[Zyrish]
Nakaorder na kami ng pagkain kaya eto at ang gulo nila sa table. Jusko nagsama sama ba naman ang mga taratitat! Nanguguna na dito sina Van. Sinasabayan pa nina Matt.
Kaming tatlo lang nina Chad at Lucas ang walang imik. Hindi ko sure kung bakit pero ang awkward lang talaga. Pa'no ba naman 'tong hayop kong ex, kung makatitig eh wagas!
"Oy! Ang tahimik niyong tatlo ah?", ayan na...saamin na napunta ang atensyon nila. Napaka talaga nitong si Van! Nananahimik na nga kami, ginugulo pa!
"Kaysa makisali pa kami sainyo? Magigiba na 'tong caf sa sobrang gulo niyo eh.", sabay irap ko sakanila.
"Ay ang sungit ni ate! Meron ka, Zy?", nang-aasar na tanong ni Gab, "Shut up.", pagsusungit ko.
"Sungit mo talaga, Zy! Etong dalawa na lang ang gisahin natin.", sabay ngisi ni Van. Uh oh...baka kung ano ano ang itanong ng mga 'to!
"Hi Lucas! Long time no see!", masiglang bati ni Van, "Two months lang naman tayong hindi nagkita ah?", sagot nito.
"Ano ka ba! Mahaba din ang two months! Tingnan mo nga nakamove on na si---"
"Vanessa.", I used my warning tone. Ang daldal kahit kelan nitong si Van!
"Okay, sorry. Hehe.", sabay peace sign ni Van. Ngayon naman ay si Gab ang nagsimula ng tanong, "So Lucas...kumusta na kayo ni Ella?", Ella is Lucas' girlfriend way back high school. Ewan ko na lang kung sila parin hanggang ngayon.
"Wala na kami.", maikling sagot ni Lucas. Halatang nagulat sina Gab. So, hiwalay na pala sila? Akala ko forever na sila eh! Mahal na mahal kasi nila ang isa't isa. Note the sarcasm.
"Oh? Anong nangyari? Kwento naman diyan!", eto na nga sina Larah, nakisali na.
"Narealize ko lang na iba pala talaga ang mahal ko. Naging bulag lang ako para marealize agad yo'n. At nung narealize ko na...mukhang huli na ang lahat.", namamalikmata lang ba ako or nakatingin talaga sa'kin si Lucas? Ay jusko, Zyrish Amber! Don't assume things. Diyan ka nasasaktan eh.
"Ohh..fishy.", makahulugang sabi ni Van habang nakatingin din sa'kin, "What?", nakataas kilay kong tanong dahil nakatingin sila sa'king lahat.
"Nothing!", sabay sabay nilang sagot except sina Lucas at Chad. Wow, nagpractice?
"Ikaw naman, Chad! Since ngayon ka lang namin nakilala, iinterrogate ka din namin! Okay lang?", muling pagsisimula ni Lyka.
"Okay lang naman.", sabay ngiti niya, "Great! So, matagal na ba kayong magkakilala nitong sina Lucas?", tanong ni Van.
"Uh yes, childhood friend ko si Lucas tapos pinakilala niya ako sa mga ugok na 'to nung grade school kami. Ako lang ang nahiwalay sakanila because of some family issues.", sagot ni Chad.
"Ah, okay! So, punta na agad tayo sa love life mo...may girlfriend ka ba ngayon?", tanong ni Gab, "None.", maikling sagot nito. Oh? Wala siyang girlfriend? Parang imposible naman! Sa gwapo niyang 'yan? Mabait at gentleman pa!
"Ay gano'n? Bakit?"
"Maybe..I'm just waiting for the right girl to come.", seriously...what's wrong with my eyes? Nakatingin ba talaga sa'kin si Chad?
"Tama na 'yan! Magta-time na oh! Punta na tayong roon.", sabi ko kaya nagsitayuan na kami sa upuan. Inayos ko muna yung inupuan ko tiyaka sumunod kina Van.
Pero...sa kamalas malasan nga naman, nadulas pa ako!
"Waah!", napapikit na lang ako at inabangan na lumagapak ang katawan ko sa sahig pero imbis na matigas na sahig ay may brasong umalalay sa'kin. Dinilat ko ang mata ko at nakita ang napakagwapong mukha ni Chad.
