Kristein
"what now Uncle Ern?" walang emosyong tanong ko sa lalakeng nakaupo ngayon sa harapan ko.
His goons suddenly knocked on my bedroom door, at sa pagaakala kung importante yun ay dali-dali kung binuksan ang pinto, yun pala pinapatawag lang ako tsk.
"how are you?" tanong niya habang diretsong nakatingin saakin.
he's trying to read my emotions tsk.
"I'm doing fine, for now." walang ganang tanong ko sakanya.
tumango-tango ito at kinuha ang folder na nakalagay sa mesa, may kinuha ito doon at tiningnan ito.
"its good to hear that you're doing fine." sagot nito ngunit hindi ako tiningnan man lang.
its funny to think that despite of what happened, he was still able to act normal, but I know that he was just hiding the pain he was feeling, he was the kind of person who didn't show any emotion.
"what about you?"
napahinto ito dahil sa tanong ko. ibinaba nito ang hawak na papel at inalis ang salamin niya and then he sighed. I knew it, he's not okay. sino ba ang magiging okay kapag may nawala sayo na sobrang importante? kahit ako ay magpahanggang ngayon ay hindi pa din tanggap ng sistema ko ang nagyari, parang kaylan lang kasama ko pa siya.
he looked at me.
"the truth? I would like to lose and cry Kristein, I lost my daughter. pero kaylangan kung maging matatag, and I'm sure hindi magugustuhan ni Kristel na makita akong ganito." and now I can clearly see his emotion.
tama siya, hindi gugustuhin ni Kristel na makita siyang ganito, si Kristel ang klase ng tao na masayahin, ayaw niyang may mga taong nalulungkot, and how come na may may gustong pumatay sakanya? walang naging kaaway si Kristel dahil mabait ito, kung sino mang demonyo iyon ay siguraduhin niyang magtago siya ng mabuti, the soler will hunt him down.
"I know how you feel, but we can do nothing but look for the demon in whom it is working. bakit mo nga pala ako pinatawag? yung mga goons pa talaga ang inutusan mo."
I tried to change the conversation between us, it happened already, wala na kaming ibang magawa kundi ang tanggapin iyon. tutulong ako sa paghahanap sa pumatay kay Kristel, magdasal na siya na sana ay hindi ako ang makahuli sakanya, dahil kapag ako ang nakahuli sakanya, babalatan ko siya ng buhay, at kapag sinabi ko, gagawin ko, demonyo siya pero mas demonyo ako.
"I want you to enter Crimson Academy."
tila nabingi ako sa sinabi niya. wait, he wants me to enter that place? what for? alam ko ang tungkol sa lugar na iyon dahil madalas ikuwento saakin ni Kristel kung anong klaseng lugar ito. ang Academy na iyon ay para sa anak ng mga nabibilang sa Underground Organization, iyon ang nabanggit ni Kristel saakin kaya iyon lang ang alam ko, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung paano niya nalaman ang bagay na iyon? ang sabi din niya ay patago ang lugar na iyon, how come alam niya ang tungkol dito? at bakit ako papasukin doon? paano ako makakapasok? kasapi ba si Uncle Ern sa Underground Organization? damn, I badly need an answer.
"you're very quite. it seems like you already know about that place."
I looked at him intently. anong alam niya sa lugar na iyon?
"Kristel mentioned it to me. how come she knew about the existence of that place? suspicious right?"
napangisi ako nga mag-iwas siya ng tingin. matalino nga siya ngunit mas matalino ako tss.
"now tell me Uncle Ern, bakit alam niyo ang tungkol sa lugar na iyon?"
tumingin ulit siya at huminga ng malalim, I don't know pero kinakabahan ako sa mga malalaman ko. ngayon ko lang napansin na wala akong alam kung ano ang mga nakapaligid saakin, I used to study here at home, bilang lang ang mga pagkakataong nakakalabas ako dito, puro mga pagsasanay at pagaaral lang ang ginagawa ko, parang pinalaki nila ako na isang mandirigma. si Kristel ay madalang ding nakakapunta dito sa bahay ngunit kahit ganun ay malapit pa din kami sa isa't-isa, marahil siguro'y sabay kaming lumaki, ang pinagkaiba lang, ang turing sakanya ay prinsesa habang ako ay mandirigma. lumaki siyang masayahin at ako lumaking hindi nagpapakita ng emosyon, ang layo ng pinagkaiba.
"Kristein, I belong to the Underground Organization, ang Kristel used to study in Crimson Academy."
pumikit ako ng mariin. kaya pala, kaya pala ang daming alam ni Kristel tungkol sa lugar na iyon.
nagmulat ako at tiningnan siya ng masama.
"what else are you not telling me? you make it illegal to keep a secret in this house, then you too will violate it. you amaze me."
hinilot nito ang sintido at muling tiningnan ng papel na hawak niya.
"si Kristel, hindi siya nilason. namatay siya sa loob ng Crimson Academy."
napahigpit ang pagkakuyom ng kamao ko, everything around me is a lie, now I don't know what to believe. and then it hits me, ni hindi ko nga alam kung isa nga ba talaga akong soler, lumaki ako na hindi kilala ang mga magulang, posible bang hindi ako kabilang sa pamilyang ito?
"I'm sorry Kristein."
umiling ako.
"sino ba ako para malaman ang mga yan? ngayon sabihin mo saakin kung bakit namatay si Kristel sa loob ng lugar na iyon?"
humigpit ang hawak nito sa papel, nakikita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata nito.
"I can't tell you, at kahit sabihin ko ay hindi mo pa din maiintindihan."
Kapag pumasok ako sa lugar na iyon, masasagot ang lahat ng tanong ko, lalong-lalo na kung mahahanap ko ang lalakeng kinukuwento saakin ni Kristel, base sa kuwento niya ay malapit sila sa isa't-isa ng lalakeng iyon, madali ko itong makikilala kapag nakita ko ito dahil minsan ko nga nakita ang larawan nito sa loob ng bag ni Kristel. ang lugar na iyon ang sagot sa lahat ng katanungan.
"papayag akong pumasok sa lugar na iyon."
parang nabuhayan ito dahil sa sagot ko.
"good. alam kung papayag ka, bukas ka pupunta sa lugar na iyon, aayusin ko ngayong gabi ang mga papeles mo."
tinanguan ko lang siya at walang paalam na lumabas, wala ng rason para manatili ako. ng makita ako ng mga goons ay nagsiyukuan agad ang mga ito. huminto ako saglit at tiningnan sila isa-isa.
"the next time you knocked in my room make sure na hindi niyo ako naiistorbo. do you understand?"
"yes Young Lady!"
nagsimula na akong naglakad paalis.
"Magkaiba talaga sila ni Young Lady Kristel."
"Nakakatakot siya."
magkaiba talaga kami.
Si Kristel ay anghel, habang ako demonyo.
_________________
BINABASA MO ANG
The Duchess
Action"She is the Duchess, the most powerful" This story is just the author's fiction. any of those who are perfectly analogous to the real event are accidental. again, these are just fictional characters by the author. This is the first story that I mad...