawin sa maghapon. May mga nakipag kaibigan na sa akin, si Cookie at Jennifer. Akala ko pa nga mahihirapan akong makahanap ng makakausap, hindi naman pala dahil sila ang unang lumapit sa akin.
Uuwi na sana ako para makapag pahinga na agad pero niyaya ako nina Cookie na manood muna ng basketball. Nung una ay nag alinlangan pa ako pero pumayag na rin dahil gusto ko rin silang makilala ng lubusan.
“Alam mo ba Alexa, sobrang hot ng mga basketball player dito! Kaya nga dito ako nag high school e.” Kilig na kilig na sabi ni Cookie with matching talon talon pa.
“Hay nako Alexa, wag kang masyadong magdidikit dyan kay Cookie kung ayaw mong mahawaan ng topak niyan.” Pabirong sabi ni Jen, ngumiti na lang ako ng pilit dahil nangangapa pa ako sa kanilang dalawa. Siguro kung magtatagal kaming magsasama-sama ay masasanay na rin ako sa kanila.
Wala pa kami sa court ay naririnig na naming ang hiyawan ng mga tao doon. Agad na hinila kami ni Cookie para daw makasingit at makahanap kami ng upuan. Nang makarating kami sa court ay buong estudyante ata ng igh school ang tumumbad sa amin. Agad na nakahanap ng pwesto si Cookie at Jen kaya pumunta agad kami doon.
“Kaninong school ba ito? Bakit parang hindi naman naka uniform yung mga players?” Tanong ko sa kena Cookie at Jen.
“Hindi labanan ng school yan, pustahan yan Alexa.” Sagot sa akin ni Jen, si Cookie naman ay titig na titig sa mga players. Wala na rin akong nagawa kung hindi manood sa game.
Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kabilang team dahil ang galing nung Hernandez. Madalas siyang nakaka tres samantalang ang kabilang team naman ay parang walang gana kung mag laro. 91-70 na ang score at patapos na ang third quarter ng biglang may naghiyawan.
“Andyan na si Keaton!! Woooooooooo!! Go Ferrer! We love you!!!” Sigaw ng mga babaeng nasa court.
“Keaton? Ferrer? Huh! Akalain mo nga namang player pala yun?” Nasabi ko na lang ito out of the blue. Bigla namang napatingin sa akin si Jen at Cookie.
“Alexa! Ano ka ba? Siya kaya ang pinakamagaling mag-basketball sa school natin.” Sabi ni Cookie na kinilig na naman. Si Jen naman ay tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cookie. Tumango na lang din ako para makapanood na ng basketball pero hindi pa rin maalis sa akin ang mahiya at mainis sa lalaking iyun.
Nagsimula na ulit ang game, pero lumabas muna yung Hernandez para sa water break siguro. Kahit na kakapasok pa lamang nung Ferrer na yun sa court ay nakatatlong puntos na agad siya. Agad na nagtilian ang mga babae sa pinakita niyang gilas sa court. Hindi lang iyun, halos hindi na nga mahawakan ng mga kalaban nila ang bola dahil malimit silang naaagawan ng bola ni Ferrer. Naging masigla na rin ang kanilang team dahil nakakahabol sila sa score ng kalaban.
Nang matapos ang third quarter ay nag time out muna sila. Lumakas ang hiyawan ng mga cheerer ng kanilang team dahil siguro nakita nilang ginaganahan na muli ang players nila. Huling quarter na at ang score nila ay 91-85 kabilang team pa rin ang lamang ngunit hindi pa nadadagdagan ang score nila. Pinasok na muli nila si Hernandez at nagsimula na namang maghiyawan ang mga tao sa paligid.
Sa puntong ito ay halos nagkakadikit lamang ang puntos nila. Halinhinan palagi si Hernandez at Ferrer tuwing titira sila. Parehas din silang magaling mang agaw kaya medyo nahihirapan ang bawat isa sa kanilang team. Dalawang minuto na lamang at ang score nila 115-117 in favor of team Hernandez.
Hindi ko alam ang nangyayari pero sa mga oras na ito ay ang bawat sa kanila ay sineseryoso ang laro. Ganun na ba sila nangangailangan ng pera? Gaano ba kalaki ang perang mapapanalunan nila dito? Last ten second na lang pero ganun pa rin ang score, nakay Hernandez ang bola pero naagawan siya ni Ferrer kaya agad nitong itinakbo ang bola para makashoot sa tatlong puntos. Pagkashoot niya ay ang pagtapos ng oras. 118-117 ang score nila at aminin man nila o hindi pare parehas silang nahirapan.
Tuwang tuwa ang team nila sa pagkapanalo nila, idamay na rin yung mga taong sa kanila kampi.
“Ang galing talaga ni Keaton my baby! Siguro kung hindi siya dumating ay natambakan na ang team nila. Proud girlfriend here!” May pahabol pang hagikhik si Cookie matapos niyang sabihin ito.
“Mas magaling kaya si Jacob Hernandez! Nagkataon lang na pagod na siya no! Partida na yun, sa lahat ng quarter ay nakapasok siya.” Dumila pa si Jen kay Cookie. Nagtalo pa ng kaunting oras yung dalawa hanggang sa nag sawa na rin sila.
“It’s getting late guys, I need to go. Bye guys! Andyan na sundo ko e.” Nagpaalam samin si Jennifer.
“Hmm. Alexa I want to bond with you pa, kaso may family dinner pa nga pala kami. I’m sorry I need to go too.” Sabi sa akin ni Cookie na may halong lungkot sa muka.
“No, it’s okay. Sige, ingat ka ha?”
“Gusto mo bang sumabay na? Ipapahatid na lang kita sa driver namin.” Nang dahil na rin siguro sa hiya ay hindi na ako pumayag. Mas okay na sa akin mag biyahe kesa makaabala pa sa kanila.
Keaton’s POV
Pagkatapos ng game ay napagdesisyunan kong mag shower muna, may victory party daw kasi sa bar sabi ng mga kateam ko. Paglabas ko ng shower room nakasalubong ko si Jacob Hernandez.
“Nice one. Nakatiyamba ka dun ah.” Payabang niyang sinabi. Hindi ko siya inintindi kasi sinasayang niya lang ang oras ko. Lalagpasan ko na sana siya kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Makakaganti din ako sayo Ferrer, wag ka munang mag yabang.” Tiningnan ko lang siya tapos tinanggal ko yung maruming kamay niya sa braso ko. Naglakad na ako papuntang parking lot para makasunod sa mga team mates ko.
Habang nagda-drive ako nakita ko yung babae kanina, what’s her name again? Basta yung babaeng basta basta na lang sumusulpot. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaisip ng paraan para mabawian siya.
Itinigil ko muna ang sasakyan ko para mapalayo siya ng unti sa sasakyan ko. Nang makalayo na siya sa akin, saka ko tinapakan ang gas para bumilis ang takbo nito saka ko sinabayan ng mahabang busina. Sa gulat niya ay dali dali siyang tumabi kaya nahulog siya sa kanal. Eww, there’s no reason na pasasakayin kita sa kotse ko. Tumigil ako saglit para lalo siyang maasar, binuksan ko yung bintana ng sasakyan ko nakita ko yung muka niyang inis na inis na.
“Sorry miss, hindi ko sinasadya. I didn’t know na may tao pala.”
Alexa’s POV
Fuck!! Nakakainis! Nakakainis! I’ll kill you Ferrer! I’ll kill you! Sa inis ay nag arkila na ako ng tricycle kahit na medyo mahal ito. Hindi ko matatagalan ang dumi at baho na nasa katawan ko.
Pag uwi ko buti na lang wala pa sina Mommy at Papa, dahil siguradong papagalitan ako ng mga yun kapag nakita nila ang itsura ko pati na rin ang nangyari sa uniform ko.
“Fuck you Ferrer! I’ll kill you! Curse you to death!” Paulit ulit ko itong sinasabi habang naliligo ako. Heck! Ang sama pala ng ugali nun! Ughh!! Dahil sa ginawa niya, imbis na makapag pahinga ako ay kailangan ko pang labhan ang uniform ko para hindi malaman nina Mommy ang nangyari sa akin.
I promise to you Ferrer, pagsisisihan mong ginawa mo ito sa akin. You and your car should pay for the damage you had cause!
BINABASA MO ANG
Faded Memories
Ficțiune adolescențiSi Alexa Blaze Mendoza ay simpleng babae ngunit kakaiba. Kung ikukumpara siya sa mga normal na babae ay malaki ang makikitang diperensya dito. Si Alexa ay isang babaeng may sariling prinsipyo sa buhay, babaeng hindi basta basta nagpapdala sa kanyang...