Prologue

34 4 0
                                    

Tinakpan ko na lamang ang aking tainga dahil sa lakas ng boses nila. I tried to stop him, I tried to save my mom from being hurt, but I'm not enough. I just want them to stop. Kung hindi sila napapagod, ako ang pagod na pagod na.

"May anak na tayo, Fernan. May anak na tayo pero pinaghihinalaan mo pa rin ako." nasasaktan na sambit ni Mama. Hindi ko maintindihan ang ibinibintang ni Papa. Ako ang laging nakakasama ni Mama, bakit hindi siya maglaan ng oras sa akin at ako naman ang kaniyang tanungin?

"Hindi ako maniniwala kahit kailan sa 'yo, Celia. Dahil nakagawa ka na ng kasalanan na kasama ako. Hindi na nakapagtataka kung gagawa ka ulit ng kasalanan, kasama ng iba pang lalaki."

Anong kasalanan ang sinasabi nila? Ito, ako. I was 8 years old when I finally realized that we're the second family. Nadulas ang papa ko, at noong magtanong ako ay tsaka lang s'ya nagpaliwanag.

Funny, isn't it? Ang mga taong kayang lumusot ay nakapagsisinungaling pa at ang mga taong wala ng lusot ay napipilitan magsabi ng totoo.

"Uuwi ako dito kung kailan pwede! May asawa ako at mga anak na naghihintay sa akin, hindi pwedeng lagi akong nandito."

Sabay kaming umiyak ni Mama noon. Hanggang sa maging manhid na kami. Hindi man kami dalawin ng isang Linggo ay wala na kaming pakielam doon.

Hanggang sa magpakita ulit s'ya sa amin. Galit at nagwawala. Nakikipaghiwlaay na kasi s'ya kay Mama at balak n'ya pa akong kunin. As if naman na sasama ako sa kaniya.

May plano na ako kung paano mabubuhay ng walang ama. May balak na akong kalimutan s'ya. Ngunit siguro nga masaklap talaga ang tadhana sa akin. Bigla na lang kasing kinuha si Celia, ang aking nanay, sa akin.

Pinangako ko sa sarili na hindi ako uulitin ang pagkakamaling nagawa ng aking ina. Mahal ko siya, ngunit hindi ko mapigilan ang sariling sisihin ang lahat sa kaniya.

Kung hindi ka lang naging kabit.

Furtive ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon