Entry 04: The Return of Ariela at Charm Academy

10.1K 464 99
                                    

This is what happened when Ariela went back to Academy after the war between Augury and Charm Academy...... ( Later you will find out why i started it here ^-^ )

***

JETT'S POV

Lumabas ako ng classroom namin kase naiinis ako sa matandang yun. Ilang beses na nya akong pinapaulit-ulit na pinagte-take ng exam na yun.

Habang naglalakad ako sa hallway palabas napatigil ako bigla kase may narinig ako na tumatakbo, kaya napatunghay ako at napangiti dahil nakita ko ang pinaka importanteng babae sa buhay ko at iyon ay si Ariela Davis. Umiiyak sya habang papunta sa akin, hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko, pero pinunasan ko din agad iyon dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Akala ko hindi ko na siya makikita pang muli pagkatapos ng nangyari noong sumugod kami sa Augury. At ngayon nandito sya sa harapan ko, nakatayo habang kayakap ako.

"wag ka ng umiyak papanget ka" sabi ko sabay ngiti

"Akala ko kasi *sob* hindi na *sob* kita makikita ulit *sob* akala ko *sob* hindi ko nagawang iligtas ka *sob*" sabi nya habang patuloy na umiiyak pa rin

"Akala mo lang yun pero heto ako nakatayo sa harap mo para patunayan na mali lahat ng inakala mo" hinalikan ko sya sa forehead at niyakap muli

Sobra syang humagul-gol kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit para iparamdam na hinding-hindi na ako mawawala sa tabi nya...

ARIELA'S POV

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit ang taong nagsusungit sakin, ang taong muntik ng magpahamak sa akin, ang taong hindi marunong ngumiti, ang taong sobrang sakit sa ulo ng mga teachers sa Academy at higit sa lahat ang taong nagpaiyak ng sobra sa akin. Sa kabila ng mga hindi maganda niyang ipinakita sa akin, siya pa rin ang taong nagturo sa akin na maging matatag at matapang. Siya din ang dahilan kung bakit ako nagmamahal ngayon ng sobra....

"Jett" tiningnan nya ako ng derecho sa mata

"Mahal na mahal kita, maraming salamat" sabi ko sabay halik sa lips nya

Maya maya ay kumalas sya sa kiss namin at hinawakan ako sa dalawang pisngi habang nakatingin ng derecho sa mga mata ko..

"Mahal na mahal din kita at hindi ko hahayaan na magkahiwalay pa tayo" seryosong sabi ni Jett sa akin

Niyakap ko sya, sobra akong natuwa nung malaman ko na mahal na mahal din pala ako ni Jett. Hindi nya lang alam kung paano nya ako napasaya..

"Hep hep tama na muna yan tara muna sa dorm Ariela alam ko na pagod ka kaya magpahinga ka muna" napatingin ako sa likod ko ng marinig kong sinabi yan ng isa sa matalik kong kaibigan dito, walang iba kundi si snow.

THIRD PERSON'S POV

Bago pa man ang nakatakdang araw ng pagdating ni Ariela sa Academy ay alam na ito ng lahat. Tumawag kasi ang Lola ni Ariela kay Serena para ipaalam na unti-unti ng bumalik ang charm ni Ariela. Ito ay naganap isang linggo bago pagdesisyunan ng Lola nya na ibalik sya sa Charm Academy. Kaya naman nagdesisyon ang lahat ang ng mga teacher's na magkaroon ng malaking celebration. Iyon ay gaganapin ngayong gabi eksakto sa pagdating ni Ariela. Naghahanda na ang lahat para sa celebration habang si Ariela ay nasa dorm lang ayaw palabasin nina Snow, Lily at Layla. Na syang ipinagtaka ni Ariela, 6 PM magsisimula ang party at 3 PM na pero hindi pa din nila naaayusan si Ariela dahil hindi nila pwedeng sabihin na may surprise celebration para sa kanya. Pupunta dun sina Headmaster Cray, Georgia at Grimrose kasama ang Lola nya.

Charm Academy One Shot Making ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon