Chapter 3: Amazing kiddo

7 1 0
                                    

Lucas POV

Nandito ako sa Condo namin, actually apat kaming nakatira dito. Ako at yung mga ka gang ko na mga siraulo. Ang boring talaga dito, maka pasyal nga sa park.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Nathan--ang leader ng gang namin na kakalabas lang ng kwarto niya.

"Park" tipid kong sagot. Hindi ko naman ugali ang makipag usap ng mahaba eh. Kaya sa school binansagan nila akong "Silent Prince" kasi ang tipid ko daw magsalita at ang tahimik ko pa.

"Park? Sama ako bro!" Sabat naman ni Marvin na kalalabas lang din ng kwarto niya. Isa pa tong gong gong na to eh! Napaka babaero neto, kaya wag kayong maakit sakanya. Playboy po yan!

"Well, ako pa ba magpapahuli? Sama din ako bro!" Sabi ng unggoy este ni Marky. Walang kwentang kausap kase to, wala kang mapapala dito pag ito kasama mo.

"Tss" ismid ko at nauna nang lumabas. Nagsitakbuhan naman ang mga siraulo, pati si Nathan naki takbo din eh.

Nilakad ko lang kase walking distance lang naman yung park sa condo namin. Habang naglalakad kami may narinig akong sigaw at mula pa ata sa madilim na part ng park na to. Teka! Boses babae!

"Narinig niyo din ba yun?" Tanong ni Marky.

Kaya binatukan siya ni Marvin.

"Malamang! Anong akala mo samin? Walang utak?" Sunod sunod na bulyaw ni Marvin.

Nauna na akong maglakad sa kanila, doon ko namalayan na isa pa lang batang babae at sampung..lalaki???na ang iba ay halos kabababa lang ng van.

Nagtago ako sa ilalim ng puno, madilim naman kaya sigurado akong di ako makikita. Nang maka pwesto na ako ay agad namang sumunod ang mga kasama kong siraulo.

"Isang batang babae?" Nagtatakang sabi ni Nathan.

"Hoy bata sumama ka samin!" Singhal ng isang lalaki na mukhang leader nila.

"I said no way!" Pagmamatigas ng bata.

Lalong nainis ang lalaki dahil sa katigasan ng bata.

"Ayaw mong sumama ah" sabi ng lalaki at ngumisi sabay labas ng dagger mula sa likuran niya.

"Ano! Hindi ka pa ba sasama?" Pananakot ng lalaki sa bata.

Pero tinaasan lang siya ng kilay ng bata.

"Why you're so makulit? I said NO!" Inis na sabi ng bata. Na tila bang hindi natinag sa dagger na inilabas ng lalaki.

Bilib din ako sa batang to, di man lang natakot sa dagger.

" matapang ka ah, sige! Kunin niyu siya!" Utos ng lalaki

Agad namang sumunod ang mga kasama niya.

"Tulungan kaya natin, baka mapanu yung bata" suhestiyon ni Marky.

"Oo nga, tara!" Sang ayon ni Marvin.

Akmang lalabas na sana kami ng biglang sinipa ng bata ang lalaki na hahawakan sana siya, kaya naman tumilapon ang lalaki.

Lahat kami napanganga.

"T-teka! Bata ba talaga yan?" Parang di makapaniwalang sabi ni Marky.

"Grabe, ang lakas niya!" Manghang sabi naman ni Marvin.

Oo nga, ang lakas niya. Parang di siya ordinaryong bata, ibang klase. Hindi ko namalayan na nakahandusay na pala ang siyam na lalaki sa harapan ng bata. Yung natira ay ang lalaking may hawak na dagger.

Woah!

Agad na sinugod siya ng lalaking may hawak na dagger at dahil siguro sa pagka bigla ay nadaplisan ang bata sa kaniyang balikat.

"Aww"sambit ng bata.

Mabilis pa sa alas kwatro na naagaw ng bata ang dagger na hawak ng lalaki at agad na isinaksak sa dibdib ng lalaki. Humandusay sa lupa ang walang malay na lalaki.

" ang astig niya!"pagpupuri ni Marky.

Pero totoo, ang astig niya. Magsasalita pa sana si Marky ng takpan ni Nathan ang bunganga neto.

"Manahimik ka, may paparating" sabi ni Nathan.

Agad namang naalerto kaming tatlo. Maya't maya pa ay may dumating na isang van at tumigil mismo sa harap ng bata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Gangater Queen's RevengeWhere stories live. Discover now