[Zyrish]
*KRIIIING*
Napabalikwas ako sa higaan ko. What the hell? Anong araw na ba ngayon? Kinuha ko ang phone ko para icheck what time is it and kung anong araw na. Oh, it's sunday na pala and kailangan ko ng bumangon dahil byabyahe pa ako papunta sa bahay na titirhan ko for my whole college life.
Wait..what? COLLEGE NA AKO? MYGAD BAKIT ANG BILIS NG PANAHON? HUHU! Ayoko pa! Mama!
Pero siyempre as if naman may choice ako diba? This is life. I must deal with it. Bumangon na ako sa higaan at dumeretyo sa may bathroom para maghilamos. Pagkatapos ko maghilamos ay tumunganga muna ako sa may harap ng salamin. Ako ba talaga 'to? I have totally changed my appearance. From nerd looking to a hot chick real quick. Ang yabang ko 'no? Hot chick talaga! HAHAHAHA!
Naligo na ako and prinepare ko na yung mga maleta ko at binaba na. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Mama na nag-aayos ng almusal namin.
"Good morning, Ma!", then I kissed her on the cheeks, "Ready na ba lahat ng mga gamit mo?", she asked me.
"Yes naman po. Mga damit ko na lang po ito kasi nakapag-ayos na ako ng ibang gamit ko du'n sa kabilang bahay eh.", I answered then kumuha na ako ng fried rice and bacon.
"Basta Zy ah, yung mga bilin ko sa'yo lagi mong tatandaan." Paalala ulit ni Mama sa'kin, "Yes, Ma! I know na po 'yan! You already remind me like a thousand times na!" Sagot ko sakaniya.
"Mabuti naman. Kahapon pa daw nandoon ang mga kaibigan mo. Bilisan mo na diyan para hindi ka tanghaliin sa byahe." Sabi ni Mama. Binilisan ko naman ang pagkain ko at ilang minuto lang ay tapos na ako.
"Sige, Ma. Alis na po ako. Ingat po kayo lagi ni Papa dito ah?" Sabi ko kay Mama, "Oo, anak. Ikaw din mag-iingat ah! Study hard, young lady."
"I will. Bye! I love you!" Sigaw ko kay Mama kasi nasa loob na ako ng kotse ko, "I love you too, darling!" Narinig kong sagot ni Mama.
Pinaandar ko na ang kotse at nagtungo na sa bahay na titirhan ko with my high school friends. Hindi na ako nagpahatid sa driver namin dahil alam kong may work pa si Mama, baka malate pa siya kaya ako na lang ang nagdrive.
Ilang oras lang ay nakarating na ako sa may tapat ng bahay namin. Pinark ko lang ang kotse sa tabi at bumaba na. Hindi ko muna binaba mga gamit ko at agad na pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman gaano kalaki ang bahay na 'to pero hindi naman din maliit para sa'ming lima.
Dito pa lang sa may gate ay rinig na rinig ko na ang sigawan at iritan na galing sa loob ng bahay. Hala? Anong nangyayari sa loob? Nagkakagulo na sila doon jusko.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ang mga kaibigan ko na naghahabulan sa may sala. Dahil sa pag-eenjoy nila ay hindi nila napansin na nakapasok na ako sa loob
"Hindi ko alam na sa playground pala ako napunta?" Bigla kong sabi kaya napatigil sila sa paghahabulan at napatingin sa'kin, "ZY!!!", sabay sabay nilang sigaw and then patakbong lumapit sa'kin to give me a group hug, "Hindi niyo naman ako namiss, 'no?" Pang-aasar ko sakanila pero ang totoo namiss talaga namin ang isa't isa. Though kahit two months ago lang nung huli kaming nagkita kasi nga naging busy kami sa sari-sariling family at pag-aasikaso para sa college."We missed you, Zy!", that's Vanessa. Siya ang pinakaclose ko sa aming lahat. Napakalakas ng boses niyan and chismosa din...minsan.
"How's tito and tita?" Gab asked me, "They're fine as always." I answered. That's Gab. Siya naman ang pinakapilosopo and sarcastic saaming lahat. Sarap na ngang itapon sa ilog 'yan minsan eh.
"Ay guys! Good news pala! Nakuha ko na yung schedules natin and fortunately, magkakaschedule tayo!" Lyka said to us. Wow! Mabuti nagawan nila ng paraan yu'n. Even though magkakasama na kami sa high school still, hindi kami nagsasawa kaya hanggang college ay magkakasama kami.