Chapter 37

1K 18 5
                                        

Elizabeth Rose Taylor

Lahat kami ay nag hihintay kila Rei Xiu, ang tagal kasi nilang dumating hmmp!

Elico, what if napatay ang pinsan ni Lumi? Tanong ni David sa akin at nagulat naman ako.

'wag nga kayong nega! Sagot ni Bella at nag taas sya ng boses dahilan upang mapatingin kami sa kanya. Oras na mangyari iyon ay hindi natin mapipigilan si Lumi. Alam nyong iba sya sa atin! Seryosong sabi pa nito at napa tango tango naman kami.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng dorm ng pinsan ni Lumi.

Nakangiting pumasok ito dito, at sa tingin ko naman ay buhay ang pinsan nya.

Kami naman ay tumayo upang salubingin sila.

Bellsy Girl! You're here pala! Ikaw ah! Nang - aasar na bati ni Heart kay Bella at ngumiti lang ito.

Hmmp! Hindi matatapos ang taon na ito na may hindi nagiging bagong mag kasintahan. Hmmp!

Kamusta, pals? Nakita nyo na sya? Tanong ni Nathan at napakamot naman si Lumi sa ulo nya at ngumiti ng alanganin.

Hintayin na lang daw natin ang room mate na kaibigan ni Amren! Wala kasi silang dalawa sa classroom nila kanina. Alanganing sagot nito.

Kung ganun, maupo muna kayo, mates! Alok ni Brent at hinatak si Bella papunta sa tabi nya at umupo naman sila Rei Xiu sa bakanteng pwesto.

Inilabas ko naman sa bulsa ng blazer ko ang letter na ibinigay sa akin nung lalaki kanina.

Here, Rei Xiu. Tawag ko sa kanya at iniabot ang letter.

Putcha dude! Kailan ka pa naging alagad ni Ace? Haha! Natatawang tanong ni Andrew at nag mura pa. Ang mga batang nandito naman ay napatingin sa amin dahil ang iba ay nandito rin sa labas.

Tiningnan naman ni Kristine si Andrew ng masama at napakamot naman ito sa ulo nya.

Rubbish, eh? Ano naman yan Eli? Tanong ni Kristine sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay.

Akmang sasagot na ako ng biglang sumagot si Bella. Hmmpp! Ang sabi ni Eli ay may nag bigay sa kanya nyan. Basahin mo, Rei Xiu. Sagot ni Bella at kaagad namang kinuha ni Lumi iyon at binasa.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumulo ang luha ni Lumi. Batid kong nasasaktan sya. Su...sulat ito ni Amren. Utal utal na sabi nya at niyakap naman sya ni Kristine dahil katabi sya nito.

Patingin nga ako Girl! Usisa naman ni Heart at kinuha ang letter kay Lumi.

Wala namang nakaka - iyak dito, Girl! I mean tingnan mo yung tinta ng ballpen halatang isinulat kahapon. Usisa ni Heart at napatingin naman ako sa kanya.

Dito magaling si Heart, nalalaman nya kung kailan isinulat iyon, pero hindi eksaktong oras. Halimbawa: May isinulat ako na mali at hindi ko na pwedeng burahin. Malalaman nya iyon kung kailan ko isinulat. Kung kahapon ba o ngayon.

Tears of joy, I guess? Natatawang tanong ni Heart kay Lumi at nag kibit balikat pa sya. Si Lumi naman ay ayaw tumigil sa pag iyak.

Ma...may nararamdaman lang ako na hindi maganda. Ayokong isipin, pero nararamdaman ko talaga! Inis na sabi nya kahit na umiiyak sya.

Ilang saglit pa ay bumukas ulit ang pinto ng dorm, at bumungad naman sa amin ang isang batang babae.

May katangkaran ito, at may maiksing blonde na buhok, may kasingkitan din ang mga mata nya at kulay green na iris, matangos na ilong at pa korteng puso na labi.

The Cadaver UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon