"Hey friend, nabasa mo na ba yung nasa dyaryo kaninang umaga?," nakangiting tanong ni Sydney sa kanyang kaibigan at kitang-kita ang saya ang mga mata nito.
"Kailan ka pa natutong magbasa ng dyaryo aber?," balik na tanong ni Elaine sa dalaga. Alam niyang hindi ito ng babasa ng dyaryo dahil nakatutok lng ito sa mg social networking sites kapag hindi ito busy sa mga school activities nito.
"Actually sa intenet ko siya nakita pero, nakita mo ba?," tanong ulit nito at nakatitig na sa kanya. Pursigido talagang makita ang tinutukoy nito sa dyaryo.
"Showbiz o entertainment? Baka naman Lifestyle, ikaw ha mag-isip-isip ka muna ang hirap nang buhay ngayon wag kang padalos-dalos."
Alam niyang hindi naman ganun katanga ang kaibigan niya pero minsan talaga ay hindi niya mapigilang pagsabihan ito sa mga nagiging desisyon nito sa buhay.
"Hindi noh, ikaw talaga kung anu-anu ang iniisip mo. Akin na nga yang dyaryo," sabay hablot sa binabasa niya. Para itong may hinahanap na kung anu pero hindi niya mawari. Nagulat pa siya ng bigla itong nagtitili sa nabasa.
"Tama ako, Elaine. Look oh," turo nito sa isang artikulo sa dyaryo. Nang basahin niya iyon ay tungkol pala sa paborito nitong artista sa ibang bansa at pupunta ngayon sa Pilipinas. Kaya pala hindi magkandaugaga kaninang papunta sa kanya.
"So?," sagot lang niya.
"So?," panggagaya nito sa kanya. "Kailan ka ba ipinanganak ateng? Hindi mo ba nabasa ung nakasulat? Pupunta dito sa Pilipinas Si Seb my love ko!," pagdadrama nito. Hidndi niya maintindihan kung bakit nasisiyahan ito sa mga artista eh mga ordinaryong tao din naman sila katulad nila. Napapailing na lang siya sa inaasal ng kaibigan niya.
"Gusto mo bang sagutin ko ang mga tanong mo?," panghahamon niya sa dalaga.
"Hindi na baka humaba pa ang usapan natin mas maganda na ang Seb ko na lang ang pa-usapan natin, mas gaganahan pa ako," at tumingin ulit ito sa artikulong binabasa.
"Sino ba yang Seb na yan?," na-curious siya sa lalaking ito dahil hindi niya alam kung bakit pagtutuunan niya ito ng pansin. Kung sa mga balita mas alert pa siya pero pagdating sa showbiz na mga ganyan ay wala siyang gana.
Nakinig na lang siya sa kwento ni Sydney tungkol sa lalaking nag nagngangalang Sebatian Santelices. Sa murang edad ng lalaki ay nag-umpisa na itong lumabas sa mga commercial at paextra-extra sa mga tv series sa ibang bansa. Ayon sa kaibigan niya ay may dugong Pinoy ito at naghahanap ng magiging asawa. Nagpahula kasi ito sa ibang bansa at sinabi ditong sa bansang pinanggalingan ng kanyang ina matatagpuan ang babaeng nararapat dito.
"Interesado ka na ba sa kanya?," nakangising tanong ni Sydney sa kanya ng matapos itong magkwento tungkol sa idolo nito.
"Ayoko sa kanya."
"Anong ayaw mo sa kanya. Kung makikita mo lang siya baka kainin mo lahat ng mga sinabi mo," pagtatanggol nito sa sarili.
"Wala akong panahon sa mga ganyang bagay kaya pass muna ako," kinuha niya sa kamay nito ang dyaro at hinanap kung saan siya humintong magbasa.
Wala itong nagawa ng kunin niya ang dyaro sa kaibigan kaya binuksan na lang nito ang TV sa kanyang kwarto. Nabigla na naman siya ng tumili ito. Mababasag na talaga ang ear drum niya ng wala sa oras at ang may gawa noon ay ang loka-loka niyang kaibigan. Narinig niyang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto kaya tinungo niya ito at binuksan. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang ina. Dumadalaw ito sa kanya tuwing wala siyang pasok dahil hindi na siya nakatira sa bahay nila.
"Anu bang nangyayari dito at kanina ko pa naririnig muna sa labas na may sumisigaw," nag-aalalang tanong nito sa kanila.
"Wala po yon, Ma. Itong si Sydney kasi hindi mapigilan ang bunganga sa kapapantasya sa Seb of her life daw," diniinan pa niya ang pagsasabi ng salitang 'daw' para marinig ng kaibigan niyang nakatutok lang ang atensyon sa television.
"Ah, ganun ba," nawala na rin ang pag-aalala nito sa mga mata ng kanyang ina.
"Ma, wag kang mag-alala, okay lang kami, umuwi na po kayo baka mag-alala si Papa pag hindi kayo nakita sa bahay pagdating niya," sinubukan niyang ngumiti para sa kanyang ina at wag itong mag-alala sa kanya.
"Bakit kasi kailangan mong umalis ng bahay?" malungkot na tanong nito sa kanya. Noon pa man ay pinipilit na siya bumalik pero ayaw niya. Masaya na siya sa buhay niya na malayang-malaya at walang pinoproblema kahit papaano.
"Ma, you know ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis. Ako na ang nagsakripisyo para sa kanya. Sana po maintindihan niyo 'yon," paliwanag niya dito.
"I understand, sige alis na ako. Mag-ingat ka palagi, may iniwan akong pagkain tapos painit mo na lang pag gutom ka na," pagkasabi nito ay niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Thanks, Ma."
Inihatid niya ito hanggang sa gate at pumasok din sa bahay pagkakitang nakalayo na ang sasakyan nito. Muntik na siyang mapasigaw ng biglang lumitaw sa harapan niya si Sydney. Hawak-hawak nito ang dyaryo kung saan nakalagay ang artikolo tungkol sa idolo nito.
"Saan mo dadalhin yan?" nakapamaywang na tanong niya sa dalaga. Sigurado siyang gugupitin nito ang article na yun at isasama sa portfolio nito tungkol sa binata. Nakakasakit talaga ng ulo ang mga ito sa buhay niya.
"Pahiram muna, Elaine. Hindi ko pa kasi tapos basahin eh. Sige bye bye," patakbo na itong lumabas ng bahay. Hindi na niya ito napigilan dahil mabilis itong tumakbo. Kasama ba naman kasi ito sa track and field sa school nila kaya hindi na niya ito mahahabol pa. Napapakinabangan nito ang talentong iyon para makatakas pag may kinuha siya sa mga gamit niya. Buti na lang at hindi naman ganoon kaimportante ang mga yun at iniimbak lng niya sa tabi ang mga dyaryong binabasa niya.
Pailing-iling na lang siyang pumasok sa bahay at ibinagsaka ang sarili sa kanyang malambot na kama. Ipinatong niya ang kanyang braso sa kanyang noo at mariin ipinikit ang kanyang mga mata. Naalala niya ang mga araw na nasa bahay pa siya ng kanyang mga magulang. Lagi silang nag-aaway ng nakatatandang kapatid niya. Nasasaktan na rin siya nito minsan. Kulang na lang ay bugbugin siya nito para magtanda na dapat ang mas nakakalamang sa kanilang dalawa ay ang kanyang kuya. Hindi maitatangging matalino din ito pero dahil naaddict ito sa computer games at napabayan nito ang pag-aaral. Ayaw niyang sabihin sa kanyang mga magulang na pati ang pagda-drugs ay pinasok na rin ng kanyang nakatatandang kapatid kaya minabuti na lang niyang umalis at magsolo.
Napabalikwas siya ng bangon ng magring ang cellphone na gamit niya sa trabaho. Isa siyang romance novel writer pero nakatago ang identity niya. Sinubukan lang niyang magpasa ng gawa niya noong makagraduate siya ng high school at nakailang ulit din siyang ni-reject pero nagpursige siya at sa kalaunan ay natanggap din ang kanyang ginawa.
Sana ay hindi masamang balita ang sasabihin sa kanya tungkol sa trabaho niya.