Here are some of the Poetry that I made:Hope you like it😍
Poetry013
Through
You can see through
See through that smile
You can seeYou can see through
See through that eyes
You can seeYou can see through
See through that laugh
You can seeYou can see through
See through that "hey"
You can seeYou can see through
See through that "I'm okay"
You can seeYou can see through
See through that "bye"
You can seeYou can see through
See through that tear
You can seeYou can see through
See through that girl
You can seeYou can see through
See through that
You can see
But you just didn'tPoetry012
Mahal kita
Mahal kita. Siyam na letra, dalawang salita
Tema ng aking tula
Bukambibig at pananalitaMahal kita. Siyam na letra, dalawang salita
Halinat mag umpisa sa Simula
Kung saan pinagtagpo tayo ni tadhana
Ako'y nakadungaw sa bintana
Tanaw ang magandang tanawin ng maynila
Nandun ka sa ibaba
Masayang nakikisalamuha
Magandang ngiting nakakahalina
Mga matang nanghihila ng kaluluwa
Sa aki'y nag papaligaya
Tanaw sa malayo'y may nahinuha
Ng Sandaling iyo'y naniwalaMahal kita. Siyam na letra, dalawang salita
Dumako tayo sa pangalawa
Heto ako't masayang tumatawa
Kasama ang aking pamilya
Nahigit ka ng mata
Na nakamasid sa aking kaluluwa
Ako'y dumistansya sa pamilya
Nagpaalam na magpapahinga
Tumuloy at nagpatiuna
Ikaw ang unang lumapit at nagpakilala
Puso ko'y d na makalma
Na tila nakikipag-karera
Isang ngiti galing sayo'y ako'y sumuko naMahal kita. Siyam na letra, dalawang salita
Pangatlo, punong puno ng ala-ala
Mga panahong kasama ka
Puno ng saya't pag-asa
Perpektong ala-ala
Lubusan kang nakilala
Lumalim lalo ang nadarama
Nais kang laging kasama
Nababahagian ng problema
Nakikinig sa payo't paalala
Isang ngiting nakakahalina
Mga matang nanghihila ng kaluluwa
Sandaling ika'y kasama
Punong puno ng ligayaMahal kita. Siyam na letra, dalawang salita
Ika-apat. Ito na
Kumbaga sa pelikula
Ang climax ng istorya
Isang normal na umaga
Sariwa ang hangin at ang araw ay d alintina
Nakadungaw sa bintana
Tanaw ang magandang tanawin ng maynila
Ikaw ay nasa baba
Masayang nakikisalamuha
May ibang kinang sayong mata
Habang may pinapakilala
Mga matang nanghihila ng kaluluwa
Agad na dumungaw sa kanya
Puno ng emosyon at saya
Nagsisigaw na akin siya
Siya'y pag-aari na ng iba
Puso ko'y may ibang nadama
Tila ba hindi makahinga
Sakit na ngayon lang nadama
Gumiba sa kanyang pag-asa
Perpektong ala-ala
Mga panahong kasama ka
Mga saya't pag-asa na aking nadama
Mananatili na lang na alala
Sa pagitan nating dalawa
Nating dalawa
Ay Mali,
Niya at ako pala
Wala namang namamagitan saming dalawa
Asyumera lang talaga
Malinaw nman sa umpisa
Ako lang ang umaasa
At nag tanim ng malisya
Sa mga gawi niyang makalaglag panga
Masisisi mo bang tanga-
Ang taong umasa?
BINABASA MO ANG
Mi Adventura Para sa Ekonomiya
RandomAng librong ito ay naglalaman ng aking pang araw araw na pakikipag sapalaran, pakikipag kapwa tao, pang araw araw na buhay at mga kalokohan, in short talaan po ito ng mga madrama-rama sa umagang pamumuhay ng isang dilag na nag ngangalang... Itago nl...