Sa mundong magulo
Sa mundong kinagagalawan ko
At sa mundong pabago bago
Iniisip ko kung ba't ako nandito
Ano bang halaga ko sa mga tao
Isa lang naman ako pangkaraniwang tao
Naghahanap ng kasagutan kung ano ba ang totoo
Minsan ko ding naisip, ano bang mali sa aking pagkatao
Akoy namumuhay lang naman ayon sa aking gusto
Ngunit madaming humahadlang sa kasiyahang ninanais ko
Mga tao o bagay na di naman dapat ako magpaapekto
Dahil sarili ko lang naman ang syang kakampi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/196123679-288-k3d40e7.jpg)